Chapter 7

68 4 0
                                    

Mula nangaraw na yun ay gumulo lalo ang isip ni Donna.

Gabi Gabi umiiyak si Donna sa kanyang kaibigan na si Charmine. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. Para bang maguguho ang mundo niya na wala si Mafia

Hanggang sa dumating ang araw si Mafia naman ang naging laman ng Balita.

"Anong nangyayari?" Tanong ni Charmine habang kasama si Donna.

"Kase....Ano....Si.....Mafia....." Hindi makapagsalita ang Dalawa. Hindi nila masabi kung ano ang nangyayari.

"Ano sabihin niyo na kung ano nangyari para hindi kame na aout of place ni Charmine. Nagpakasal na ba ang Pipo at Mafia? Ano?!"

"Si Mafia kase. Nahanap na patay sa likod ng building. Kasama si Pipo. Pareho silang Patay"

Hindi alam ni Donna kung ano ang mararamdaman. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya dahil wala na si Mafia maging si Pipo o madidismaya dahil hanggang sa kamatayan eh magkasama sila.

Napaupo na lang si Donna sa Malamig na sahig at dun nag umpisa ang kanyang pag iyak.

"Tama na Donna" Niyakap ng tatlo si Donna. Na ngayon ay nagluluksa.

At tulad sa unang namatay sinakal din ang mga biktima.

"Hindi ka ba nagtataka. Bakit parepareho ang Cause of Death ng mga namamaty?" tanong ni Abby aa Tatlo.

"Hindi kaya may killer behind these mysteries?" Biglang sabi ni Fernalyn.

"Halata naman eh. Alangan naman na sakalin nila ang sarili nila" Sagot ni Charmine

Lumipas ang ilang Linggo. Isa nanamang bangkay ang natagpuan sa likod ng building ng University.

"Sino nanaman ang namatay?" Tanong ni Donna.

"Yung Isang Dean daw ng school" Sagot ni Abby kay Donna.

"Bakit ba dirediretso ang namamatay?" Tanong ni Charmine sa mga kaibigan.

"Oo nga. Ano ba nangyayari sa school na to?" Sumbat naman ni Fernalyn.

Habang nag lalakad ang apat. Nakita nila na ang President at ang school owner ay kausap ang iaa sa mga Police.

"Sargeant Kitma ano po ba ang ikinamatay ng aming Dean?"  Tanong ng school owner sa Lady Police na si Jomayka Bernales Kitma.

"Tulad po nung huling tatlong students na namatay, Sinakal din po" Sagot ni Sargeant Kitma sa School Owner

"May lead na ho ba?" Tanong naman ng School President.

"Pasensya na po. Ang hirap po maghanap ng lead. Kahit pa sakal ang ikinamatay nila wala kameng makita na finger prints o kahit ano na pwede maging main evidence naten sa suspect" Sagot ni Sargeant Kitma.

Habang nag uusap ang tatlo hindi sinasadya na laglag ni Abby ang kanyang Ballpen na naging sanhi na sila ay mapansin ng tatlo.

"Kayong apat?! Ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo?!" Nagulat ang apat na magkakaibigan sa sigaw ng School President.

"Ah...Ehh..Sorry po Miss President ay este Miss Pidazo...Hindi po namen gustong marinig ang usapan niyo" paliwanag ni Fernalyn. Dahil siya ang nasa unahan.

"Go back to your Class!" Sigaw ulit ni Miss Camille Pidazo ang school President.

"Y-yes Ma'am" Agad na nagsi takbo ang apat papunta sa kanya kanya nilang klase.

At dahil same Room si Donna at Charmine. Hindi nila maiwasan na pag usapan ang nga nangyayari.

"Apat na ang namamatay Charmine. Sa tingin ko adik na yung pumapatay, Hobby na niya to." Sabi ni Donna kay Charmine habang kinokopya ang mga notes na isinulat ng kanilang Prof sa oras na yun.

"Oo nga. Hindi ka ba nagtataka, parang isang tao lang ang gumagawa nito eh" Sagot ni Charmine kay Donna habang binabato ng papel yung kaklase nilang Nerd sa Harap.

"Teka nga. Tayo kaya mag imbistiga? Isama na din naten yung Dalawa" Sagot niya habang inilalapag ang Ballpen sa lamesa niya.

"Miss Martin and Miss Abuan. Peede niyo bang ishare kung ano ang pinaguusapan niyo?" natalima ang dalawa ng narinig nila si Prof David na biglang nagsalita at ngayon ay nasa tabi na nila.

Tahimik lang ang dalawa. Hindi sila umimik kase kahit hindi sumigaw ang kanilang Prof David eh nakakatakot na talaga ang mukha nito.

"Miss Abuan....Bakit mo binabato si Miss Gapuz?" Muling tanong ni Prof David kay Charmine.

"Ah...Eh..Sorry po" ang tanging nasabi ni Charmine.

Natahimik na ang dalawa hanggang sa natapos ang klase nila.

----

Kraaaay~

Her MysteryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon