CHAPTER 18

125 8 6
                                    

AILEE'S POV

Ilang oras akong nawala dahil sa panibagong misyong ibinigay ni Madonna. Hindi ko inaasahan na gising pa rin sila. Napakaliwanag ng bahay kaya naman nasisiguro kong gising pa silang lahat. Pagod na ako, bahala na sila kung anong gusto nilang gawin. Gusto ko na lang humiga sa kama ko at matulog.

Binuksan ko ang pinto at nagdiretsong pumasok, wala na akong balak na tignan kung ano mang pinagkakabalahan nila. Maingay sa sala kaya naman nasisiguro kong nan dito sila. Diretso lang ang lakad ko, hindi pinapasin ang nasa paligid ko. Mas nararamdaman ko ang pagod ngayon kaya naman nasisiguro kong masarap ang magiging tulog ko sa gabing ito. Habang tumatagal ako sa islang ito, mas lumalala ang insomia ko. Kailangan ko pang pagurin ng sobra ang sarili ko para lang makatulog.

Hindi ko gusto ang pag inom ng gamot, mas lumalala lang ang nararamdaman ko. Paakyat na ako sa hagdan ng marinig ko ang pamilyar na boses.

"Ailee! Hindi mo man lang ba ako babatiin?"

"Viro?"

"Maligayang pagbabalik." Hindi ko ito nilingon at tutuloy na sana sa pag akyat.

"Halika muna rito. May kasama akong bagong miyembro ng grupo."

Napabuntong hininga na lang ako dahil sa pagiging makulit niya, nagdala siyang ng bagong miyembro. Saan naman kaya nakuha ng lalaking ito ang kasama niya?

"Kailangan ko rin ba siyang batiin?" Humarap ako sa living room at lahat sila nakatingin sa akin.

Pagod na pagod ako sa araw na ito, gusto ko na lang humiga sa kama ko bago pa mawala ang antok na nararamdaman ko. Nakangisi si Viro habang nakatayo, bumuntong hininga na lang ako at bumaba sa hagdan.

"Buti nakabalik ka na. Meron tayong bagong misyon."

"Talaga? Wow! Nagiging indemand na tayo ngayon."

"May misyon na tayo? Halos dalawang buwan na ng huli tayong bigyan ni Madonna ng misyon." Excited na sabi ni Sancho.

"We are leaving in two weeks. You need to rest your body for the next two weeks."

"Walang training bukas?" Mas excited na tanong ni Jade.

"Yes, I need to prepare everything so I will not be around tomorrow."

"Anong misyon?" Nilingon ko si Carter na nakatayo na rin malapit kay Viro.

"I'll tell you when everything is ready."

"Sakto pala ang dating namin ng kasama ko." Binalik ko ang tingin kay Viro.

"Who the hell is this person?"

"Ailee, I want you to meet C.K."

Umalis si Viro sa harapan ko kaya naman nakita ko ang lalaking nakaupo sa single couch. Nakatalikod ito sa amin pero kahit na ganon, kilala ko ang pigura nito. Tumayo ito at dahan dahang humarap sa akin. Pinigilan kong magreact ng makompirma ko kung sino ito. Wala sa plano kong ipaalam sa kahit na sino rito kung sino ang nasa harapan ko ngayon.

"C.K. this is Ailee. She's the leader of this team."

Isa lang ang hinihilingon ko sa oras na ito, huwag kang magsasalita. Hindi pa ito ang oras para malaman nila kung sino ako. Inabot nito ang kanang kamay sa akin, pinag isipan ko pa kung tatanggapin ko ba. Sa huli wala naman akong magagawa, kinuha ko ang kamay niya at nakipag shake hands.

"Nice to finally meet you, Ailee."

"Likewise." Mabilis ko ng binawi ang kamay ko at tumalikod sa kanila.

"I'll rest now." Paalam ko sa kanila at agad na pumanhik sa kuwarto ko.

Halos takbuhin ko ang kuwarto ko pagdating ko sa ikalawang lalapag, mabilis ang pag-akyat ko sa hagdan papunta sa ikatlong palapag. Nanginginig ang katawan ko ng maisara ko ang pinto at mapasandal dito. Hindi ko mapigilang mapatingin sa kanang kamay ko. Ang napaka lamig na titig niya ang nagpapahina sa mga tuhod ko. Hindi napigilang mapaupo sa sahig at maisandal ang noo ko sa dalawang tuhod ko.

The Blazing FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon