SAUL'S POV
Ilang araw ding hindi ko pinapansin si Marison. Lagi naman siyang nagpapapansin. Gamitin ko kaya yung facebook ni Spencer? Try lang. Malay mo ayaw lang pala talaga sakin at sa ibang lalaki, gusto niya. Nakahanda na akong malaman yun. Parang mas matatanggap ko pa na sira ulo kasi ako kaya ayaw niya akong patulan. Kesa naman sa mas type niya ang iba kaya ayaw niya sakin. Laging 8:00 siya nag seseen eh.
[Chatbox]
8:00 pm
Spencer: Hi ms hot and sexy!
Seen 8:21 pm
Spencer: Namimiss ko na yung pag hipo mo sa puwet ko.
Seen 8:30 pm
Marison: ;)
8:32 pm
Spencer: Pati ikaw. Miss ko na!
8:33 pm
Marison: Saul ikaw ba yan?
8:35 pm
Naku bakit parang alam niya? Gano kaya kahalata yun? Nakakahiya pag nalaman niya na ako yun.
Spencer: Hindi no? Bakit, miss mo na siya?
Seen 8:40 pm
Spencer: Pano mo nasabi na ako si Saul?
Seen 8:45 pm
Spencer: Saul has no longer prospected you
8:51 pm
Marison: Hindi ka kasi nagchachat sakin eh. Tsaka pag nagreply ako sa kaniya. Less than 1 minute may reply na siya. Kaya akala ko ikaw siya. Nakigamit lang. Sensya na.
8:56 pm
Spencer: Wala lang talaga akong magawa.
9:10 pm
Marison: Sige goodnight. Sorry kung TH ako.
9:12 pm
Spencer: Chat muna tayo. Wala akong magawa eh.
Seen 9:20 pm
Spencer: Tama nga si Saul. Wala kang hilig sa chat :D
Wala talaga. Buti naman at hindi niya trip si Spencer. Kasi kung malalaman ko na type niya si Spencer. Kahit walang kasalanan si Spencer. AAWAYIN KO SIYA. PANIRA SIYA SA RECORD.
Pero sa kabutihang palad, wala naman palang pagseselosan. Syempre hindi talaga ako nagseselos. Ego ko lang ang iniingatan ko. Kailangan ko talagang umisip pa. Mukhang disidido siya na huwag pumatol sakin. Alam ko na! Hindi kaya meron siyang boyfriend talaga? Kung meron siyang boyfriend dapat hindi niya binigay ang idea na ipagkalat ko na nagalaw ko na siya. Parang hindi siya normal ah o baka hindi naman nakakarating dito yung boyfriend niya kaya okay lang ikalat ang maling balita? Pero parang panloloko narin yun eh. Pano kung makarating sa boyfriend niya? Baka hindi niya mahal. Ayaw lang niya talagang pumatol sa iba? Kinagabihan ay pinag iisipan ko kung ichachat ko siya. Ano kaya, tanggapin ko nalang na wala siyang gusto sakin tapos humanap nalang ako ng iba? Ano naman kung siya ang nakabreak ng record. Dapat wala na akong paki dun. DAHIL DAPAT BABAE ANG HUMAHABOL SAKIN AT HINDI AKO ANG HUMAHABOL SA BABAE.
Siguro nga tama sila. May katapat ako. Not really katapat, dahil wala namang nawala sakin. Hindi ako nanghinayang at hindi ako nasaktan. Disidido na ako. Hindi ko na siya ichachat.
Pero nagchat siya?
[Chatbox]
Marison: Hoy anu na? Miss na kita.
Seen 8:30 pm
Marison: Nagsawa kadin ah.
Seen 8:46 pm
Magrereply ako? Tapos maya maya lang, hindi na siya magrereply? Ayoko na talaga. Iseseen ko nalang siya. Although nakakapanibago siya.
**
MARISON'S POV
[Chatbox]
Me: Sayang tayo no. Gusto mo sana ako. Nalulungkot ako. Matagal na kasi akong may gusto sayo kaso talagang bawal eh.
Seen 8:54 pm
Me: Irerecommend ko sayo si Grace. Yung kasama ko lagi. Matagal nang naglalaway sayo yun eh.
Seen 9:00 pm
Me: Hoy!! Kung kailang sinipag ako magchat saka naman ayaw mo.
Seen 9:05 pm
Me: Oo nga pala. Nakalimutan ko na hindi nga pala ikaw yung tipo na pag umayaw na ay maghahabol kapa.
Seen 9:12 pm
Ayaw niya talagang magreply na. Ano ba yan. Nasayang ang ilang oras ko. Hindi ako nakapag basa ng ayos. Maigi narin yun para wala nang kumukulit sakin. Siya lang naman kasi ang gusto ko sa mga kumukulit sakin eh. Gwapo siya at kung may pang paaral lang ako. Sa tingin ko, isa na namang babae ang natupad ang pangarap na makasama sa kama si saul.
Kinabukasan.
Nasalubong ko si Saul pero wala na talagang pansinan. Sayang! Gusto ko pa naman siyang katropa. Kung papayag naman akong matikman niya, baka ganito rin ang kinalalabasan. Di bali nalang. Sayang ang isang araw. May kulang pa akong 20k sa school. Anlaki sana ng kita ko kaso andami kong binabayaran eh. Upa sa bahay, kuryente, internet, baon at iba pa. Tss!
"Marison ano na? Akala ko irerecommend mo ako kay Saul?" Sabi ni Grace.
"Ayaw na magreply?"
"Sabi mo panay ang chat niya sayo?"
"Nagsawa na. Nakahalata na."
"Ichat mo uli!"
"Bahala na."
Kinagabihan ay bigtime ang costumer ko. 5k ang bayad sakin. Hmmm ichat ko kaya si Saul. Kung sakali na magrereply siya, hindi ako makakapag aral. Try lang. Bawi nalang ako bukas.
[Chatbox]
Me: Musta?
Seen 8:05 pm
Me: Matampuhin ka ah.
Saul: Miss mo ako?
Me: Nagreply din. Oo miss na kita.
Saul: Sabi ko na nga ba eh.
Me: Obvious naman diba?
Saul: Ayoko na eh. Ayaw mo naman sakin.
Me: Ililibre nalang kita ng lunch bukas?
Saul: Wag na. Gusto ko 1 night stand.
Me: Hindi pwede eh.
Saul: Okay! Tanggap ko na.
Me: Tropa nalang tayo please. Andiyan si Grace. Pwedeng pwede siya.
Seen 8:40 pm
Me: Ayaw mo talaga sa iba ah. Wala na akong magagawa. Pero sana maging magtropa tayo.
Seen 9:54 pm
Me: Aral muna ako ah. Sige kung ayaw mo talaga. Okay lang.
Seen 9:59
Hindi pwedeng mabakante kahit isang araw lang. Pag kumita ako ng sobra sa 20k after 10 days. Siguro pwede ko na siyang pagbigyan.
***
Author's note
Salamat at merong readers haha! Akala ko walang papansin ng story ko. Sana marami pang readers ang dumating. May ganting pala kayo sakin.
Libre papicture sa sm fairview. Andun ako bukas.
PS - BOBO ANG AUTHOR KAYA PAGPASENSYAHAN NIYO NA.
BINABASA MO ANG
College Prosti Breaks Casanova's Heart
RomanceSi Marison ay isang college student. No time for love dahil disididong makatapos. But she has time for sex para sa pera. Si Saul naman ay isang sikat at kilalang casanova sa school nila. Schoolmate niya si Marison. Nagtataka siya. Bakit ayaw sa kani...