Fernalyn's POV
Ang sakit ng Ulo ko. Grabe ang sakit. Hindi ko kaya para akong pinapatay sa sakit. Mayat Maya ang sakit ng Ulo ko hindi ko maintindihan kung bakit.
Sa tuwing magigising ako hindi ko maalala kung ano nangyari saken. Hindi ko man lang maalala kung panu ako nakauwe. Di ko rin alam kung natapos ko ba yung ginagawa ko kagabi sa school.
Teka kasama ko sila Donna Kagabi ah. Matanong nga.
Kinuha ko yung phone ko sa loob ng bag ko. Pero wala na yung phone ko. Hindi ko mahanap san ko ba siya nilagay kagabi.
Pilit kong inaalala kung san ko nilagay yung Cellphone ko pero di ko talaga mahanap. Sabado pa mandin ngayon walang pasok.
Sa Facebook ko na lang sila hahagilapin. Pag ka Online ko nakita kong naka online din si Donna.
uyy Donna Asan ka?
The hell you care?
Galit? may tatanungin lang sana ako.
Pag katapos mo ko awayin kagabi?! Ewan ko sayo!
Bigla siyang nag Log Out pag ka chat niya nung huli.
"Inaway ko si Donna Kagabi?" Tanong ko sa sarili ko.
"Ano ginawa ko kagabi?" Tumato ako sa kinakaupuan ko at dalidaling bumaba para itanong kay Papa at Mama kung ano oras ako umuwe. Para na din itanong bakit maya't maya ang sakit ng ulo ko.
Pag ka baba ko ng Hagdan papunta sa Sala nakita ko si Mama at Papa na nakaupo at nanunuod ng Balita.
Teka anong oras na ba? Napatingin ako sa Wall Clock na malapit sa TV.
What?! 10:00AM na? kelan ako nagising ng Ganitong Oras?!
"Ma, Pa?" Bungad ko habang nag lalakad ako palapit sakanila.
"Anong oras ako nakauwe kagabi? Wala kase ako maalala." tanong ko at umupo sa tabi nila.
At parang na alarma si Mama at Papa sa tinanong ko.
"W-wala ka maalala?" Nauutal natanong ni Mama.
"3:00AM ka na nakauwe Lyn." Singit ni Mike sa likod ko na galing sa Kusina.
Si Mike? Pamangkin ko yan pero magkasingedad lang kame. Wag nuyo na tanungin kung panu nangyari yun.
"3:00AM???! Kelan pa ako umuwe ng Ganun ka Late?!" Tanong ko kay Mike sabay tingin ulit kina Mama at Papa.
"Fernalyn anak....We need to talk" Sabi ni Papa na tila nag aalala
"Ano po pag uusapan naten Pa?" Tanong ko kay Papa na nakatingin sakanya yung tingin na punong puno ng curiousity.
"Ah ? Grandy, Granny?" Singit ni Mike.
Sumenyas siya sa akin na umakyat muna ako sa kwarto ko. Kaya tumayo naman ako para umakyat sa kwarto ko.
Pag ka akyat ko ng kwarto. Nagtaka ako bigla kung ano sasabihin ni Papa. Ano kaya yun??
Hindi ko Napigilan at nag ninja Moves ako para marinig ang pinag uusapan nila.
"Wag niyo sasabihin kay Lyn ang lahat Grandy at Granny" Sabi ni Mike.
Sasabihin ang ano? Nagtataka na talaga ako.
"Bumalik siya Honey! Bakit kelangan niya pang bumalik?!" Sabi ni Mama kay Papa habang umiiyak.
"Diba sabi sa atin nun. Talagang dadating ang Araw na babalik siya. At si Fernalyn ang nag pabalik sakanya." Sabi ni Papa.
Sino ang bumalik? At sino ang pinabalik ko? naguguluhan na ako!
"Hindi naten inaasahan ang pag babalik ni......."
Naputulan si Mike ng biglang may nag Doorbell. Agad na din akong pumasok sa kwarto. Kase pag lumabas siya sa kusina makikita niya ako na nakikinig.
Hindi ko maintindihan kung ano ang nangyayari. Sino yung pinabalik ko?! at bakit parang takot na takot sila na bumalik yun kung sino man yun.
-
Monday may pasok ako. Kaya maaga akomg umalis ng bahay. Pag ka dating ko sa School nakita ko yung tatlo. Pero nung nakita nila akong papalapit eh umalis sila.
Hala ano ba nagawa ko para magalit sila sa akin. Ano ba kase ginawa ko nung gabing yun. Hindi lang yun ang pagkakataon na nakalimot ako. Hindi ko na maalala kung pang ilan na yun.
Habang nag lalakad sa Hallway nakita ko si Jomayka kasama si President Pidazo. At ng makita nila ako eh tinawag nila ako sa Office.
"Miss Omo...Ikaw ang natira dito nung friday ng Gabi...." Sabi ni Ma'am Camille
"May nakita ka ba na kakaiba?" Pahabol na tanong niya.
"Wala naman po. Bakit po? May nangyari po ba?!" Pagtatakang tanong ko kay Ma'am Camille.
Hindi nila sinagot yung tanong ko.
"Miss Omo. Kilala mo ba si Miss Gapuz?" Tanong niSargeant Kitma. Formal dapat naka uniform siya eh.
"Kilala ko po siya pero hindi po kame magkaibigan hindi din po kame magkakilala in person. Sa pangalan lang po" Sagot ko.
"Alam mo ba na naiwan din siya dito nung last friday?" Tanong ni Jomayka. Ay ni Sargeant pala.
"Hindi po. Bakit po may nangyari po ba?" Tanong ko ulit.
"Cge you may proceed to your class" Sabi ni President Camille.
Argh! Ano ba kase nangyari nung gabing yun. Bakit wala ako maalala. At syaka asan yung CP ko kung kelan ko naman kailangan dun pa nawala.
---
Kraaaay~
BINABASA MO ANG
Her Mystery
Misteri / ThrillerPagkatapos ng isang malaking bangungut na nangyari sa buhay niya. Bumalik ang hindi inaasahan. At ito ang naging sanhi ng dirediretso niyang pagpatay. Kilalanin naten kung sino ba si Fernalyn Omo. At panu siya nainvolve sa isang murder case. Hindi...