1

134 3 0
                                    

Jennie's POV

Magkakasama kami nina Nayeon, Irene at Sana ngayon sa Starbucks. Masaya kaming nagkwekwentuhan. Hanggang sa ilang saglit ay may pumasok na dalawang lalaki. Hindi ko na sila pinansin at bumaling ako sa tatlo.

"Ang gwapo nya bes oh" sabi ni Irene.

"Sino dyan?" tanong ni Sana.

"Oo nga pareho naman silang gwapo eh hihihi" sabat ni Nayeon with a malanding tawa.

"Lapitan nyo kaya? Psh" singit ko.

Dali dali namang tumayo si Nayeon at Irene. Tss malalandi talaga oh. Naiwan naman kami ni Sana na nakaupo at pinapanuod lumandi yung dalawa.

Maya maya lang ay bumalik na sila.

"Oh ano? Nalaman nyo?" tanong ko.

"Yun daw, si Sehun. Tapos yung isa si Kai. Pero akin si Sehun Oppa ha?" sabi ni Irene. Iyong iyo na.

"Yak, wala naman akong type sa mga yun eh, grrr" sabi ni Nayeon.

"Gwapo si Kai noh?" wala sa sariling sambit ko habang nakatitig dun sa lalaki.

"Ew! Jennie malandi ka rin pala?" biglang tanong ni Sana.

"Nagmana lang sa inyo mga pokpok!" sagot ko at nagtawanan lang sila.

Lumabas narin kami pagkatapos nun.

"Guys DQ tayo tapos tambay." sabi ni Sana.

"Tara! Pero san tayo tatambay?" sabi ni Irene.

"Tara na lang sa park." yaya ni Nayeon.

"Tara na bili na tayo!!" sigaw ko.

Pumunta na kaming Dairy Queen at bumili ng kanya kanyang ice cream. Dumeretso naman kami ng park pagkatapos bumili. Umupo kami sa bench nang hindi naguusap dahil lahat kami ay abala sa pagkain ng icecream hahaha!

Habang seryoso kami sa pagkain ng icecream ay may biglang nagtatakbo na aso papunta sa pwesto namin! Ibinaba ko ang ice cream ko sa inuupuan ko at tumayo ako para salubungin ang aso. Binuhat ko ito at hinimas himas.

"Nasan ang may-ari sayo? Hmmm?" tanong ko habang sinisinghot na parang drugs yung aso. "Sinong may-ari sayo? Ha? Sumagot ka naman kung ayaw mong katayin kita..." biro ko.

"Ano bang sinasabi mo kay Yeontan?!" nagulat ako nang may marinig na nagsalitang lalaki sa gilid ko!

"Sino si Yeontan? Teka nga, iyo ba to?" tanong ko nang nakataas ang kanang kilay.

"Oo, akin na masyado kang pakelamera eh." sabi nya.

"Oh iyo na! Kinginang to, bakla ka ba?" sabi ko.

"Anong sabi mo?! Bakla ako?! Gusto mo halikan kita dito?" mayabang na hamon nya.

"Eh ikaw? Gusto mo katayin kita kasama yang aso mo?!" mayabang na sagot ko!

"Pasalamat ka miss babae ka!" sigaw nya at saka umalis.

"Pasalamat ka rin at bakla ka!" sigaw ko din at bumalik na sa upuan ko. Pagkakuha ko sa icecream ko ay tunaw na ito! Bwisit na baklang yon!

Inis akong tumayo para habulin yung bakla!

"Hoy!" tawag ko sa kanya habang sinusundan sya!

"Hoy ano ba?!!" sigaw ko ulit!

"Ah hindi ka lilingon ah?" sabi ko sa sarili ko. "Hoooy! Baklaaaaa!!!!!" malakas na malakas na sigaw ko! Tumigil sya sa paglalakad pero hindi ako nililingon. Tumakbo ako at pumunta sa harap nya.

Nakapoker face sya na nakatingin deretso sakin.

"Anong problema mo?" seryosong tanong nya.

"Gago ka! Dahil dyan sa kayabangan mo, natunaw ice cream ko!" sigaw ko sa kanya!

"W-what?!" takang tanong nya.

"Natunaw yung icecream ko dahil sayo!" sigaw ko ulit!

"Bakit ako?! Kasalanan ko?! Miss baliw ka ba?" natatawang sabi nya sakin.

"Hindi ako baliw! Yung icecream ko kasi eh!!" parang batang sigaw ko.

"Ano bang gusto mong mangyari?!" nakakunot ang noong tanong nya.

"Bilihan mo kong bago!"

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!!!" malakas na tawa nya! Bwisit na to!

"Anong tinatawa tawa mo dyan ha?!"

"Sobrang hirap nyo ba at pati--"

"Hoy hoy hoy, anong mahirap? For your information, kayang kaya kong bilihin lahaaaaaaat ng ari-arian mo at barya lang sakin yun!" mayabang na putol ko sa sinasabi nya.

"Oh eh anong ginagawa mo dito sa harap ko?" tanong nya.

"Palitan mo nga yung ice cream ko!" nagmamaktol na reklamo ko!

"Ganyan ka ba talaga ka-isip bata?" tanong nya!

"Nangiinsulto ka ba?!" inis na tanong ko.

"Kung ganun ang dating sayo eh"

"Bwisit ka talaga, alam mo ba yun?!" sobrang inis na sabi ko!

"Ano ba kasing kailangan mo?!"

"Ganyan ka ba talaga ka-bobo?!" panggagaya ko sa tanong nya.

"Oy! Line ko yan ah!"

"Magkaiba yung isip-bata at bobo. At yung bobo ikaw yun." simpleng sagot ko at kitang kita ko ang pagkunot ng noo nya.

"Tara na nga! At nang tumigil ka na!!" sabi nya!

"Seryoso ka?" paninigurado ko pa.

"Oo nga! Bilisan mo na dyan!" sigaw nya at nagpaumuna nang maglakad.

Naramdaman kong nagvibrate ang phone ko kaya kinuha ko yun.

4 messages received

Binuksan ko yun isa isa para basahin

From: Baby Sana
Jennie! Nasan ka na ba??

From: Irene babe
Bat ka sumasama sa di mo kilala? Bumalik ka na dito oy!! Hindi porket gwapo yan pagtitiwalaan mo na!

From: Nayeon Unnie
Jen? Where are you?

From: Nayeon Unnie
San ka ba nagpupupunta?!

Hindi ko na sila nireplyan at mabilis kong sinundan yung lalaki.

Friendship Or Relationship | TaennieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon