CHAPTER 19

122 5 0
                                        


Third Person's POV

"We'll tour you first para naman makita mo ang isla." Ailee said when they finished eating breakfast.

Hindi na nila sinundan ang pinag-usan tungkol sa mission na gagawin. Alam ni Carter na sa pangunguna ni Ailee at C.K. magiging matagumpay ang mission nila. They are known to be the best in this field. Ailee is great at making plans and now there is C.K. who is also a great leader.

"I thought you are going to rest?" Carter asked when she looked at Ailee.

"I can rest later. I'll meet you outside in 10." Iniwan na sila ni Ailee at dumiretso ito sa kuwarto niya para magpalit ng damit.

Sumunod namang umakyat si C.K. para magpalit din ng damit. Napailing na lang si Carter na sumunod sa pag akyat. Naglalakad na siya papunta sa kwarto niya ng madaanan niya ang kwarto ni Ailee. Hindi naman siya tsismoso pero hindi niya maiswasang marinig ang pag-uusap ng nasa loob. Nakabukas kasi ang pinto ng kwarto ni Ailee.

"Just rest, you look tired."

"I am fine. Just change your clothes."

"Such a stubborn woman." Mababakas ang pag-aalala sa boses nito.

"I am." Proud naman na sabi ni Ailee. Natawa naman si Carter na dahandahamg sinara ang pinto bago dumiretso na sa kwarto niya para magpalit ng damit.

"Just go. I told you not to come here to my room." Pagsusungit ni Ailee.

"I prefer to stay here." Umupo ito sa dulo ng kama habang nakatingin kay Ailee na naghahanda ng backpack niya.

"You can't stay here." Seryoso itong humarap kay C.K. na nakangisi lang sa kanya. 

"Don't smirk on me, you better change your clothes now."

"Okay." 

Tumayo na si C.K. mula sa pagkakaupo niya at nagsimulang maglakad, pero imbes na palabas ng pinto dumiretso siya kay Ailee at niyakap ito.

"I miss you so damn much." Bulong nito habang nakayakap mula sa likuran ni Ailee. 

"I miss you too." Mahinang sabi ni Ailee. 

Naramdaman na lang niya na hinalikan siya sa batok ni C.K. bago ito tuluyang kumawala sa yakap at lumabas ng kuwarto niya. Napabuntong hininga na lang si Ailee habang tinatapos ang paglalagay ng gamit sa backpack niya. Mabilis lang siyang nagpalit ng puting fitted white crop top, faded mom jeans at white sneakers. Kumuha rin siya ng demin jacket bago lumabas ng kuwarto niya.

C.K. and Carter are silently waiting for her outside the house. They are both leaning on the hummer owned by Ailee. Gustong magtanong ni Carter pero natatakot siya kay C.K. Napabuntong hininga na lang siya at sumulyap sa seryosong mukha ni C.K.

Nagpakawala na naman siya ng isang buntong hininga na ikinatingin na ni C.K. sa kanya. Seryoso ang malamig na tingin nito sa kanya. Ramdam niya ang galit nito.

"Do you want to ask something?" Nagtindigan ang mga balahibo niya sa malamig na boses nito.

"H-how did you know that I'm---

"She frequently visits Empire U before. So I investigate why she always goes there."

"Alam na ba nila?" Sinabi ni C.K. na hinahunting na siya ng Mafia. Kung totoo nga 'yon, siguradong alam na ng Mafia ang ginawa niya.

"No, she never confesses anything about you. She's protecting you."

Malungkot na napangiti si Carter, kung nalaman  lang niya ang tungkol sa bagay 'yon. Baka nagdalawang isip na siyang bumalik ng isla. Hindi siya nakakaramdam ng takot kahit mamatay siya makabalik lang ng isla. Pero ngayong alam niyang may naghihintay sa pagbabalik niya, nakakaramdam na siya ng takot.

The Blazing FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon