[One] Mukhang Tanga

18.9K 204 18
                                    

SAUL'S POV

Kasama ko ang tropa kong mga basketball player. Basketball player kasi ako. Lahat ng mga babae sa university na to ay binabati kami.

"Hi po! Pwede magpapicture?" Sabi ng isang babae at nagpapicture kaming apat.

Kaya ako sikat dahil hindi ako suplado sa mga babae. Kumakalat tuloy ang pictures ko kahit sa ibang school dahil sa nagpapicture sakin. At pag may nagrequest or nagustuhan akong babae ay matic na. Diretso yan sa kwarto ko. Pinipili ko lang naman ang babae na papatulan ko para hindi ako mabusted. Sa itsura palang ay halata na sa kanila na bibigay sila sakin. Hindi naman lahat ng babae ay ganun. Kaya aalamin ko muna then pag nahulog sa bitag.

Patay ka na.

Hindi sa pagmamayabang pero tanga nalang ang hindi magkakacrush sakin. Tingin ko kahit artista ay mapopogian sakin.

Nakatambay ako sa gate nang may bumabang babae sa kotse. Nakashades at ang ganda.

"Bye ma'am." Sabi ng driver.

Ngayon lang ako nakakita niyan ah. Yung driver feeling close sa amo. Kulot ang buhok nung babae at bagsak. Nagtanggal siya ng shades. Puta ang ang ganda niya. Sexy pa. Bumagay sa kaniya yung palda na hanggang tuhod na uniform ng babae samin. Bukas ang botones nang blouse niya. Konting yuko lang kita na ang bra niya. Ang nipis ng blouse niya at parang naka see through siya. May bibiktimahin na naman ako. Pero siyempre kailangang manigurado muna. ^______^

Ayokong mareject no!

Gaya ng dati.

Aalamin ang room at pangalan.

Magpapanggap na hindi kilala.

Aksidenteng magkakakilala.

Iaadd sa facebook.

Ilalike ang status niya.

Hanggang sa kukunin ang number niya.

Make sure na single siya or hindi siya stick to one. Kailangang masiguro na interested siya sakin para pasok diba? Nagkasalubong kami nung girl pero dedma ako. Ganun naman talaga ang ibang girl diba? Kasama ko si kiko.

"Kik!! Kilala mo yung babae na yun?" Tanong ko.

"Si Marison? Oo kilala ko yan. Kaso ako hindi niya kilala." Buti naman at kilala niya.

"Friend ba kayo sa facebook?"

"Hindi eh pero follower niya ko. Hindi niya ako inaaccept."

Pogi si Kiko pero bakit ganun? "Baka may boyfriend na."

"Tingin ko wala. Parang anlandi niya kasi eh."

"Ganun?"

"Oo! Tanong mo kay Spencer. Ilang beses siyang hinihipuan niyan sa puwet."

"HINDI AKO NANINIWALA. YANG GANIYANG ITSURA NANG HIHIPO?"

"Oo naman. Nasa loob ang kulo niyan. Pero ni minsan hindi ko nakitang may boyfriend yan."

"Talaga lang ah."

Napaisip ako. Hindi naman sinungaling si Kiko. Sa laki kasi ng school namin ay meron talaga akong hindi kilala na kilala nila. Meron akong kilala na hindi nila kilala. Inadd ko sa facebook pero ilang araw na hindi ako inaaccept. Aw! Parang hindi ko matanggap to. Wala pang babae ang gumaganito sakin. Alam ko na. Baka wala siyang inaadd na hindi niya kilala. Kailangan kong aksidente na makilala siya para malaman ko kung gusto niya ako o hindi. Nang hihipo ng puwet? Sure ako papayag to makipag one night stand sakin.

Nasa cafeteria ako at lumapit ako sa kaniya.

"Hi!" Bati ko sa kaniya.

Tumingin siya. "Hi din."

College Prosti Breaks Casanova's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon