CHAPTER 9: GOODBYE

146 4 1
                                    

ANNALISE MADDISON POV

Dalawang araw na simula ng malaman namin na si Aisha ang katawang nakita sa batuhan. Sobrang sakit para sa amin na malamang hindi na namin makikita ang mga ngiti ni Aisha. Hindi ko kayang tanggapin ang bigla niyang pagkawala. Hindi ko magawang tumingin ng matagal sa kabaong nasa harapan. Iniiwasan kong umupo sa harapan dahil hindi ko kayang makita Aisha sa ganong ayos.

Nakasarado ang kabaong dahil sunog ang bangkay na natagpuan. Dalawang araw na ang lumipas pero hindi pa rin pumupunta dito si Tita Loreine. Alam namin na hindi nito matanggap ang pag kamatay ni Aisha. Si Tito Kei lang ang laging nan dito. Madalas itong may kausap na reaper. Tuloy pa din ang paghahanap sa gumawa nito kay Aisha.

"Lise kumain ka muna." Alok ni Crisline sa pagkaing dala niya.

Hindi ko kayang kumain habang nakatingin sa kabaong ni Lianne. Naiiyak ako sa tuwing naalala ang masasarap na luto ni Lianne. Ang lagi niyang panlilibre sa amin at ang simpleng bagay na ginagawa niya para sa ibang tao.

"Cris bakit kailangan kay Aisha mangyari 'to?"

"Lise, Aisha did not want to see us crying. You should eat to gain energy."

Kinuha ko ang pagkaing dala ni Crisline at nagsimula ng kumain. Nasa tabi ko lang siya at binabantayan ako habang kumakain.

"Nakita na ba nila si Cielo?" Tanong ko sa kalagitnaan ng pagkain.

Simula ng maiburol si Aisha sa Manila hindi na namin nakita si Cielo. Hindi pa siya pumupunta rito at hindi namin alam kung saan ito nagpunta. Nag-aalala na kami dahil hindi namin siya macontact. We did not hear any words from Cielo and it scares us. Baka kung ano nang ginawa niya sa sarili niya. We all know that he love Aisha so much. We never saw him smile the way he smile at Aisha. We witness how strong their relationship.

"Wala pa ring balita pero hinahanap pa rin siya nila Lyndon. Even Tita Lean and Tito Ken did not know where he hides."

"How about tita Loreine? How is she?"

"He's not doing well, according to Mom Tita Loreine refuse to eat anything since they confirmed that it was Aisha. She never leaves her room."

"In just a snap of time Aisha disappear and will never come back to us."

"It was sudden and heart breaking. But Aisha's memories will always stay in our heart. She will always be our Queen." Napangiti ako sa sinabi ni Crisline.

"What do you think will happen to Cielo? His heart was shattered into pieces because of this. He was happy because he married the woman he really loves but they take her away from him."

"I feel sorry for him. It was so sudden the reason why he was so devastated right now. We all scared on what he was thinking." Crisline said while looking at Aisha's coffin.

Nagpatuloy ang pag-uusap namin ni Crisline. Madami na ulit tao sa loob ng chapel dahil sa mga reapers na pumupunta. Ginawang pribado ang burol ni Aisha dahil ito ang nakagawian ng pamilya namin. Matindi ang seguridad ng chapel dahil hindi pa rin nakikita ang may pakana ng pagsabog ng helicopter. Tanging malalapit na pamilya lang at mga reapers ang nakakapunta.

Naagaw ng mga pumasok ang atensyon namin. Hindi namin inaasahan ang pagbisita nila sa araw na ito. Nakaitim sila at diretso ang lakad papunta sa unahan. Napismid na lang ako, the Empire Top Students are here. Sinundan ko sila ng tingin, nagbabakasakaling makikita ko si Cassandra. Pero bigo akong makita ito, hindi nila kasama si Cassandra. Katulad ni Cielo hindi namin alam kung na saan si Cassandra.

Ang sabi ni Daisy nagpaiwan ito sa Cebu nang pauwi na sila. Sinubukan daw nilang kumbinsihin itong magpapaiwan din sila para samahan siya pero hindi pumayag si Cassandra. Gusto daw nitong mapag-isa kaya naman hinayaan na lang ito.

The Blazing FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon