[Sixteen] Reunite

6.4K 104 12
                                    

MARISON'S POV

Kasama ko ang tropa at nasa venue na kami para sa gaganapin ng bikini.contest.

"Ladies!! Pumunta na dito sa dressing room!" Nagpunta na kami sa dressing room.

Habang nagbibihis kami ay may nagtext sakin.

Grace:
Hey! Andito na si Saul. Wala siyang kasama. Ano ang gagawin mo?

*

Hindi ako nakareply dahil busy kami.

"Ladies mamaya magstart na ah." Sabi uli samin at nakaready na kami.

After 30 minutes ay isa isa na kaming pinarampa. Kinakabahan ako hindi dahil sa maraming sumisigaw. Kinakabahan ako dahil kay Saul. Bakit wala siyang kasamang babae gaya ng iniisip ko? Kaya nga nakiusap ako kay Sydney na siya ang escort ko mamaya sa party after nitong competition. Sabagay, baka naiwan lang niya yung girl sa bansa na pinuntahan niya kaya wala siyang kasama ngayon. Kasi imposible na wala siyang babae ngayon. Ano ang pwedeng mangyari? Mahal pa niya ako kaya wala siyang babae? Bakit iniwan niya ako sa ere kung mahal niya ako?

Tama!!

Ipapakita ko na may iba na ako para hindi ako magmukhang talunan gaya ng sabi ng tropa. Pero naiisip ko na wala na akong paki. Move on nalang tutal maganda naman ako at marami pang mas angat kay Saul. Ang kaso sa ngayon talaga wala pang makakatapat sa kaniya kaya tingin ko ako parin ang talo kahit may iba man ako. Iba kasi si Saul.

Bukod sa siya ang nagpalakas ng loob ko para maituloy ang laban sa buhay. Huwag na nating sabihin na mabait siya dahil mahilig siyang manakit ng babae. Marami akong natutunan sa kaniya pagdating sa pag-ibig. Dito sa sitwasyon na ito, mali na makipag kompitensya pa ako sa ex ko dahil baka lalong isipin ng ex ko na mahal ko pa siya. Pano kung isipin niya na mahal ko pa siya dahil wala akong bago? Ang hirap sukatin ng dapat kong gawin.

Habang rumarampa ako ay nakatingin sakin si Saul. Wala na akong ibang marinig dahil sa kaniya. Bakit ba mahal na mahal kita Saul? Hindi ko pwedeng hindi aminin to sa sarili ko.

After ng competition ay natalo ako pero amdaming lumapit sakin para papirmahin ako ng contract para maging model. Baka malakas lang talaga sa judge ang nanalo. Maraming bumabati sakin na mga hindi ko naman kilala. Daig ko pa yung talagang nanalo.

"Ito yung tinatawag na, pwedeng dayain kung sino ang nanalo pero hindi pwedeng dayain ang mga tao."

Nakausap ko yung asawa ni Sydney, nakita niya na kasi si Saul sa personal.

"Gwapo pala ng ex mo! Kaya pala nagtataka ako kung bakit ganun ganun nalang idispatya ka."

"Ano ka ba? Akala ko ba kakampi kita." Close na kami ng asawa ni Sydney. Sa totoo lang nung nalaman niya ang love story ko ay pumayag siyang maging escort ko si Sydney tutal wala namang nakakakilala sa kanila dito sa lugar na to. Naglalalad ako papapuntang table namin suot ko pa ang bikini na ginamit ko sa competion. Nakakapit ako sa braso ni Sydney. Nakita ko si Saul na nakatingin sakin. Kunyari nalang ay wala akong paki sa kaniya pero nangangamba talaga ako. Sinunod ko lang naman ang plano nila pero gusto ko nang iatras sana. Bahala na.

After a while ay may dumating ba babae at nagpunta sa table ni Saul. Humalik pa ang babae kay Saul. Nakita namin lahat ang nangyari at napansin siguro nila na nag iba ang timpla ko. Kaharap ko ang asawa ni Sydney na parang nag aalala pa sakin. Sumenyas siya kay Sydney na yakapin ako.

Inakbayan ako ni Sydney.

"Ano?! kailan ang kasal?!" Tanong kunyari samin ng asawa ni Sydney dahil kumindat siya. Napansin ko kasi na nakikita nila na talunan ako. Ayaw nilang mangyari yun. Iba pala talaga pag nakikita mo na may iba na ang ex mo na mahal mo pa. Alam kong hindi imposibleng mangyari pero iba pala talaga pag nasaharapan mo na. Gusto nang tumulo ng luha ko lalo na nung hinalikan niya yung girl. Samin kasi ni Sydney kunwarian lang pero sa kanila parang totohanan na.

College Prosti Breaks Casanova's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon