Author's note
Joke joke lang yung sinabi ko sa last chapter ah. Sabi ko "Wag niyo nang basahin tong story na to." BASAHIN NIYO PO TO PLEASE. Salamat din sa pag read sa Quotes ko. 22k na po haha! Sabi nga ni Tropa, anlakas daw ng tsamba ko. HAHAHA! Anlupit ko talaga. Medyo lasing ako ngayon kahit hindi ako uminom. Sensya na sa posibleng mailalagay ko sa chapter na to ah. Baka kasi maprivate to sa sobrang SPG eh.
JOKE!
MARISON'S POV
Nahihiya na ako sa tropa kaya panay ang iwas ko. Ano ba ang pinakamagandang gawin? Panay na ang text nila sakin. Bakit daw ako umiiwas? Ayoko kasi na okay kaming lahat tapos madiskubre nila ang lihim ko diba? Biglang ikahiya nila ako. I have to pretend that I'm okay without them para hindi naman ako nakakahiya, WALANG LIHIM ANG HINDI NABUBUNYAG.
Dahil sa sinabi sakin ni Grace ay malamang alam din ng tropa na nakasama ko na si Mr. Villamonte. Nakakahiya talaga kaya uunahan ko na sila bago pa nila ako iwasan.
Wala akong mood makipagsex ngayon. Ayoko mag aral, nakahiga lang ako at nagchat si Anabel na ex ni Saul.
[Chatbox]
Anabel: Hey! Bakit hindi ka sumama samin kanina?
Me: Sorry! Alam niyo naman yung away namin ni Grace diba?
Anabel: Labas kami sa away niyo. Tampuhan lang yan Marison. Magkakaayos din kayo. Bakit ba apektado ka? Akala ko malakas ka?
Me: Totoo kasi na inagaw ko si Saul sa kaniya.
Anabel: Para yun lang. Maigi nga yun kaysa sa magpaloko siya dun sa tao na yun. Parang niligtas mo pa nga siya diba?
Me: Ang sama ko diba? Dahil sa kagustuhan kong mapasakin si Saul. Inagaw ko. Kaya ngayon malaki ang galit niya.
Anabel: Hindi ako naniniwala. Ang alam ko iniiwasan mo si Saul.
Me: AYOKO NA KAYONG KASAMA.
Anabel: Why? Marison naman.
Sent from web
***
Napaiyak na ako. Akala ko malinis ang trabaho ko pero ngayon malapit nang mabunyag. Pano nalang pag kumalat sa university na pokpok ako? Makakapaglakad pa kaya ako ng ayos sa campus. Ayoko na! AYOKO NA!!
Kinabukasan ay pumasok ako, hindi ko sila pinapansin. Nakatingin lang sila sakin at hindi na ako dumaan ng cafeteria para hindi nila ako makausap. Hanggang sa mag uwian at hindi ko talaga sila kinibo. Ngayon palang ay ramdam ko na ang hirap. Pano pag yumaman ako? Pero bunyag naman na dati akong pokpok. Baka pagtawanan lang ako ng ex ko, kaya gusto ko nang umatras sa plano ko. Tama si Saul, hindi dapat minamadali ang lahat. Bahala na ang kapalaran sakin. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko parin matanggap na iniwan ako dahil hindi ako karapatdapat sa lalaki na mahal ko. Tanggap ko na ang lahat na ako ang talunan. Uuwi nalang ako sa Samar, miss ko na ang Nanay ko. Hindi nila alam ang trabaho ko talaga dito. Naisip ko na pati sila ay malalagay sa kahihiyan. Walang wala na nga kami eh. Pati dignidad mawawala pa. May pera ako na pangbayad sana ng matrikula, itatabi ko nalang to. Tinatamad na ako mag aral. Naramdaman ko na may dumating at sumampa sa kama ko. Paglingon ko nakita ko si Saul.
"Hoy!" Tinapik niya ako sa pwet. Hindi ako nagsasalita. "Anong angyari sayo?"
"Wala to."
"Hindi ka man lang nagchachat sakin?"
"Alam ko naman na pupunta ka eh."
"Alam? Pano kung hindi ako magpunta?"
"Hindi na ako papasok, mula bukas."
BINABASA MO ANG
College Prosti Breaks Casanova's Heart
RomanceSi Marison ay isang college student. No time for love dahil disididong makatapos. But she has time for sex para sa pera. Si Saul naman ay isang sikat at kilalang casanova sa school nila. Schoolmate niya si Marison. Nagtataka siya. Bakit ayaw sa kani...