"Donna, Lyn.. Good Morning" Bungad ni Charmine sa dalawa niyang kaibigan. "Oh masaya ka yata ngaun?" Tanong ng dalawa sakanya.
"Kilala niyo si Christopher Legazpi?" nanlake ang mga mata ni Fernalyn sa narinig niya.
"Oo kilala ko yun. Yung Hot na Varsity Player. Siya ba yun?"
"Oo siya na nga. Ikaw Lyn? di mo siya kilala?"
Umiling na lang si Fernalyn. Alam niyang kilala niya yun pero hindi niya na pina alam dahil wala naman nakakaalam sa nangyari nung gabing yun.
Naglakad na ang tatlo hanggang sa mga klase nila hanggang si Lyn naman ay dumiretso ng Banyo para maghilamos.
Kinabukasan.
"Narinig niyo ba yung balita?" bungad ni Donna sa dalawa.
"Anong balita?" Tanong naman ni Fernalyn
"Si Chris patay na daw!"
Ikinagulat ni Fernalyn ang kanyang nalamam. Kahapon lang ay parang gusto niyang sakalin ang lalakeng yun hanggang sa managutan ng hininga pero may gumawa na para sakanya.
Tahimik naman sa kabilang dako si Charmine na parang ang lalim ng iniisip na kahapon lang eh ang ganda ganda ng mood niya.
"Uyy Charmine alam mo ba?" Parang natauhan si Charmine mula sa tanong ni Donna.
"Huh??! Ano yun?"
"Si Chris. Patay na daw...Nakita daw siya sa likod ng building"
"Talaga?" Tanging nasagot ni Charmine sa kaibigan. Mukhang malalim talaga ang iniisip ng Dalaga.
Dumiretso na ang tatlo mula sa kanilang mga Classroom. Si Fernalyn pilit iniisip kung sino pumatay kay Chris. Sa kakaisip kung sino pwede gumawa kay Chris nun sumakit ang ulo niya.
"Miss Omo, are you Okay?" tawag sakanya ng kanyang guro. Habang siya ay sinasabunutan ang ulo.dahil sa sakit. Naputol din ang parang panaginip ng tawagin siya ng guro.
"Bigla po kaseng sumakit ang ulo ko Ma'am" tanging naisagot ng Dalaga sa guro niya.
"You can go to the Clinic." Tumayo agad si Fernalyn at tumungo na sa clinic para mapatignan ang kanyang sitwasyon
Pagpunta niya sa Clinic na abutan niya ang School Doctor nila at agad nag patingin.
At ang sabi nastress lang daw siya.
---
Kraaaay~
![](https://img.wattpad.com/cover/23667576-288-k335834.jpg)
BINABASA MO ANG
Her Mystery
Mystery / ThrillerPagkatapos ng isang malaking bangungut na nangyari sa buhay niya. Bumalik ang hindi inaasahan. At ito ang naging sanhi ng dirediretso niyang pagpatay. Kilalanin naten kung sino ba si Fernalyn Omo. At panu siya nainvolve sa isang murder case. Hindi...