Fernalyn's POV
Habang nag lalakad ako papunta sa Lab nasalubong ko si Prof David.
"Good Afternoon Miss Omo" Bati saken ni Prof.
"Good Afternoon din po" Bati oo din sakanya.
"San ka punta Miss Omo?" Tanong ni Prof na mukhan isang lugar lang ang pupuntahan nameng dalawa.
"Sa lab po prof." sabi ko sakanya.
"Halika sabay na tayo. Bitbitin mo tong mga Apparatus." sabi niya saken. At aba inutusan pa talaga ako. Katayin ko kaya to?
Out of the blue biglang nag salita si Prof David.
"Haaaay! nabawasan nanaman ako ng isang student" Sabi niya na ipinagtaka ko.
"Ano yun prof? ay sinasabi ka po?" Sagot ko habang hirap na hirap sa mga bit bit ko isang maling hakbang basag lahat ng apparatus eh.
"Si miss Gapuz kase." Sabi niya ulit
"Baki po siya?" Tanong ko ulit.
"Ay bakit? hindi mo ba alam nangyari sakanya?" Sabi ni Prof David.
"Yung na Hospital siya? Alam ko po" sagot ko.
"Hindi yun. Hindi mo ba alam na patay na siya?" Sabi ulit ni Prof David na ikinagulat ko.
"Huh?! Kelan paano?!" sigaw ko na ikinagulat ni Prof David kase nasa harap na kame ng Library.
"Wag ka sisigaw. baka pagalitan tayo ng Librarian" Sabi ulit ni Prof.
"Ay sorry po. Ano po ba kase nangyari kay Mhay Anne? tama po ba Mhay Anne ang pangalan niya?" tanong ko at nag lakad na ulit habang dahan dahan ko inangat yung apparatus na hawak ko.
"Nakita siya nung Saturday morning. Wala ng buhay" Sagot niya.
Kaya pala ako pinatawag kanina. Pero ano kinalaman ko dun at ako ang tinatanong nila.
Anyway di na ako sumagot kay Prof David kase nasa Lab na kame at may on going class dun. Kaya dahandahan kame pumasok para iaayos na yung apparatus. At hinanap ko na din yung phone ko. Nag babakasakali lang naman ako na baka dito ko naiwan or nahulog yun. Pero imbis na CP ang nahanap ko isang Paper na may Handwritten ko.
Ikinagulat ko yung nakasulat dun. Kaya agad agad kong itinago yun baka may makakita pang iba.
Ano na kasulat?? wag niyo na alamin at baka magulat din kayo.
After namen ni Prof David na mag ayos ng Apparatus lumabas na kame ng Lab. Nagpaalam na ako kay Prof David at agad akong umuwe para tanungin sila mama kung sino yung gumugulo sa isip ko.
Naglalakad ako sa may Bridge ng biglang sumakit nanaman ang ulo ko. Tiniis ko yung sakit para maka abot ako sa bahay. Pero dahil hindi ko na kaya ang sakit napaupo na ako sa gilid ng Bridge.
Ilang minuto bago ako mawalan ng Malay may nakita akong tao na papalapit saken.
----
Ano kaya nangyayari kay Fernalyn? At bakit parang nag kaka amnesia siya?
Kraaaaay~
BINABASA MO ANG
Her Mystery
Mystery / ThrillerPagkatapos ng isang malaking bangungut na nangyari sa buhay niya. Bumalik ang hindi inaasahan. At ito ang naging sanhi ng dirediretso niyang pagpatay. Kilalanin naten kung sino ba si Fernalyn Omo. At panu siya nainvolve sa isang murder case. Hindi...