MADDELINE KYRIE SHANE POV
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari. Noong isang araw lang ay masaya pa kaming nagkukulitan, masaya pa kamimg pinagdiwang ang kasal nila ni Kuya. Pero bakit ngayon may ganito namang pangyayari. Bawat kasiyahan ba ay dapat may kapalit na kalungkutan? Ang humiling ba ng kapayapaan at kasiyahan para sa kanila ay hindi maaari?
Nagsisisi akong hindi ko pinilit sumama sa kanya ng umalis siya. Alam kong may mali na sa kinikilos ni Lianne pero pinagsawalang bahala ko lang ito dahil naniniwala akong meron siyang dahilan.
"Ano ng balita?" Tanong ni Gavin sa head ng naghahanap kay Lianne.
"Wala pa silang makita dahil sa dilim ng paligid. Malakas din ang impact ng pagsabog kaya---"
"HWAG MONG ITULOY YANG SINASABI MO. HWAG KAYONG MAGSALITA HANGGAT WALANG NAKIKITANG PATUNAY!" Malakas na sigaw ni Liam na nakapagpatahimik sa lahat.
Namumula ang mga mata nito dahil sa pagpipigilang emosyon. Nagpumilit ito kaninang sumama sa rescue team. Makikita ang matinding galit at pag-aalala sa mga mata nito. Hindi ko na naman napigilan ang mga luha ko. Ilang oras na ang lumipas pero hindi pa rin nakikita si Lianne at ang kasama nitong piloto ng helicopter. Madaming nagsasabi sa mga rescue team na imposibleng may nakaligtas sa lakas ng pagsabog. Malakas ang impact nito na malayo ang narating ng ilang parte ng helicopter. Malapit ng magbukangliway liway pero wala pa ring balita.
Hanggang ngayon ay hindi pa din nakakabalik si Kuya. Kanina pa ito umalis kasama ang iba pang search and rescue team ng Mafia. Mas nag-aalala ako dahil sa kapatid ko. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip nito ngayon. Masaya pa sila ni Lianne kahapon kaya naman nakakabiglang may ganitong pangyayari.
"Naka high alert na ang Mafia. Inaalam na nila kung sino-sino ang mga lumapit sa helicopter ni Aisha."
"Yung may-ari ng lupa nakausap na ba nila?" Tanong ko.
"Nakaalis na ito ng bansa kanina pa dahil hindi dumating si Lianne sa meeting nila. May pinadala na din kaming tao na kakausap sa kanila."
Tumango na lang ako at nilapitan si Liam na may kausap sa cellphone niya. Mahihinang mura ang naririnig ko mula kay Liam. Hindi siya ganito kaya alam kong matinding galit at pag-aalala ang nararamdaman niya.
"Fck! I told you to do what I say. Can't you understand that?"
Nakayukom ang kamay nito dahil nag-uumapaw na naman ang nararamdaman niya. Alam naming lahat kung gaano kamahal ng magkakapatid si Lianne. Naitawag na namin sa mga magulang namin ang nangyari. Kasalukuyan na silang nasa biyahe pauwi ng Pilipinas. Nagkataon pang wala kahit isa sa mga magulang namin ang nasa bansa. Ang tanging nan dito lang ay si Tito Tian na kasalukuyang pinapangunahan ang paghahanap. Ang sabi nito kanina paalis na siya ng bansa ng makita ang news sa t.v. Mayroong importanteng inaasikaso ang mga magulang namin at ang mga kaibigan nila sa ibang bansa. Umuwi lang si Tito Tian dahil sa isang importanteng investor.
Hinawakan ko ang kamay ni Liam para naman kumalma siya. Wala pa ring tigil ang luha ko sa pagtulo. Tinignan niya lang ako na may malambot na titig at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko. Iniwas niya ang tingin sa akin at pinagpatuloy ang pakikipag-usap.
"Hindi, tignan niyo nabuti lahat ng angulo. Tawagan niyo ako agad kapag may nakita kayo."
Binaba ni Liam ang tawag at tuluyan ng humarap sa akin. Niyakap ko siya ng mahigpit at nagsimula na akong humagulgol ng iyak sa dibdib niya. Ayokong mawalan ng pag-asang buhay si Lianne pero sa pagtagal ng oras at paglakas ng alon ng dagat mas lalong nadudurog ang puso ko. Lianne is the wisest person I know. Kahit saan mo siya dahiling laban ay magagawa niyang makabalik ng buhay. Hindi siya basta na lang mamatay dahil sa isang pagsabog. Masyadong matalinosi Lianne para maisahan lang ng mga kalaban. Kung meron mang lalamang sa bawat pagkakataon si Lianne ang taong yun.
BINABASA MO ANG
The Blazing Fire
RomancePrincess Aisha Lianne Kate is the kind of woman who will sacrifice everything to make sure that her loved ones are safe. She would rather give up everything she has worked hard for just to fulfill her own beliefs. Living with a silver spoon is every...