Hinihingal si Eros na dumating sa peryahan pagkalipas ng 15 minutong pagbibisikleta. Hingal ito hindi sa pagod kundi sa kaba. Kinakabahan siya na baka hindi nanaman sumipot ang kanyang ka eyeball o baka magyaya nanamang umuwi pagkatapos nitong mailibre. Pero mas kinakabahan siya sa ideyang maging awkward at puro huni lang ng ibon ang marinig nila sa mga oras na magkasama silang dalawa. Kinakabahan siyang umuwi silang parehong panis ang laway.
Kung sabagay napaghandaan na ni Eros ang pangyayaring ito kung sakali kaya ang peryahan ang lugar na napili niya. Naisip niyang stratehikong lokasyon ito para sa taong unang beses palang magkita dahil kung wala na silang mapag-usapan at sabaw na ang kanyang mga joke pwede niya ito yayain nalang na sumakay ng mga rides sa peryahan . At kung sakaling hindi naman sumipot ang kanyang ka eyeball, inisip niya na tataya nalang siya sa mga sugal sa perya. Naniniwala siya sa kasabihang “ang malas sa pag-ibig ay swerte sa sugal”.
Humanap na ng magandang pwesto si Eros; hindi masyadong maliwanag para hindi agad mahalata ang mga papansin niyang taghiyawat at hindi rin masyadong madilim para siya ay makita at para hindi magmukhang snatcher na naghihintay ng kanyang kawawang bibiktimahin.
Pagkaupo ay itinapat niya ang kanyang kamay sa bibig at huminga upang timplahin kung kanais nais pa ang kanyang hininga. Humugot ng doublemint at kagyat itong nginuya. Kapagdakay inamoy nito ang damit kung nakakapit parin ang amoy ng pabangong halos pinangligo niya kanina. Naiinis si Eros sa kanyang mumurahing pabango dahil tila nawawala agad ang amoy nito pagkalabas pa lang ng bahay. Mabuti nalang at binaon niya ang botelya ng pabango na sa liit ay kasyang kasya naman sa kanyang bulsa. Ibinuhos niya ito sa kanyang kamay at ipinahid sa damit at sa kanyang katawan. Napangiti siya sa kanyang angking bango na nagdagdag ng tinatayang bente porsiyento sa kanyang kakapiranggot na confidence.
“kinse minutes na ah. Ano na kayang nangyari dun?” kausap ang sarili pagkatingin sa kanyang relos.
“itetext ko na ba siya?hindi.baka magmukha akong desperado sa pakikipagkita sakanya” winika niya sa kanyang sarili.
Pinalipas nalang niya ang oras nanunuod ng mga batang masaya sa carousel, mga magsyotang sumisigaw sa ferris wheel at mga matatandang tumataya sa mga sugal sa perya. Palingon lingon sa paligid at tumitingin sa mga damit ng mga nagdadaang babae at sinisipat ang mukha ni Ely Buendia sa mga ito.
.
.
.
Isang oras na ang nakalipas at wala pa rin si Sam, bumuntong hininga nalang si Eros at nagpagpag na ng puwetan para umalis. Naramdaman niya pa ang tila kuryente na dumaloy sa kanyang puwet sa matagal na pagkakaupo.“kuya Eros?kayo po ba si kuya Eros?” tanong ng isang bata sakanya ng halos di pa siya nakakahakbang para umalis.
“ako nga. Ako lang may mukhang ganito sa planetang ito” pabiro nitong sagot na may pagtataka sa kanyang mukha
“may nagpapabigay po sa inyo nito” tugon ng bata sabay bigay sa tatlong litrato sakanya.
Nagulat si Eros pagkakita sa litrato dahil ito ay mga litrato niya habang siya ay nakaupong naghihintay sa kanyang ka eyeball. Ang isa ay nung inaamoy niya ang kanyang hininga, ang isa naman ay nung pinapahid niya ang pabango sa kanyang damit at katawan na para ng endorser ng Johnson’s Baby Cologne. Ang huling litrato niya ay nung siya ay napabuntong hininga.
Hindi alam ni Eros kung mabibilib siya, matutuwa o maiinis sa kanyang mga nakita. Pakiramdam niya ay isa siyang Hollywood actor na ininvade ang privacy ng isang obsessed na paparazzi.
“Candid shot” sabi ng isang boses ng babae na hindi pamilyar sakanya.
Napalingon siya dito at halos malunok niya ang kanyang nguya nguyang bubble gum. No exaggeration.“finally, meeting the person behind those texts” pangiting sabi ng babae.
“Sam?”
BINABASA MO ANG
Ang Buhay Pag-ibig ni Eros
RomanceIto ay kwento ni Eros---isang lalaking hindi nabiyayaan ng mga katangiang kinakailangan upang matawag na gwapo ng mapanghusgang lipunan. Kung may isang maipagmamalaki ang binata ito ay ang kanyang pagiging mapagpakumbaba. Malas lang dahil hindi pwed...