Chapter 1: Royalties

545 14 8
                                    


Tanghali na ng makarating ako ng Academy. I spent the night with my cousin. Inayos ko ang pagkakasuot ng wayfarer ko at seryosong naglalakad papunta sa lugar kung saan ko makikita ang mga kapatid ko.

Alam kung pinagtitinginan at pinag-uusapan ako ng mga nadadaanan ko. Confident akong naglalakad habang patungo sa Glass House ng University. Ang paboritong tambayan ng barkada. Nakarating ako sa labas ng Glass House at tiningala ang mataas na salaming pinto.

Dalawang kamay kong itinulak ang pinto at naglakad sa tahimik na daanan. Maririnig ang tunog ng takong ng suot kong heels. Natigil ang mga nasa loob nito ng marinig ang tunog ng takong ng heels ko.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hangang sa makita na nila ako. Nakangisi akong tinignan sila isa-isa. Mayroong mga hindi pamilyar na taong nakaupo sa mahabang lamesa. Mukhang may meeting sila at nakaistorbo ako. Tinignan ko ang mga kaibigan ko na nakaupo sa mga couch na nan dito.

" A-aisha? "

Tinggal ko ang wayfarer ko at ngumiti sa kanila.

" Oh my gosh! "

Mabilis na tumakbo papunta sa akin ang mga kaibigan kong babae at dinamba ako ng yakap.

"You crazy bitch! Hindi ka nagparamdam ng limang taon." Sabi ni Maddie.

"You miss me so much, huh? " natatawang sabi ko.

" Tss... You leave so suddenly. " Sabi ni Selena.

Humiwalay sila ng yakap sa akin at pinamaywangan ako. Tinaasan ko naman sila ng kilay at ngumisi.

" I have my explanation. Don't worry I'll make it up to you. "

" You should. " Sabi ni Annalise

" We are happy to see you, Aisha. "

Niyakap din ako ni Jayden at Gavin. They are my friends that I treasure so much. Humiwalay ako ng yakap sa kanila at tinignan ang babaeng nakaupo sa pinakadulo ng long table. Nakangisi ito sa akin at tumayo sa kanyang inuupuan.

" The Great Aisha is back. Welcome Back Cousin. "

Lumapit sa akin si Crisline at niyakap ako. She's my cousin from mother side. Annalise is also my cousin and Jayden.

" I miss you, Aisha. " Sabi Crisline.

" Namiss din kita. "

Dinamba ako ng isa ko pang pinsan at ng dalawa ko pang kaibigan. Lynna, Zenny and Czandelyn are part of my group of friends. Sa totoo lang sobrang dami namin. Kaya masakit ang ulo ng mga magulang namin noon hanggang ngayon kapag gumagawa kami ng kalokohan.

" Where are the others? " Tanong ko.

" Bigla na lang silang nawala. " Sabi ni Maddie.

" Anong meron? "Sinundan nila ng tingin ang tinitignan ko.

" We are having a meeting for the opening party this year. Under renovation ang Student Council building kaya dito muna kami nagmeeting. "

" Oh! Ang sipag naman ng President. "

"I need to pretend to be a hardworking President. Nakakahiya naman sa dating perfect president." Sarcastic na sabi ni Crisline.

Tinawanan ko lang si Crisline sa sinabi niya. Kahit kelan talaga hindi na nawala ang pagiging loka-loka niya.

" Where is Crisha? "

" Dinala na naman kung saan ni Zandric. " Umiiling na sabi ni Lynna.

" Tatapusin lang namin yung meeting. We need to catch up. "

The Blazing FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon