THIRD PERSON POV"What the fck?!" Inis na sabi ni Wyatt ng may sumipa sa paa niya.
"Wake up ass-holes, you have 10 minutes to prepare before Ailee sends all of you to hell."
Hindi na nakasagot si Wyatt dahil lumabas na ng kuwarto niya si Carter dala ang isang mega phone at nagsimulang mang gising ng mga natutulog na kasama. Tinignan ni Wyatt ang digital clock at halos manlumo siya ng makitang alas kuwatro pa lang ng madaling araw. Tumayo siya kahit mabigat pa ang katawan, mabilisan siyang naligo dahil sampung minuto lang ang ibinigay na oras ni Carter para makapag-ayos sila ng sarili.
Kinuha niya ang backpack na hinanda at nagmadaling bumaba. Walang tao sa living room kaya naman dumiretso siya sa labas ng bahay. Naabutan niyang nakaupo sa labas ng hummer si Rocco at nakayuko sa mga tuhod niya na parang natutulog. Habang nakaupo naman si Ailee sa driver's seat.
"Fck! Ang sakit ng ulo ko." Reklamo ni Sancho ng makalabas ng bahay, tumutulo pa ang basa nitong buhok.
"Time's up." Napalingon sila kay Carter ng sabihin niya ito. Nakatingin ito sa relo niya bago nilipat ang tingin sa kanila.
"What's with the time?" Tanong ni Sancho.
"Are we late?" Hindi makapaniwalang sabi ni Jade. Basang basa pa rin ang tumutulong buhok nito.
"Sinabi ko na sa inyong huwag ng maligo." Umiiling na sabi ni Carter.
"Lahat ng late may parusang kakaharapin. From the time I woke you up, our training starts."
"Are you serious? You did not even inform us about the call time." Reklamo ni Via.
"That is the point of this. Kailangan niyong masanay gumising ng maaga pa sa nakasanayan niyo. Isang tawag lang sa inyo dapat magising na kayo."
"This is unfair, anong parusa namin?"
"You will know when we get there. Sumakay na kayo. Wyatt, ikaw ang mag drive sa kabilang hummer. Sundan niyo na lang kami."
Sumakay na si Carter sa passenger seat ng hummer na sinasakyan ni Ailee. Sumunod namang sumakay si Via, Jade at Lora sa sinakyan ni Carter. Sumakay na lang din silang tatlong naiwan. Sa passenger seat si Sancho habang sa back seat si Rocco na agad na humiga.
"I woke up at 3:30 to drink water then I saw Ailee sitting on the couch while drinking strawberry milk." Pagkuwento ni Rocco habang nakahiga.
"Natutulog pa ba yon?" Tanong ni Sancho na hindi mapigilang mapailing.
"I can't believe she can work without getting proper rest." Umiiling na sabi ni Wyatt.
Natahimik na silang tatlo habang nasa biyahe, nakatulog na si Rocco habang nakatanaw naman sa labas ng bintana si Sancho. Malalim ang iniisip ni Wyatt habang nagmamaneho. Ilang beses siyang napapabuntong hininga kaya naman hindi maiwasan ni Sancho na pansinin ito.
"May problema ka ba?" Sandaling nilingon ni Wyatt si Sancho bago binalik ang tingin sa unahan.
"Wala naman." Tipid lang na sagot ni Wyatt.
"Walang problema pero kung makabuntong hininga ka, malalim pa sa balon." Pabirong sabi ni Sancho.
"Matagal ko ng iniisip ang effort na ibinibigay ni Ailee para tulungan tayo. "
"Sino bang hindi mapapaisip? Masyadong madaming ginagawa si Ailee para tulungan tayo."
"Training us is not part of her responsibilities but here she is. Doing her best to train us to be strong."
BINABASA MO ANG
The Blazing Fire
RomansaPrincess Aisha Lianne Kate is the kind of woman who will sacrifice everything to make sure that her loved ones are safe. She would rather give up everything she has worked hard for just to fulfill her own beliefs. Living with a silver spoon is every...