THIRD PERSON'S POV
"Wow! First time nating sasakay sa yate." Manghang sabi ni Rocco.
"Ignorante." Umiiling na sabi ni Wyatt na hindi rin mapigilang mamangha sa ganda ng yate na lumalapit sa daungan.
"Ibang klase talaga si Madonna, napakamahal ng ganitong klaseng yate." Namamanghang nakatingin si Sancho sa malaking yate.
"Ano pa bang aasahan natin sa Head Mistress ng Cage?" Nakangising sabi ni Jade habang nakahawak sa balikat ni Sancho.
"Paano mo nagawang humiram ng yate kay Madonna?" Tanong ni Lora kay Ailee na nakatayo sa harapan nila.
"Hindi niya hiniram, si Madonna mismo ang nag-offer na ipahiram ito kapalit ng misyong gagawin natin." Sagot ni Carter na lumingon pa sa mga kasama nila.
"This mission is going to be hard." Komento ni Sancho.
"Dito muna kayo."
Naunang maglakad si Ailee ng dumaong ang yate sa harapan nila, sumakay ito agad ng ibaba ang tungtungan paakyat sa yate sumunod sa kanya si Carter paakyat sa yate at nakipag kamayan sa kapitang nagpapaandar nito. Sandaling nag-usap si Ailee at ang kapitan. Halos kumunot na ang noo ng mga kasama nila dahil sa ibang lenguaheng usapang nagaganap sa deck ng yate.
"Anong lenguahe 'yon?" Tanong ni Jade.
"German." Sabi ni Via habang kunot ang noong nakikinig.
"Ang galing mag German ni Ailee." Namamanghang sabi ni Rocco.
"Sumakay na kayo." Sabi ni Carter ng dumungaw ito sa deck ng yate.
"Marunong kang mag German?" Tanong ni Jade kay Via.
"Hindi, minsan ko lang narinig magsalita ang ilang Germang bisita noon."
"Ilang language pa kaya ang kaya niyang gamitin? Siguradong isa ito sa nagustuhan ni Madonna sa kanya." Sabi ni Lora.
Hindi na sumagot si Via mas pinili na lang nitong hindi bigyan ng pansin ang mga komento ng mga kasama nila. Hindi nito gusto si Ailee at kahit kelan hindi siya hahanga sa mga kaya nitong gawin.
"Pumasok na tayo." Sabi ni Carter ng makitang kompleto na ang mga kaibigan nila. Dinala ng mga crew ng yate ang mga gamit nila sa loob. Tinignan nila si Ailee na kausap pa rin ang kapitan sa itaas.
"Anong pinag-uusapan nila?" Tanong ni Wyatt ng lumapit ito kay Carter.
"About the route we are going to take."
"What's with the route?"
"Ihahatid tayo ng yate papunta sa mas malaking city tsaka tayo sasakay ng eroplano papuntang Las Vegas."
Tinignan nila si Ailee na nakikipag usap pa rin sa kapitan. Hindi mapigilan ni Wyatt na humanga dahil sa galing nitong makipag-usap ng ibang lenguahe.
"Did she really know how to speak different language?"
"Ailee is a genius, she can speak many language. She also know how to blend with different people."
"The reason why I really like her."
Napaharap ang dalawa sa babaeng nagsalita. Bumagsak ang panga ni Wyatt ng makilala niya kung sino ito.
"M-Madonna?"
"Hello! Did you enjoy my yacht?"
"Anong ginagawa mo rito?" Kunot noong tanong ni Carter.
"I will join you in Vegas. I miss that place." Nakangising sabi nito habang nakatanaw sa papalubog na araw.
BINABASA MO ANG
The Blazing Fire
RomancePrincess Aisha Lianne Kate is the kind of woman who will sacrifice everything to make sure that her loved ones are safe. She would rather give up everything she has worked hard for just to fulfill her own beliefs. Living with a silver spoon is every...