CHAPTER 17: TRAINING

77 4 1
                                    

AILEE'S POV

Hindi ko mapigilang mapabuntong hininga, alam kong tama lang ang ginawa ko para subukin ang kakayahan nila at ang tibay ng loob nila. Ang mga patibong na dinaanan nila ay wala pa sa kung anong maaari nilang pagdaanan sa oras na harapin nila ang mga tauhan ng Phantom. Alam kong matagal na nilang gustong lisanin ang islang ito pero hindi nila magawa. Sa sitwasyon namin ngayon, imposibleng magawa nilang makatakas na hindi nahuhuli. 

Katulad ng sinabi ko sa kanila, walang magagawa si Viro o si Carter sa oras na mahuli sila. Madonna will never stand to protect them, they are still in debt to her. They need to work for her and give their loyalty to the Cage. If Madonna wants to help them escape, that should happen along time ago. But they are still here, fighting for their lives. 

I also cannot stand to protect them. I sacrifice too much for this mission. There is no room for any mistakes. So, the only thing I can do for them is to teach them how to fight. They need to defend their selves. When the war starts inside this island. The only ones who can defend them are themselves.

Hinarap ko ang malawak na kapatagan sa likod ng gubat. Tahimik ang lugar na ito at walang dumadayo kaya naman magandang gawing training grounds. Nilapitan ko ang mahabang lamesa at kumuha ng isang baril.

Para makaligtas sa islang ito at sa kamay ng Phantom. Kailangan nilang matutong gumamit ng armas. Magaling ang ginawang pagsasanay sa kanila ni Viro pero hindi pa rin ito sapat para magawa nilang makaligtas sa kamay ng Phantom.

Itinaas ko ang kanang kamay kong may hawak na baril at itinutok ito sa target. Pumikit ako at ilang beses na pinaputok ang baril sa iba't ibang direksyon. Kinuha ko ang binoculars at tinignan ang mga target.

Napangisi ako ng makitang lahat ay tumama sa ulo ng target. Hindi naging madali ang naging training ko. Mahirap at masakit sa katawan pero kabila nito na enjoy ko ang bawa't araw ng training dahil natuto ako sa taong maituturing kong pinakamagaling sa pakikipag laban.  Noong una hindi ko maintindihan kung para saan ang training na ginagawa naming magkakapatid. Para sa isang bata, hindi normal ang mag-aral ng iba't ibang martial arts. Ang pag hawak ng baril at ibang sandata.

Pero sa pamilyang kinabibilangan ko, isa itong normal na gawain. Kailangan naming matutong makipag laban para magawa naming ipagtanggol ang sarili namin. Hindi sa lahat ng oras nasa tabi namin ang mga magulang namin. Hindi sa lahat ng oras merong taong magliligtas sa amin.

Ang matutong makipag laban ang natatanging paraan para mapanatag ang magulang namin. Mahirap ang training, walang anak at magulang sa mga oras na 'yon. Hindi ko magawang umiyak kahit masakit na, hindi ko magawang magreklamo kahit pagod na. Dahil sa oras ng training isang bagay lang ang alam ko.

"I need to be someone who can protect my family."

Lumaki kaming laging nakabantay ang mga magulang namin. Kahit busy sa maraming bagay, hindi sila nawawalan ng oras ang mga magulang namin para sa aming magkakapatid. Lahat isasakripisyo ng mommy ko para sa aming magkakapatid. Lahat ginagawa nila para masigurong nasa tamang landas kami.

Ibinaba ko ang binoculars at kinuha naman ang isang dagger. Tinignan ko ang talim nito bago hinagis sa isang target habang hindi nakatingin. Isa sa natutunan ko ang makipaglaban na tanging pandama ang ginagamit. Kahit nakapikit ang mga mata ko at walang nakikita, alam kong magagawa kong makipaglaban.

Itinaas ko ang tingin ko sa target. Nakatarak sa gitnang bahagi ng ulo ang dagger na hinagis ko. Ibinaba ko ang tingin sa kanang kamay ko. Isinara at ibinukas ko ito at pinakiramdaman.

"Why can't still feel it?" Mahinang tanong ko sa aking sarili.

Hanggang ngayon, ilang taon man ang lumipas wala pa rin akong maramdaman sa kanang kamay ko. I can't feel anything like it become numb, it was really numb. Naigagalaw ko ito at nagagamit ng maayos ngunit wala akong maramdaman. Kung sino man ang makakarinig ng tungkol sa bagay na ito, hindi kapanipaniwala.

The Blazing FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon