CHAPTER 14: Behind the Wall

96 5 1
                                    

Ailee's POV

Hininto ko ang sasakyan isang kanto ang layo mula sa mansion. Madilim pa ang langit kaya naman walang makakakita sa amin. Pinatay ko ang headlight ng sasakyan para walang makapansin sa amin. Sampung minuto ang lumipas ng magising si Carter. Tumingin ito sa labas ng sasakyan bago bumaling sa akin.

"Where are we?" Nanatili akong tahimik at nakatingin lang sa mansion.

"I thought we are heading back--" Hindi ko hinayaang matapos ni Carter ang itatanong niya.

"You need to go there." Tinuro ko ang mansion na sinundan ng tingin ni Carter. Nakakunot ang noo nitong bumaling sa akin.

"Do we need to steal something there?"

"Just follow me and go to that Mansion. I'm giving you 30 minutes. We need to head back to Las Vegas."

"Las Vegas? Wala tayo sa Las Vegas?"

"Stop asking and follow my orders. 30 minutes, Carter. You only have 30 minutes."

Mabilis na lumabas si Carter at nagtungo sa mansion na hindi kalayuan sa sasakyang dala namin. Bago pa siya makarating sa gate, kinuha ko ang cellphone ko at tumawag.

"Stop the CCTV cameras of P.M.L.A."

"Yes, my Queen."

Lumabas ako sa sasakyan at naglakad papunta sa mansion. Maingat akong pumasok sa gate, wala na si Carter kaya alam kong nakapasok na ito. Maingat akong naglakad papunta sa gilid ng mansion patungo sa malaking bintana. Bahagyang nakabukas ang makapal na kurtina kung kaya nakikita ko ang nasa loob.

Carter is standing in front of the woman he love. I can see on her eyes the shocked and longing for the man in front of her. I cannot hear what they are talking about but I can see that they are seems okay. I do not want to do lip reading to give them privacy. Hindi ko na sila pinanood pa, umalis na ako at bumalik sa sasakyan.

Pumasok ako at sinandal ang ulo ko sa manibela. Ipinikit ko ang mga mata ko at hindi ko namalayang nakaidlip na ako.

Nagising ako ng may kumatok sa bintana ng drivers seat. Binuksan ko ito at tinignan si Carter.

"I'll drive, you should rest."

Bumaba ako at lumipat sa passenger seat. Sinandal ko ang ko sa bintana at ipinikit ang mga mata ko. Ngunit hindi ito nakahadlang sa pag uusisa ni Carter.

"Thank you. I did not expect this. But how did you know?" Iminulat ko ang mga mata ko at tumingin kay Carter.

"It's a secret. But your welcome." Natahimik kami ng sandali pero pagkaraan ng ilang minuto nagtanong na naman si Carter.

"Will they be safe on that Mansion?"

"Yes. We are just lucky that there are no guards roaming around."

Natahimik kami kaya inayos ko ang upuan ko at inadjust para makahiga ako. Gusto ng pumikit ng mga mata ko dahil sa antok. Pinikit ko ang mga mata ko at handa ng makatulog ng marinig ko ang mahinang boses ni Carter.

"I will come back for them."

Lihim akong napangiti sa sinabi nito, ito ang gusto kong marinig mula kay Carter. I know bringing him there will risk my plans but I want both of us to return. Now that he has a family who is waiting for him. I want him to have a purpose to fight and return. After all of this, we will return and face the real battle.

Hindi ko namalayang nakatulog na ako. Nagising ako sa loob ng kuwartong inuukopa ko sa bahay na prinovide sa amin ni Madonna. Pinatong ko ang kaliwang braso ko sa mga mata ko at mariing pumikit. Huminga ako ng malalim bago ko tinggal ang pagkakapatong ng braso ko. Mababa na ang sikat ng araw kaya naman nasisiguro ko na hapon na.

The Blazing FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon