[Seventeen] Epilogue

8.6K 141 21
                                    

MARISON'S POV      

Ang lala nang nangyari. Bakit mula nang nagkaayos kami ni Saul ganun parin?

Walang text!

Walang chat!

Pero naalala ko kasi yung pinag usapan namin eh.

"Saul mahal kita! Hanggang ngayon ikaw parin ang nasa isip ko."

Gulat na gulat siya sa sinabi ko.

"Marison, hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon pero ang alam ko nagkamali ako. Pero totoo ba na ikakasal ka na?"

"Si Sydney ang kasama ko kanina, did you remember? Siya ang ex ko."

"Nagkabalikan kayo?"

"Hindi! Nagkaayos na kami. Sabi mo kasi diba? Huwag na akong maghiganti dahil andiyan ka naman. Pero kahit hindi mo na ako kinailangan, naghihintay parin ako sayo."

"Ano ang silbi ni Sydney sayo? Bakit kasama mo siya?!"

"Nakiusap ako sa kaniya na siya ang escort ko dahil ayokong magmukhang kawawa sayo. Alam ng asawa niya yun dahil naging close kami ng asawa niya."

"Ang buong akala ko ayaw mo na sakin."

"Yun din ang buong akala ko! Pero ang hindi ko lang maintindihan. Totoo ba na wala kang naging babae?"

"Totoo yun Marison. So, napatunayan kong mahal mo nga ako dahil umaasa kapa sakin? Tama ba?"

Bigla ko siyang sinampal pero yumakap siya sakin.

"Marison, nag sisi man ako sa ginawa ko, sana maging akin ka na ngayon."

"Hindi mo lang alam ang hirap na dinanas ko."

"Nahirapan din akong magpanggap!"

"Paano pala kung nakakita ako ng mas higit sayo?"

"Hindi mangyayari yun dahil napatunayan ko na ngayon na ako ang mahal mo."

"Hayup ka Saul!!"

"Sabihin mo na lahat pero akin ka na uli Marison."

Napaluha siya ng konti kaya napatunayan ko na totoo ang sinasabi niya. Tapos nun ay nagpaalam siya, hindi ko na siya niyakap pero sabi niya makakatulog na daw siya ng ayos. Pareho kami ng nararamdaman talaga.

Kaya ngayong wala kaming communication ay parang wala na namang problema.

[Chatbox]

Sydney: Akala ko ba okay na kayo?

*

Margie: Ano nangyari bakit parang walang pinagbago ang relasyon niyo?

*

Anabe: I'm sure you didn't tell all what happened. It seems you and Saul had a secret!

***

Alam nila na hindi kami nagkikita ni Saul. Hindi ko alam kung pano kami magsisimula uli ni Saul, pero imposibleng hindi mag krus ang landas namin dahil marami kaming mutual friends na madalas magpaparty. 2 weeks na ang lumilipas nang huli kaming magkita ni Saul. May debut akong pupuntahan and several people will come there and I think Saul will attend that debut. Alam kong friend din niya yung kapatid nung girl na magdedebut. Well kung pupunta siya, nasasabik na akong magkita kami at siya agad ang una kong hahanapin sa lugar na yun.

SAUL'S POV

[Chatbox]

Spencer: Hindi na ako pupunta sa debut na yun.

College Prosti Breaks Casanova's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon