THIRD PERSON'S POV
"Kailan kaya ulit tayo makakaalis dito?" Jade asked while looking outside the window of their house.
"Wala pa ring binibigay si Madonna pagkatapos ng huli nating misyon." Bored na sabi ni Wyatt habang nakahiga sa couch.
"Hindi pa rin bumabalik si Ailee at Carter? Tatlong araw mula ng umalis sila." Tanong ni Rocco habang nakatutok sa laptop niya. Simula ng bumalik sila sa isla, wala na itong ginawa kung hindi pag-aralan ang pang hahacka at pagtrace ng location. Gusto nitong mas matuto para makatulong sa kanilang grupo.
"Itrack mo kaya?" Excited na tanong ni Jade.
"Si Ailee ang nagturo sa kanya kaya imposibleng matrack niya ito." Lumabas si Sancho ng kusina na may dalang isang bowl ng popcorn. Kasalukuyan silang nagmomovie marathon dahil wala namang silang magawa sa buhay.
"Hay! Sinubukan ko na yun pero untrackable ang cellphone ni Ailee at Carter." Umiiling na sabi ni Rocco.
"Ailee is an expert when it comes to hacking and tracking so don't expect her to let anyone track where she is."
"Saan naman kaya sila nagpunta?" Bored na tanong ni Jade.
"Walang makakasagot niyan, masyadong masekreto si Ailee at Carter." Tumabi si Lora kay Jade at sumandal sa likod nito.
"Siguradong hindi lang misyon ang pinagtutuunan nila ng pansin." Komento naman ni Via habang nagmamanicure.
"Ampalaya ka na naman, Via. Parang wala namang relasyon si Carter at Ailee. Close sila pero wala akong makitang spark sa kanila like other couple." Pagtatanggol ni Jade.
"Carter told us that they are not in a relationship or dating." Anya ni Rocco.
"Parang hindi naman talaga, mukhang walang alam si Ailee pagdating sa pagmamahal. She seems to be cold-hearted and missions is the only thing that matters to her." Dugtong naman ni Sancho.
"I don't believe in those bullshts." Matigas na sabi ni Via.
"Masyado ka kasing nag aasume sa mga bagay na wala ka namang patunay." Nakangisi lang si Wyatt habang nakatingin sa pinapanood niya.
"I think Wyatt is right. They seem to be close but we never saw them doing more than friends are doing." Dagdag ni Lora na ikinatingin sa kanya ni Via. Agad naman siyang nagtaas ng dalawang kamay at umiling iling dito na wari mo'y natatakot sa maaaring gawin sa kanya ni Via.
"Hindi si Ailee ang minamahal pero merong iba. I think Carter is hiding her." Kahit si Wyatt ay curious kung sino nga ba ang babaeng minamahal ng kaibigan.
" Maybe Carter is having a secret relationship." Panghuhula ni Jade.
"Someone who is so high to reach." Segunda naman ni Lora.
Natahimik si Via dahil sa mga sinabi ng mga kaibihgan niya. hindi niya kayang tanggapin ang mga sinasabi ng mga ito. Ilang taon man ang lumipas nanatilii pa rin sa puso at isip niya ang pagmamahal kay Carter. Hindi man natuloy ang engagement nila noon umaasa pa rin siya na maaaring maging sila pa rin ni Carter. Ilang taon man ang lumipas pero hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman niya para rito.
Tumayo si Via at iniwan ang mga kaibigan niya sa sala, pakiramdam niya mas kinakampihan pa ng mga ito si Ailee kesa kanya na matagal na nilang kaibigan. Nagkatinginan naman si Lora at Jade dahil sa biglang pag-alis ni Via. Alam nilang nasaktan ito sa mga pinag-uusapan nila. Saksi silang lahat kung papaano naghintay si Via para sa pagbabalik ni Carter. Alam nila kung gaano nito kamahal ang lalaki.
"I think we hit the wrong spot." Nakangiwing sabi ni Jade.
"No, it is alright. Mas magandang maaga pa lang matauhan na si Olivia. walang kasiguraduhang magiging sila pa ni Carter." Wyatt is so sure that will never happen.
BINABASA MO ANG
The Blazing Fire
RomansaPrincess Aisha Lianne Kate is the kind of woman who will sacrifice everything to make sure that her loved ones are safe. She would rather give up everything she has worked hard for just to fulfill her own beliefs. Living with a silver spoon is every...