“Tara sa ferris wheel” nakatitig si Sam kay Eros, abot-tenga ang ngiti at parang bata na tumatango-tango.
Makikita sa hitsura ni Eros ang pilit na ngiti. Alangan ang pagpayag dahil naaalala niya pa ang hitsura, ang amoy at lasa ng kahihiyan na nangyari noong una silang sumakay ni Sam sa ferris wheel. Lasang pinaghalo-halong panis na tinapa, itlog maalat at kanin.
Makikita sa mukha ni Tonton ang parehong emosyon.
Sa mukha ni Marika? Walang kahit anong emosyon.***
“handa ka ba ulit isakripisyo ang panyo mo?” pinipilit ni Eros na magpatawa kahit putlang putla na siya na nakatingin sa ibaba.
Nasa pinakataas na ang upuan na kanilang sinasakyan ngunit hindi pa umaandar ang ferris wheel dahil pinupuno pa ito.
“mas marami naman kaming aalalay sayo ngayon kapag nagsuka ka at nanghina” pinakita ni Sam ang plastic, panyo at alcohol na nasa loob ng kanyang bag sabay kumindat kay Eros.
Hindi pa nagsisimulang umandar ang ferris wheel ngunit parang nanghina na agad si Eros sa kindat ng dalaga.
“Siguro kahit magpasama ka sa akin sa bermuda’s triangle para hulihin ang Kraken, hindi ako makakatanggi?” biro ng binata.
“Ipon lang tayo tapos mag trans-atlantic tour tayo, gawin natin iyong pose ni Jack at ni Rose sa Titanic” balik na biro ng dalaga.
“Anyway, anong tingin mo kay Marika?” usisa ng dalaga.
“Hindi ko siya gaanong natignan. Medyo biased iyong paningin ko sa’yo eh”
Tumawa si Sam at siniko ang binata,
“Alam mo cute si Tonton ah, mataba lang pero cute. O baka iyong pagiging mataba niya ang nagpapacute sakanya? He looks like a male version of Jigglypuff”
“Eh ako?” pilit nagpacute si Eros kahit walang bahid ng ka-cute-an ang naglakas-loob man lang na sumilip sa karakas niya.
“Well, uhm, you’re very mabait and fun to be with” ngumiti ang babae at kinurot niya ang pisngi ni Eros.
Biglang tumahimik si Eros at ibinaling na lang ang tingin sa kalangitan.
Napansin ito ni Sam at siniko ang binata,
“Hey, hindi ko type si Tonton ah! I like her for Marika”
“Oo, alam ko naman ang type mo eh. Diba sinabi mo iyong ideal man mo dati noong magkatext pa lang tayo?”
“So you still remember?”
“1) tall and handsome, 2) well-read at well-travelled, 3) marunong mag-piano or violin, 4) may sense of humor, 5) sweet in words and action”
“Wow, you still remember” biglang naging matamlay ang boses ng dalaga.
"Uhm, ayos ka lang ba?” nag-aalala ang binata na baka may nasabi siyang hindi maganda.
Pilit na ngumiti ang dalaga at tumingin sa binata,
“on second thought, it’s better to have someone na sasamahan ka sa mga gusto mo even if there is a risk na magkalat siya ng suka sa isang pampublikong lugar. So, damn that list”
Hindi maitago sa binata ang pagkakilig. Halata sa lumalaking butas ng ilong nito. Tumingala na lang ang binata at tila kumikindat sa kanya ang bituin.
Kasabay ng pag-andar ng ferris wheel ay ang paggulong ng pag-asa ni Eros na posible ngang walang tinitignang anyo at hitsura ang pag-ibig.
***
“Nasaan si Tonton?” tanong ni Samantha at ni Eros pagkababa sa ferris wheel. Makikita sa hitsura ni Eros ang pagiging proud dahil hindi siya nagsuka sa pagkakataong ito.
Tumuro si Marika sa isang direksyon at sinundan naman ng mga mata ni Eros at Samantha ang direksyon ng daliri ni Marika. Sa lugar na itinuturo ng kamay ni Marika nakita nila si Eros na inilalabas ang mga kinain nila kanina. Maririnig pa ang ilang mga tao na nagsasabing: “ ay pucha, kaning baboy!”
***
Halos nasakyan ng tatlo ang lahat ng rides noong gabing iyon. Maliban kay Tonton na piniling huwag ng sumakay at nagfoodtrip na lang para daw mabawi niya ang sinuka niya.
Pagkatapos sumakay ay nagtaya din sila sa mga palaro sa plaza. Nakakuha sa isang palaro si Eros ng stuffed toy na hugis saging at may iisang mata. Binigay niya ito kay Samantha pagkatapos sulatan ng mga salitang: “saging ni Eros”. Tawang tawa ang dalaga sa natanggap.
Nakakuha naman si Tonton ng kulay berdeng pitsel sa running light. Hindi niya ito inialok kay Marika at sinabi niyang sigurado siyang may water dispenser naman sila MArika sa kanilang bahay.
Bago umalis ay biglang may naalala si Sam.
“Wait, Eros!” may kinuha si Sam sa kanyang bag---isang holen, “as promised” iniabot niya ito sa binata.
“Iyong bigay ko sa’yo nasa loob na ng bag mo” nakangisi si Eros.
“Paanong….?” Biglang napakapa si Sam sa kanyang bag.
“Sam, snatcher yan sa Quiapo noong past life niya” biro ni Tonton.
Isang matamis na ngiti at kaway ang iniwan ni Sam at Eros sa isa’t isa bago naghiwalay ng landas,.
Si Tonton at Marika ay iniwanan ang isa’t isa ng masasakit na tingin at pag-irap.
BINABASA MO ANG
Ang Buhay Pag-ibig ni Eros
RomanceIto ay kwento ni Eros---isang lalaking hindi nabiyayaan ng mga katangiang kinakailangan upang matawag na gwapo ng mapanghusgang lipunan. Kung may isang maipagmamalaki ang binata ito ay ang kanyang pagiging mapagpakumbaba. Malas lang dahil hindi pwed...