Habang nakahiga, iniisip ni Marika ang kaibigan. Siya at si Mang Berto, ang tagapag-alaga ni Sam, na lang ang itinuturing niyang pamilya mula noong naulila siya tatlong taon na ang nakakaraan.
Apat na buwan pagkatapos ng kanyang ika dalawampu’t isang kaarawan ay napasama ang kanyang mga magulang sa mga hindi nakaligtas sa isang plane crash na patungo sana sa Cebu para sa isang business forum. Dahil nasa tamang edad na, siya na ang nagmange ng naiwang business ng mga magulang---isang franchise ng sikat na fastfood restaurant. Dahil sa galing, malasakit sa kanyang mga trabahador kahit hindi siya masyadong malapit sa mga ito at dahil sa pagiging tutok niya sa nasabing business naging mas malago ang negosyo. Sa mga susunod na buwan ay binabalak nanaman ng dalaga na magventure sa isang panibagong business.
Isang buwan naman pagkatapos nangyari ang malagim na pangyayari, nag-for good na sa Canada ang magulang ng kanyang kapitbahay at childhood friend na si Sam. Pinili ni Sam na manatili sa Pilipinas at magtayo ng isang Café para magkaroon ng dahilan para hindi sumama. Pero alam ni MArika na ang totoong dahilan ng hindi pagsama ng dalaga ay dahil kay Christian, ang tatlong taong karelasyon ni Sam, at ang balak niyang pagpapakasal na dito. Dahil hindi mapilit ng mga magulang, ipinatawag ang dating tigapag-alaga rin ng mga magulang ni Sam na si Mang Berto. Ang animnapu’t walong taong matanda na ang nagsilbing magulang ni Sam at kalaunan ay naging parang magulang na rin ni Marika.
Mula noon naging madalas muling magkasama ang dalawang dalaga. Katulad noong sila ay bata pa. Ang pag-alis nila sa kanilang tahanan upang magkolehiyo ang dahilan kung bakit medyo naging malayo sila sa isa-t isa sa mga nakaraang panahon ngunit ang pagkawala ng kanilang mga magulang dahil sa magkaibang kadahilanan ang muling naglapit sa dalawa. Si Marika lang ang pinagsasabihan ni Sam ng mga sekreto nito at si Sam lang ang pinagsasabihan ni Marika ng sakanya. Si Mang Berto naman ang pinagsasabihan nila ng sekreto ng bawat isa.
Alam ni Marika ang naging trahedya ng kaibigang si Sam sa pag-ibig at lahat ng mga pinaggagagawa ni Sam nitong mga nakaraang taon. Malaki ang pinagbago ng kaibigan pagkatapos mawala ni Christian. Napakarami na niyang kinonsenteng ginawa nito kahit hindi niya lubos naiintindihan dahil hindi nagkwenkwento si Sam tungkol sa kanyang mga tinatawag na “specimen”.
Nag-aalala si Marika sa kaibigan ngunit sa kabilang banda, sa hindi maipaliwanag na dahilan, nag-aalala rin siya sa pinakabagong specimen ng dalaga---si Eros.
Dinial ni Marika ang number ni Mang Berto. Alas onse na rin pero alam niyang gising pa ang matanda dahil ito ang oras ng pagbabasa niya ng libro at pagkakape sa balkonahe.
“Tay Berto?”
“Tungkol kay Sam, tama ba nak?”
alam niyang nakangiti ang tatay kahit hindi niya ito nakikita.“Alam na alam niyo tay ah”
“Siya lang kasi ang pinoproblema mong hirap na hirap kang solusyunang mag-isa.”
“may bago nanaman, tay”
“hindi ko rin alam kung kailan siya titigil. Malapit ng mapuno ang corkboard niya”
“opo, tay”
“samahan mo ang kaibigan mo. Kayo na lang ang magkasama dito”
“salamat po, tay”
“at MArika…”
“tay?”
“hindi pwedeng sa inyo lang dalawa umiikot ang mga mundo niyo”May kung anong tumusok sa puso ng dalaga. Hindi niya gaanong naintindihan ang gustong iparating ng Tatay-tatayan, pero tila naintindihan ito ng kanyang puso.
Kailangan nila ni Sam ang isa’t isa. Siguro sa ngayon ay mas kailangan siya ng kaibigan. Pero, kailangan din ba nila ng iba pang tao sa kanilang buhay? Taong hindi pagsasaraduhan ng pinto katulad ng ginagawa niya at hindi lang paglalaruan katulad ng ginagawa ng kaibigan.Pagkatapos magpaalam ay pinatay na ni Marika ang tawag. Pagkatapos ng ilang buntong-hininga ay tinext niya si Sam:
What time on Saturday? And what type of dress should I wear?
BINABASA MO ANG
Ang Buhay Pag-ibig ni Eros
RomanceIto ay kwento ni Eros---isang lalaking hindi nabiyayaan ng mga katangiang kinakailangan upang matawag na gwapo ng mapanghusgang lipunan. Kung may isang maipagmamalaki ang binata ito ay ang kanyang pagiging mapagpakumbaba. Malas lang dahil hindi pwed...