CHAPTER 7: SOMETHING IS WRONG

203 4 0
                                    

PRINCE ALEJANDRO LIAM KAYDEN POV

Hindi ko maiwasang humanga sa kakambal ko hanggang ngayon. Simula pagkabata namin kakaiba na ang ugali niya. Sino nga naman ang mag-aakalang lalaki kaming ganito? Mga batang laki sa marangyang buhay pero may puso para sa kapwa nila. Ito ay dahil sa mga magulang namin na hinubog kami upang maging mabuting tao.

Our parents are open on helping the people who are needy. They build a foundation for orphans, elders and even offer works to people. Hindi man nila ipinapakita sa media ang mga nagawa nila para sa ibang tao dahil para sa kanila ito ay galing sa puso at hindi pakitang tao lamang. Isa ito sa nakuhang traits ni Lianne mula sa mga magulang namin. She always has a heart for the needy.

"She seriously giving this bag? " Hindi makapaniwalang tanong ni Daisy.

" Yeah, magsasara na tayo at ang makukuha nating pera mula sa auction ay idadagdag natin sa ibibigay sa foundation. " Sabi naman ni Kyrie.

" Your sister is really unbelievable. " Gavin told me after tapping my left shoulder.

Alam kong normal ang pagbibigay ng mga gamit ni Lianne para ipaauction pero sa lahat ng pagkakataon ngayon lang ako nakaramdam ng kakaiba. Hindi ko maintindihan pero parang may mali sa nangyayari ngayon. Tinignan ko si Cielo na normal lang na nag-aayos ng mga ginamit nila kanina. Lumabas si Lianne para magpahangin na hindi naman niya madalas ginagawa.

"Lalabas lang ako sandali."

Paalam ko sa kanila bago lumabas ng kitchen, hindi ko na hinintay ang magiging sagot nila. I need to talk to my sister, there is something wrong with her. I think it was my instinct saying that I need to see Lianne. Kailangan kong masiguro na maayos siya. Hinanap ko si Lianne sa paligid pero hindi ko siya makita. Madaming tao ngayon dahil open ang University para sa lahat kaya ibig sabihin nito bukas din ito para sa mga kalaban.

Sa aming magkakapatid si Lianne ang main target ng mga kalaban ng pamilya namin dahil sa angking galing niya sa pamumuno. Naniniwala silang si Lianne ang papalit sa puwesto ng mommy namin bilang Empress. Malambot man ang puso niya para sa mga taong nangangailangan pero kakaiba ito pagdating sa underground. May iba itong personalidad nasa tuwing ito ay humaharap sa mga tao sa underground. Kinakatakutan siya dahil sa mga kaya niyang gawin, kung anong sabihin niya ay ginagawa niya. She can kill without hesitation. The reason why they were afraid of her.

Hinanap ko siya sa paligid hanggang sa makarating ako sa soccer field, naabutan kong nakaupo si Lianne sa ilalim ng puno habang nakatingin sa malawak na soccer field. Hindi ko maiwasang pagmasdan siya mula sa kinatatayuan ko. Malungkot ang mga mata niya habang nakatingin sa malawak na soccer field taliwas sa pinapakita niya sa amin. Naramdam kong may bumabagabag sa kanya mula pa noong umuwi kami. Kilala ko si Lianne at alam ko kung papaano tumakbo ang utak niya.

Marahan akong naglakad papalapit kay Lianne at umupo sa tabi niya. Inakbayan ko siya at nakangiti akong tumingin sa kanya. Lianne smiled but there is something wrong on her smile. It did not reach her eyes. Pero mas pinili ko na lang na hindi ito pansinin.

"Nagsesenti ata ang Ate ko?"  Pabiro kong sabi.

"I'm just tired. Nagpapahangin lang ako."

Isinandal ko ang ulo ni Lianne sa balikat ko, she was my bestfriend, my protector and my other half. I can feel if she was bothered on something. Lianne is one of the people that were not easy to read. She was complicated and full of mystery. Minsan nawawala siya ng hindi nagsasabi, our parents are aware on that but they cannot do anything. Hinahayaan na lang nila si Lianne na gawin ang gusto niya hanggat hindi siya gumagawa ng bagay na ikakapahamak niya. It was a way of letting Lianne move on with what happened five years ago.

The Blazing FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon