MARISON'S POV
Naging okay naman ang takbo ng buhay namin. Ang pinoproblema ko nalang ay si Saul. After niya kasing makagraduate ay nagpunta siya sa ibang lugar, ahead kasi siya sakin ng 1 year kaya nauna siyang grumaduate.
So dahil namiss ko naman siya talaga ay madalas ay kinukulit ko siya at nag sawa na yata. Akala ko talaga ay kami na.
After kong pumirma ng kontrata sa isang company para magwork ay dumiretso ako sa condo ko. Actually hinuhulugan ko to. Sa tulong ng mga mababait kong kaibigan ay nakagraduate ako at instant trabaho na din.
6 months nang hindi nagpaparamdam si Saul pero tinanggap ko na sa isip ko na wala na kami.
Andami kong natutunan kay Saul kaya imbis na gumanti ako kay Sydney ay inadd ko a siya sa facebook ng bongga.
[Chatbox]
Sydney: Thanks sa add! I visited your timeline and i saw whats the different between young and lady. That was you! I think you've now got your desire to happen. I was just thinkin if i have a chance to face you and say sorry but.... I don't know even i say sorry ay baliwala na sayo ang nangyari dahil alam kong nakabangon kana. You have to thank me because i did it to you! You know what i mean.
Sydney: You're so so beautiful Mars.
Sent from web
***
Kapal muks haha! Hindi ko alam irereply ko sa kaniya. Sayang kasi si Saul. Gusto ko sana siyang harapin kaso wala akong ipapakita sa kaniyang mas gwapo sa kaniya. Perfect sana si Saul. Namiss ko na si Saul.
Naglike ng mga picture ko si Sydney. Naka only me muna yung pictures namin ni Saul dahil ayokong burahin. Nakakahiya naman pag nakita ni Sydney yun, okay sana kung kami pa ni Saul.
Tapos naming mag happy happy ng tropa ko nung college ay eto na kami at naghanap na ng career. Sa tulong nila ay hindi ako nag mukhang kawawa. May kotse ako at suportado muna nila ako for a while because mayaman naman sila, malalandi nga lang.
Pero kahit ganun sila ay hindi nila nilandi si Saul. Dahil din kay Saul kaya hindi ko na siya hinabol habol pa. Pangit nga naman daw tignan pag babae pa ang naghahabol at pangit daw tignan pag bitter ka. Danas niya kasi sa mga naging babae niya.
Naka silip ako sa timeline ni Saul at wala naman siyang mga babae, salamat naman. Sa ngayon kasi talagang magseselos ako.
Plano naming magtotropa ay weekends na kami magkita para maka focus kami sa career, naging madalas na kasi yung pagbabar namin eh.
[Chatbox]
Me: Hello Saul!
Seen
Me: ?
***
Okay lang. Atleast hindi naman ako nagmukhang tanga gaya ng ibang babae niya. Pinayuhan na ako ng tropa na huwag umasa ng malaki kay Saul kaya okay lang naman siguro kung araw araw ako magchat sa kaniya. Naalala ko tuloy yung sinabi niya bago siya umalis.
"Paano kita kakalimutan? Ikaw ang nakagawa sakin ng bagay na hindi ko ginawa nung unang nasaktan ako. Pinangako ko sa sarili ko na hindi na ako magseseryoso sa babae. Pero nagawa mong baguhin yun. I love you Marison. Huwag kang mag alala. Babalikan kita." Hindi na ako umasa pero bakit naghihintay ako?
Nasa mall ako at naglalakad lakad. Meeting kasi agad at naghihintay ako ng oras ng makita ko si Sean.
Kunyari hindi ko siya nakita pero miss ko na siya gaya ng pagkamiss ko kay Saul na kapatid niya.
BINABASA MO ANG
College Prosti Breaks Casanova's Heart
RomanceSi Marison ay isang college student. No time for love dahil disididong makatapos. But she has time for sex para sa pera. Si Saul naman ay isang sikat at kilalang casanova sa school nila. Schoolmate niya si Marison. Nagtataka siya. Bakit ayaw sa kani...