Fernalyn's POV
Pagkagising na pagkagising ko napatingin ako sa Wall clock sa kwarto. Waaaaaaaa! Nanlaki yung mata ko ng makita ko na 10:00AM na! late na late na late na late na ako.
Bumangon ako agad para makaligo na at makapag bihis. Paglabas ko ng kwarto nakita ko sila Mama at Papa maging si Sargeant Kitma ay nandun din at may Doctor pa. Bakit may sakit ba ako?
Bumaba na ako ng Stairs at lahat sila naka tingin saken. Anong problema ng mga to para silang nakakita ng Multo.
"Good Morning Honey." Bati ni mama.
"Good Morning din ma. Bakit andito si Sargeant Kitma at bakit may Doctor sinong may sakit?" Sumbat ko kay mama sa mahinahon na boses.
"Walang may sakit anak..Kakausapin ka lang ng Doctor" Sabi ni Mama habang inalalayan ako na lumapit sakanila.
"Pero ma Late na ako. May Exam ako ngaun" Sabi ko kay mama at nag umpisa nanaman akong mag alala. Late na ko!!!!!
*Ring*
Biglang may tumunog na CP. at ng mapansin ko yun kay Sargeant Kitma.
Hello?
Ano?!!!!!!
Sige papunta na ako.
"Doctora kelangan naten bumalik ng Hospital. Si Daniel....." Nagaalala na sinabi ni Sargeant sa Doctor.
Agad tumayo yung Doctora. Ano kayang meron???
"Sargeant pasabay naman ako. Pleeeaaaase" pakapalan na ng mukha pero late na late na talaga ako.
"Isabay na namen siya Misis. Mamaya na lang siya kakausapin ni Doctora kelangan ko lang talagang bumalik ng Hospital pate na rin si Doctora."
Hindi na nakasagot si Mama. At nagmadali na kame na sumakay sa kotse ni Sargeant. Si Doctora sumakay na din sa kotse niya.
Ibinaba ako ni Sargeant sa harap ng School. Hindi na ako nakapag goodbye umalis agad eh.
Pagdating ko sa school nakita ko si Prof David. at ibang students sa labas.
"Prof anong meron sorry late ako" Suya pamandin mag papaexam sa lahat ng nursing students.
"Cancelled ang exam Miss Omo." Sabi niya habang nakikipag siksikan sa Crowd.
"Bakit sir anong meron." Nakikisiksik na din ako hinahabol ko kasi si Prof.
Hindi ako sinagot ni Prof at nagmamadali siyang pumunta sa gitna.
At biglang humagugul ito.
"Anaaaaaaaaak!" sigaw ni Prof sa isang malamig na Bangkay.
May namatay nanaman sino siya? Tinignan ko yung mukha nung bangkay. Hanggang sa nakita ko kung sino siya. Si.....Si....Si...
"Abby!!!!!!!" napalapit ako sa bangkay ni Abby. At nakita ko din sa gilid ni Abby si Charmine at Donna.
"Kayo po ba ang ama?" Tanong ng isang SPO1 ay Prof.
"Oo ako nga. Perooo....." Napatigil si Prof ng biglang may sumingit.
"Ako ang tatay ni Abby." singit ng isang lalake sa may likuran na mukhang pagod na pagod. Mukhang tumakbo.
Hindi na kumibo si Prof. Akala ko ba si Prof ang Ama eh bakit may nag kle-claim din na siya ang ama.
Ng dahil chismosa nga ako. Tinanong ko na si Prof. Ang kapal ko nor lahat kame nag luluksa may gana pa akong mag tanong.
"Prof kung ikaw Ama eh sino yun?" sabi ko kay Prof.
"I'll explain it to you later" Sabi niya habang tumatayo papunta sa nag uusap na police at Ama daw ni Abby.
Maya Maya dumating na din si Sargeant Kitma. Na halatang umiyak. Namamaga yung mata eh. Ang bilis niya naman pumunta dito. kanina lang nag mamadali siya na pumunta ng Hospital. Tapos ngayon andito na siya.
----
Who killed Abby? My idea na ba kayo kung sino yung killer? Pero si killer nga ba ang pumatay kay Abby?
Kraaaaay~
BINABASA MO ANG
Her Mystery
Mystery / ThrillerPagkatapos ng isang malaking bangungut na nangyari sa buhay niya. Bumalik ang hindi inaasahan. At ito ang naging sanhi ng dirediretso niyang pagpatay. Kilalanin naten kung sino ba si Fernalyn Omo. At panu siya nainvolve sa isang murder case. Hindi...