SAUL'S POV
Nasa tapat ako ng mall nang may tumigil na sasakyan. Bumukas ang bintana ng kotse at sinenyasan ako ng nasa loob na sumakay. Hindi naman ako mayaman pero maraming mayaman sa kabilang school ang palihim na nakikipag kita sakin. Yung iba minamahal ako. Yung iba alam nila ang habol ko. Pero hindi ko kasalanan kung mahalin nila ako. Hanggang sa nasa hotel na kami nang college student na to. Nagulat nalang ako sumulpot sa inbox ko ang number niya eh.
"Sorry ah." Sabi niya habang hinihimas ang buhok ko. Nakahiga kami at kapwa hubot hubad.
"Bakit?"
"Wala lang. Hindi kita sinabihan na dito ang punta natin."
"Wala yun. Aalis na ako. May practice pa kami." Tumayo ako at nagbihis. Bago ako umalis ay nagpasalamat pa siya sakin.
Nakita ko na naman si Marison. Dinedma ko siya. Tapos kong magmukhang tanga sa kaniya sa chatbox aasahan pa ba niya na papansinin ko siya? Napalingon siya sakin at nga "Hi." Nakangiti pa. Kausap niya ang mga classmate niya. Nginitian ko siya at binalik niya ang tingin niya sa mga classmate niya. Yung dalawang laging kasama niya ay nakatingin parin sakin. Halatang fans ko. Sila yung mga tipo na madaling bibigay. Kaso wag muna ngayon.
Kausap ko si Kiko at Spencer na kapwa teammate ko sa basketball. Sa kanila ko ilalabas ang sama ng loob ko sa nangyari.
"Tangina dude. Ayaw ako replayan ng babae na chinachat ko."
"Baka may bf na?" Sabi ni Spencer.
"Sure akong wala."
"Maghanap ng ibang kachat. Problema ba yun?" Sabi ni Kiko.
"Naiinis lang ako. Kaunaunahang babae na chinat ko na hindi nagrereply."
"Malay mo ayaw lang talaga." Sabi ni Spencer.
"Iba ako pag nagchat. Alam ko na magrereply ang ichachat ko. Pero iba siya. Suplada. First time dude nangyari. Kakainis."
"Sabagay no. Sa gwapo mong yan malamang makakahanap karin ng katapat." Sabi ni Kiko.
Biglang dumaan si Chariss. Player ng volleyball. Maganda at sikat. Oras na nila para magpractice. Binati niya kami. Ace player siya ng volleyball team ng school namin. Walang hindi nakakakilala sa kaniya. Kung dito ka pumapasok sa school namin ay hindi mo iisipin na nagalaw ko na ang babaeng yan. Pero natikman ko na yan at sikreto lang yun. Ganiyan ako kalupit.
KASO SI MARISON EH. PANIRA NG RECORD. NAKAKAASAR.
Okay lang kung huwag siyang magbigay ng motibo eh. Hindi ako aasa. Kaso halata na crush niya ko. Ayoko na siya ang unang babae na ginusto ko na hindi ko natikman. Hindi ko na siya chinat kaya kinabukasan bago ako pumasok. Bago ako tumawid papuntang gate ng school ay mag ayos muna ako sa sarili. Marami kasing bumabati sakin pag pasok palang ng gate. Pati lalake bumabati sakin. Magaling kasi ako magbasketball tapos sikat pa. Sa di kalayuan ay may nakita akong babae na bumaba sa tricycle.
Teka pamilyar yun ah.
SI MARISON? Parang kelan lang sa kotse siya bumaba ah. Ngayon sa trycicle nalang? Try ko ngang sabayan. Curious ako eh.
"Hi Marison."
"Hi!" Tapos sabay ngiti siya.
"Wala kang dalang kotse ngayon ah."
Nagulat siya sa sinabi ko.
"Ah oo! Sira eh. Kakainis nga. Nagcommute ako."
"Ah okay!"
Hindi naman bago yung dahilan niya. Marami naman na dekotse dito na minsan nagcocommute dahil sira or siguro hiniram ng kapatid. Whatsoever.
"I'm very sorry hindi ako nakakapagchat sayo. Kailangan ko kasing mag aral maigi. I have to read a lot of pages everyday. Andmi kong binabasa. Sorry."
BINABASA MO ANG
College Prosti Breaks Casanova's Heart
RomanceSi Marison ay isang college student. No time for love dahil disididong makatapos. But she has time for sex para sa pera. Si Saul naman ay isang sikat at kilalang casanova sa school nila. Schoolmate niya si Marison. Nagtataka siya. Bakit ayaw sa kani...