[Seven] Ang pag amin

9.6K 122 6
                                    

SAUL'S POV

Dito sa canteen ay nagkita kita na naman kami. God!! Bakit parang naiinis ako pag may lalaking lumalapit kay Marison? Siguro dahil gusto ko siya at hindi ko pa siya nakukuha. Para akong hinampas sa mukha ng kapwa ko lalaki pag pumatol siya sa iba. Kailangan kong makausap si Grace.

Uwian at nagdate muna kami saglit ni Grace. Nageenjoy siya sakin sa pambobola ko sa kaniya. Kaya ito na ang tamang oras para mapaamin ko siya about kay marison.

"Matanong ko lang ah. Gano kayo kaclose ni Marison?" Tanong ko sa kaniya. Nasa mall kami at nakaupo sa foodcourt at kumakaen.

Pwede ko siyang ilibre pero gastos niya talaga lahat. Mula nang makilala ko si Marison. Naging aware ako sa mga ganiyang bagay. Naisip ko na dapat paminsan minsan ay gagastos ako sa babae. Pero sila parin ang gumagastos.

"1 year mahigit na kaming close. Minsan nasamin siya. Minsan nasa kanila ako. Bakit mo ba tinatanong?"

"Wala lang. Alam mo naman diba? Nanligaw ako sa kaniya. Siguro may bf siya."

"Wala ah! Study lang muna. Gusto niyang yumaman."

"Ganun? Nagaaral siya sa school natin. School ng may pera pero hindi siya mayaman."

"May nagpapaaral sa kaniya."

"Ganun ba? Sino? Kamag anak niya?"

"Oo! Tita niya na nasa ibang bansa."

"Okay! Pero miski magsaya manlang siya sa feeling ng lalaki. I mean. Hindi naman halata na virgin siya ah. Sometimes she was flirting someone. Enjoy siya sa lalaki. Nakakapagtaka lang diba? Kaya naisip ko na may boyfriend siya."

"Malihim kasi siya eh. May time na wala siya sa kanila. Pag Sabado at Linggo ay bihira siyang lumabas kasama namin."

"So may mga hindi ka pa alam sa kaniya? Kala ko close kayo?"

"May suspetsa kami kung sino talaga ang bf niya. Pero we're not sure. Nakakahiya naman kasi baka mali ang hinala namin."

"Ano yun?"

"Sigurado ka bang lihim to?"

"Oo! Pangako! Atsaka ano tingin mo sakin, tsismoso?"

Medyo kinabahan ako. May hinala sila kung sino ang boyfriend ni Marison. Sino kaya?

"Minsan kasi napapansin namin na close siya kay Mr. Villamonte. May nakahuli kasi na magkasama sila na sakay ng kotse. I don't know. Malay ba natin na nakisakay lang."

"Nakisakay? Hindi mo tinatanong si Marison?"

"Hinihintay namin na umamin siya. Feeling namin guilty siya eh. Kaya hindi namin tinatanong."

"Ganun ba? Baka nga may something sa kanila. Normal na sa babae ang magkwento ng kung ano anong experiences niya. Pero bakit may bagay siyang nililihim?"

"Alam mo na ang takbo ng isip ng mga babae ah."

"Of course!! Ultimo pagkatisod mo shineshare mo sakin diba? Ganiyan kayo. Ilang beses niyo na siya nakitang kasama si Mr. Villamonte?"

"Alam mo, nagtataka na ako sayo ah. Hindi likas sa lalaki ang tsismoso."

"Gusto ko lang malaman."

"Dahil ba nireject ka niya? Kung kami nga na tropa niya. Walang paki dun. Mahal namin si Marison. Ayaw namin siyang pagtsismisan."

"Hanggang dun lang talaga yung makukwento mo?"

"Sige aaminin ko. Hindi lang isang beses na may nakakita sa kaniya. Pero sana huwag nang lumabas to ah. Boyfriend kita kaya sinabi ko sayo to, at alam kong hindi ka tsismoso. Sana nga lang curious ka dahil nareject ka."

College Prosti Breaks Casanova's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon