Nakashorts, nakasumbrero, naka Chuck Taylor na sapatos at nakablack t-shirt na may mukha ng isang vocalist ng banda. Ang wala lang ngayon ay ang malaking backpack ng dalaga.
“Wala kang Swiss-all purpose knife ngayon?” pambungad na bati ni Eros.
“It’s all love tonight” hinawakan ng dalaga ang kamay ng binata.
Gustong itanong ni Eros kung ano na bang meron sila ng dalaga. Ang paghoholding hands ba ay manipestasyon na ng naglalagablab na mutual feelings sa isa’t isa? May friendly form of holding hands lang ba? Hindi ba ramdam ni Sam na naglalawa na ang pasmado niyang kamay?
“Si Steven Tyler yan noh?” tanong ng binata.
“Yes. May pakiramdam kasi ako na kanta niya ang kakantahin mo sa akin” tinapik ni Sam ang gitarang dala ni Eros.
“Uhm gusto mo bang kumain muna? Baka mawalan ka ng ganang kumain kapag narinig mo iyong boses ko” nginunguso ni Eros ang stall ng shawarma kay Sam.
“I don’t want to eat! I just want to listen to a song!” nakakunot ang noo ni Samantha na parang batang nagtatantrums. Nginunguso niya din ang isang pwestong walang tao.
Dahil walang lakas ng loob si Eros para tumanggi sa dalaga, nagpatangay na lang siya sa hila ng dalaga patungo sa tinuturong lugar.
“madilim dito ah! Wala akong maibibigay na pera. Katawan ko lang ang pwede mong mapagsamantalahan!” biro ni Eros ngunit hindi tumawa ang dalaga at tinitignan siya ng masama.
Napailing na lang ang binata at sinimulan ng tinipa ang kanyang gitara at kumanta.
“I could stay awake just to hear you breathing”
Biglang napangiti ang kanina’y nakasimangot na dalaga. Hinahangin ang buhok nito na medyo tumatakip sa kanyang mata ngunit kitang kita pa rin ni Eros ang kinang na nagmumula dito.
“watch you smile while you are sleeping, while you’re far away and dreaming”
Hindi alam ni Eros kung ilang beses pwedeng mahulog ng pagmamahal sa isang tao pero sa tuwing nakatitig siya kay Sam, tila mas madalas pa ang pagkahulog sa bawat pagkurap ng kanyang mga mata.
“I could spend my life in this sweet surrender. I could stay lost in this moment forever”
Ni sa hiling at panaginip hindi niya akalain na makakakilala siya ng katulad ni Sam. Hindi niya alam kung isa siya sa mga pinagpupustahan ngayon ng pag-ibig at tadhana pero alam niyang sa anghel na nasa kanyang harapan ay handa siyang sumugal.
“cause every moment spent with you is a moment forever”
Hindi siya mahilig sa Physics ngunit tila alam na niya ang ibig sabihin ng theory of relativity ni Einstein kung ipapasok mo ito sa konsepto ng pagmamahal. Kung paano tila slow motion ang lahat ng kilos ng dalaga sa kanyang paningin kahit na tila napakabilis ng oras kapag sila ay magkasama.
“I don’t wanna close my eyes, I don’t wanna fall asleep ‘cause I miss you babe and I don’t wanna miss a thing. ‘Cause even when I dream of you the sweetest dream would never do I still miss you babe and I don’t wanna miss a thing”
Pagkatapos ng koro ng kanta, naramdaman niya na lang ang ulo ng dalaga na nakasandal na sa kanyang balikat.
“inaantok ka?” itinabi ni Eros ang gitara at tumingala upang pagmasdan ang kalangitan.
“naririnig ko iyong tibok ng puso mo” halos pabulong lang at tila inaantok nga ang dalaga.
“masyado ba siyang maingay?”
“oo pero hindi ko maintindihan ang gusto niyang sabihin”
“Sabi niya huwag ka daw aalis”
Napangiti ang dalaga at iniyakap ang mga kamay sa binata. Ibinaling din ang kanyang mga mata sa kalangitan,
“hmp bakit lagi kang nakatingala kapag kasama mo ako? Mas maganda bang titigan ang mga bituin kesa sakin?”
Ngumiti lang ang binata, “naghihintay lang ng shooting star”
“Ano pang hihilingin mo eh nandito na ako” biro ng dalaga.
“Iyong hinihiling ng puso ko”
Tumingin na si Eros sa dalaga na nakatitig na rin sa kanya. Hindi na namalayan ni Eros ang pagdampi ng labi ni Samantha sa kanyang labi.
Kasabay ng pagbagsak ng bulalakaw ang pagtulo nng butil ng luha sa mata ng dalaga.
BINABASA MO ANG
Ang Buhay Pag-ibig ni Eros
RomanceIto ay kwento ni Eros---isang lalaking hindi nabiyayaan ng mga katangiang kinakailangan upang matawag na gwapo ng mapanghusgang lipunan. Kung may isang maipagmamalaki ang binata ito ay ang kanyang pagiging mapagpakumbaba. Malas lang dahil hindi pwed...