[Fourteen] Unpredictable

6.3K 85 4
                                    

SAUL'S POV

Dala ko ang mga gamit ko ngayon. Nasasabik na akong umuwi. 2 years din akong nawala, sana hinintay ako ni Marison. Ang paghihintay niya sakin nang wala akong pasabi at wala akong paramdam ang magiging susi para malaman kung kami talaga ang magkakatuluyan. Mahal ko si Marison pero kailangan kong gawin na baliwalain siya at mapatunayan na hindi siya maghahanap ng iba dahil hinihintay at umaasa siya sakin. Malaman ko lang na umaasa pa siya ay hindi ko talaga siya papaasahin lang. Sapat na ang isang taon na hindi namin pag uusap para makahanap siya ng iba. Kahit mahal ko siya ay kailangan kong gawin yun para mapatunayan na talagang kami talaga ang magkakatuluyan, sapat narin yun para kung makahanap ako ng iba ay malalaman ko rin kung hanggang saan ba ang pag mamahal ko sa kaniya.

ANG KASO, NO SEX AKO SA LOOB NG DALAWANG TAON.

Napatunayan ko sa sarili ko na si Marison talaga ang gusto ko. Ang gusto ko nalang patunayan ay kung ako ba talaga ang gusto ni Marison na makasama habang buhay.

Nakausap ko ang kaibigan ko.

"Hello Saul!"

"Pare! Napatawag ka?"

"Alam ko single ka ngayon diba?"

"Oh ano ngayon?"

"Irereto ko sana yung kapatid ko sayo. Kilala mo naman yun diba?"

"Wala akong oras eh. Saka na."

"Bakit naman? May iba kabang nililigawan?"

"Wala! Maganda ang kapatid mo at alam ko na marami siyang manliligaw, huwag nalang ako paki sabi sa kaniya."

"Hindi niya alam yun, ang akin lang. May tiwala kasi ako sayo na ikaw ang pipiliin niya."

"Pasensya na pare, busy ako ngayon sa pamilya."

Binaba ko ang phone.

Maganda ang kapatid ng kaibigan kong yun, kung noon pa ang ugali ko at wala si Marison. Malamang papatusin ko yun.

Isang party ang naghihintay sa bahay dahil, bukod sa birthday ng kapatid ko ay nakauwi na kasi ako. Wala si Marison at hindi nakarating. Ayokong makibalita sa kapatid ko kung inimbita ba niya si Marison o may dinedate ba tong iba and whatsoever na nangyayari sa paligid.

Nag open ako ng facebook pero walang chat si Marison. Lagi akong nakatingin sa timeline niya nang hindi niya alam. Ayoko kasi na porket gwapo ako at magaling sa kama kaya niya ako minahal. Gusto kong mahalin niya ako na parang kung pano ko siya mahalin.

Teka sino ba tong Sydney na to? Bakit lagi siyang nakalike sa mga photo ni Marison? Tinignan ko ang timeline niya at nakahinga ako ng maluwag. May asawa na pala ang lalaking yun. Ayokong makachat si Marison, kailangan naming magkita pero pano?

Kasama ko ang kapatid ko? Nakahanap ako ng idea.

"Balita ko andito daw sila Spencer nung celebration ng anniv nila mommy at daddy ah?"

"Oo bakit? Sila Marison andito din nun."

"Ano ang ginawa nila?"

"Nag-inom lang then wala na."

"Naitanong ko lang."

"Why? Kamusta nga pala kayo?"

"Wala bang sinasabi si Marison sayo tungkol samin?"

"Wala kuya, ano nga ba ang balita sa inyong dalawa?"

"Isang taon na kaming walang communication?"

"What? So it means nung time na anniv nila mommy at daddy, wala na kayo nun?"

"Oo! Akala ko makikibalita siya sakin eh."

College Prosti Breaks Casanova's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon