Chapter 10

61 4 0
                                    

Natapos ang imbestigasyon ng mga Police. At nag Resume na ulit ang klase.

Maliit lang ang Campus ng GagUniversity at talagang maririnig mo kung ano ang ingay sa labas.

Habang busy ang lahat sa kanikanilang klase. Bigla na lang may sumisigaw sigaw na babae sa labas.

"TULONG! TULONGAN NIYO AKO! AHHHHHHHH!"

naagaw ng isang babae ang atensyon ng lahat sa Campus. Lahat sila ay tumakbo papalapit sa Likod ng school para tignan kung ano yu .

Pero pag dating nila isang Walang malay na Mhay Anne Gapuz ang nadatnan nila sa Damuhan.

Agad nilang dinala si Mhay Anne sa Hospital. Upang matignan.

Ayon sa Doctor muntik na itong atakihin sa Puso.

"So, si Miss Gapuz ang Next Target ng Killer." Saad ni Sargeant Jomayka Bernales Kitma.

"Bigyan ng Proteksyon si Miss Gapuz. At baka dito siya patayin sa Hospital." Muling sabi ni Sargeant Kitma.

At sa pagkakataong ito may nakita na ang mga tauhan ni Sargeant Kitma na ebidensya. Isa itong Main Evidence laban sa suspect.

Sa kabilang dako.......

"Sana mahuli na yung Killer." Saad ni Fernalyn

"Oo nga ng Mapasalamatan ko naman siya" Saad ni Donna na kahit wala na si Mafia ay parang nandun pa rin ang galit niya.

"Grabe ka naman Donna. Move On ka na Girl!" Sabi ni Abby na busy sakanyang hawak na Phone. Mukhang may katext at parang sagad hanggang buto ang pag kakilig.

"Sino ba yang katext mo?" Pag iiba ni Donna sa Usapan.

"Ah eh. Si Ano...Basta!" Tanging sagot ni Abby.

"I guess hindi yan yung Boyfriend mo ano?" Singit ni Charmine na kararating lang bitbit ang mga pagkain nila.

"Wala akong Boyfriend!" Bitter na sagot ni Abby.

"War kayo?!" Sabay Sabay ang tatlo sa pag sabi.

"Kailangan talaga Sabay?! Parang ngaun lang kayo nakakita ng Nag aaway na mag Jowa ah!" Sagot ni Abby sa mga kaibigan.

"Hindi sa ngayon lang kame nakakita ng Jowang nag aaway. Ngaun lang namen nalaman na nag aaway pala kayo nung BF mo" Paliwanag ni Charmine.

"Panung di kame mag aaway Naiinis na siya. Wala na daw akong time sakanya. Kayo na lang daw lage kasama ko." Paliwanag ni Abby

"Sorry siya. Mas Love mo kame eh." Sagot ni Fernalyn na susubo ng isang buong siomai na napakalaki yung worth 15php ang isa sa lake! (Hala sige mag imagine kayo kung gaano kalaki ang siomai)

Hindi pa nasusubo ni Fernalyn ang Siomai eh biglang may lumapit sakanya na isang HOT Hunk! Jusko! Ang dream boy ni Fernalyn.

"Hi. Ikaw ba si Fernalyn?" Nakanganga lang ang Fernalyn habang ang siomai hinihintay na maisubo siya.

At dahil sa Hot ang nasa harap niya hindi na nakasagot ang Loka. at ang Donna ang sumagot para sakanya.

"Oo sya si Fernalyn. Bakit may kailangan ka sakanya?" Tumayo si Donna mula sa Table habang naka pamewang na tinanong ang Lalake.

Habang ang Fernalyn ayun nakanganga pa rin. Hindi pa rin naisubo ang siomai. Kawawang siomai.

"W-wala" Tumakbo ang lalake palayo. Mukhang natakot kay Donna.

"HOY FERNALYN OMO!!!!" Sigaw ng Tatlo sa kaibigan nilang nag iimagine na.

Sa gulat ni Fernalyn naiaubo niya bigla yung Siomai at nabulunan siya.

"Anak ng Nanay at Tatay ni Garfield!!! Ano bang problema niyo at nang gugulat kayo?!!!" Sigaw ni Fernalyn matapos niyang maka recover sa Siomai na bigla niyang nasubo.

"Nakakita lang ng Gwapo eh! Tsk Tsk Tsk!" Sabi ni Donna.

"Man Hater pala huh?!" Sabi ni Charmine.

Habang nag aasaran ang Apat narinig nila bigla ang usapan ni Miss Pidazo at ng School Owner.

"Malapit na mahuli ni Sargeant Kitma ang killer Ma'am" Sabi ni Miss President Pidazo kay School Owner.

"Oo nga. Sargeant Kitma just called me a minute ago!"  Sabi ni Miss School Owner.

At dahil ang mga tsismosa ay talagang tsismosa na! Gagawa sila ng kalokohan na hindi nila alam na ikakapahamak nila!

----

Kraaaay~

Her MysteryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon