Isang maputing babae na nasa 5’4” ang taas ang nakangiti sa harap ni Eros. matangos ang ilong nito, malapad at mapupula ang labi at nangungusap ang mga mata. Nakasuot ito ng black na sleeveless shirt na may mukha ni ely buendia at nakamaong na short na mas tastas sa ibaba.
“I…ikaw ba si sam?”pautal na tanong ng tulalang binata sa dalaga.
“You look off guard” nakangiting ang babae
“ah…uhm…di lang kasi ako makapaniwala na ganyan ang hitsura mo”
“what kind of face are you expecting?” tanong ng babae na tila nakapako na ang ngiti sa mukha.
Di na nakasagot at napatulala nalang si Eros sa ganda ng babae na nasa harap niya. Hindi siya makapaniwala na ang isang ganito kagandang babae ay papatol na makipagtext sa isang taong di niya nakikita at mas malupit ay makipag eyeball sa taong di niya kilala.
Nawala lang ang pagkatulala ni Eros ng napapikit siya sa flash na nanggaling sa bagay na hawak ng dalaga.
“Mas ayos pala ang kuha kapag may flash.”turing ng babae na tila nakikipag usap sa hangin.
“Polaroid camera” bigla nalang nasabi ng binata na tila wala parin sa sarili.
“yep” sagot ng babae “pwede na ba kong maging paparazzi?” lumapit ang dalaga sa tulirong binata at hinila niya itong maupo.
Sa pagkakataong ito, pakiramdam ni Eros anumang oras ay may mangyayaring isang practical joke sakanya at bigla nalang lalabas ang mga nakatagong camera o di naman kaya ay may mga grupo ng kalalakihan na bigla na lang bubuhat sakanya at ilalagay sa van upang kunin ang kanyang atay at iba pang lamang loob. Pakiramdam niya na ang magandang babae sa harapan niya ay isang accomplice…isang napakagandang accomplice sa isang practical joke show o sa isang bagong modus operandi ng bagong labas na organized criminals.
“Are you just going to stare at me all night?” pabirong umirap ang babae
“Ikaw ba talaga si sam?” halos pabulong na tanong ni Eros.
“Diba ako dapat nagtatanong sayo niyan?” balik ng babae “you seem very different from the person I knew behind those texts. One liner man ka lang pala sa personal” pabirong sagot ng babae.
“uhm, ano ang vision mo?” seryosong tanong ni Eros sa babae na hindi parin makapaniwalang siya ang Sam na nag ubos ng panahon para makatext siya.
“huh? 20/20 the last time I checked” nagtatakang tanong ng babae “pick up line ba yan? Should I say “bakit?””
“so nakikita mo ko ng malinaw?”tanong ni Eros
“as far as im concern yes”nagtatakang sagot ng babae
“bakit hindi ka umuwi pabalik sa inyo nung nakita mo ko?” pangising tanong ni Eros.
Biglang nawala ang ngiti ng babae at napalitan ito ng seryosong mukha.
“akala ko iba ka.” Maikling sagot ng babae
“huh?” nagtatakang tugon ni Eros.
“mukhang inindyan ako ni Eros…akala ko ang dadatnan ko dito ay isang masayang tao na makakausap ko tungkol sa mga kaweirdohan ko but instead I found myself sa harap ng isang buhay na questionnaire”
Parang biglang nabuhusan ng malamig na tubig ang binata sa sinabi ng babae. She’s talking sense at siya ang nawawala sa kanyang sarili for the past 30 minutes.
Namalayan niya na lang na nakatalikod na at akmang papaalis na ang babae ng nabuksan ni Eros ang kanyang bibig para magsalita.
“Sam, do you have a plastic bag and a tissue?”
Nagtatakang napalingon ang babae kay Eros.“uhm gusto ko kasing sumakay tayo sa ferris wheel pero madalas akong masuka sa heights. Contingency measure lang kung sakaling mailabas ko yung tinapa at itlog na maalat na kinain ko kanina ”
“dry humor”walang reaksyon ang mukha ni Sam.
“actually that is kind of a wet…and gross humor” sagot ng binata.
Di napigilan ng babae ang pagtawa sa biro nito at muli itong humarap.
“I think we should formally introduce ourselves to each other. I don’t want a stranger cleaning my puke” sabay abot ng kamay sa babae.
“Eros, Cupid sa Greek..pwede mo kong tawagong Cups…pero hindi yan short for kupal”“I'm Samantha” nakangiting sagot ng babae sabay taas ng kamay na aambang paapir.
“Nice to meet you. And may I just say that you are so beautiful” sabay apir sakanya.
BINABASA MO ANG
Ang Buhay Pag-ibig ni Eros
RomanceIto ay kwento ni Eros---isang lalaking hindi nabiyayaan ng mga katangiang kinakailangan upang matawag na gwapo ng mapanghusgang lipunan. Kung may isang maipagmamalaki ang binata ito ay ang kanyang pagiging mapagpakumbaba. Malas lang dahil hindi pwed...