PRINCESS AISHA LIANNE KATE'S POV
"Aisha!"
Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang matinis na boses ng pinsan ko. Humarap ako para makita siya at hindi mapigilang lumaki ng mga mata ko ng bigla itong tumalon payakap sa akin.
"Fck!"
Sabay kaming natumba dahil sa kawalan ko ng balanse. Tumatawa itong tumingin sa akin ng makaayos kami ng tayo. Lumingon ako sa paligid para tignan kung may mga estudyante at nakahinga ako ng maluwag ng makitang wala namang nakakita ng pagdagasa namin.
"Dalia baliw ka talaga."
"I miss you Aisha!"
Napailing na lang ako ng yakapin niya ako ng makatayo na kaming dalawa. Dalia Cramer is my second degree cousin. Kasing edad ko lang siya pero hindi siya sa C.I.U. nag-aaral.
" Anong ginagawa mo dito? "
" Duh! May party kaya mamaya so pumunta ako. "
" Party? "
Nanlalaki ang mga mata niya ng marealize niyang may nasabi siyang hindi naman dapat sabihin. Mabilis siyang umiling at kumapit sa braso ko.
" I mean, may aattendan akong party malapit dito kaya dumaan ako. I really miss you Aisha, hindi ka man lang bumibisita sa C.U. "
Nagsimula na kaming maglakad kahit nagtataka pa rin ako sa dahilang sinabi niya. May pakiramdam akong kakaiba kung bakit nan dito si Delia.
"I was quite busy preparing for the wedding."
"Hihihi! I'm really excited about your wedding. Alam mo bang bitter pa din si Clintton dahil ikakasal ka na?"
"Seriously? Ilang taon na ang lumipas . You're just overreacting."
"No! Seryoso, ikaw pa din hanggang ngayon kaya nga nagmukmok ang gago sa h.q. baka hindi yun magpunta sa kasal niyo ni Cielo."
Napailing na lang ako sa sinabi ni Dalia. Isa ito sa dahilan kung bakit hindi ako bumibisita sa C.U. Iniwasan kong makaharap si Clintton. Its been years but I still feel guilty. Magkakaibigan kami pero unti unti itong nagkakalamat. Alam ko ring hindi ako gustong makita ng iba pa naming kaibigan dahil sa nangyari.
Nagpatuloy si Dalia sa pagkukwento, nakikinig lang ako sa mga sinasabi niya. She was really happy telling different stories about our friends.
" Kamusta si Emma? "
Natigil si Dalia sa pagkukwento ng marinig ang sinabi ko. Tinignan niya ako at saglit na nag-isip.
" She's fine, baliw pa din kay Clin hanggang ngayon. "
" She's still mad at me for sure. "
" Nah! Tuwang tuwa ngang ikakasal ka na. Iniisip siguro na magugustuhan na siya ni Clin. Ilusyunadang babae. "
Napailing na lang ako dahil sa mga sinabi ni Dalia. She never likes Emma ever since she becomes their ' friend '. I do not know the real reason behind her hatred towards Emma. Pero isa lang ang napansin ko halos lahat ng babaeng kaibigan namin ay hindi malapit kay Emma. Tangging si Clin lang ang lagi nitong kasama.
" Mas bagay kayo ni Clin. " I commented between her endless drama about Emma.
" Yuck! Kahit kailan hinding hindi kami magiging more than friends ni Clin. Doon na siya sa Emma na yun. "
Natawa ako dahil sa sinabi niya dahil para siyang nandidiri sa sinabi ko. I am expecting that they can be together more than friends.
" Oh! Speaking of the devil. Clin is calling. " Sabi ni Dalia.
BINABASA MO ANG
The Blazing Fire
RomansaPrincess Aisha Lianne Kate is the kind of woman who will sacrifice everything to make sure that her loved ones are safe. She would rather give up everything she has worked hard for just to fulfill her own beliefs. Living with a silver spoon is every...