Jennie's POV
6:53 p.m. na ngayon at si Taehyung nalang ang hinihintay ko.
"Jennie, where are you going? Again??" tanong ni daddy.
"Dad, magoovernight lang ako kila Taehyung.."
"At bakit ngayon ka lang nagpaalam?" tanong nya.
Anong klaseng tanong yan?! Anong gusto mong sagot?! Aba! Eh sa ngayon ko lang naisipang magovernight dun eh!
Hindi nalang ako sumagot dahil napakawalang kwenta ng tanong nya.
Maya maya ay nakita kong bumaba si mommy.
"Mom, kay Taehyung muna ako matutulog ngayong gabi ah?"
"Oh sure..magiingat ka ha? Wala munang gagawing something.."
"Yes mom.." natatawang sagot ko.
~Ding dong~
Binuksan ni yaya ang pinto at niluwa non si Taehyung!
"Goodevening po, tito, tita, Jennie.." nakangiting baling nya sakin.
"Goodevening hijo.." bati rin ni mommy sa kanya.
"Goodevening..ingatan mo ang anak ko ha?" si daddy naman.
"Oo naman po..so, una na po kami ah?" sabi ni Taehyung at tumango lang sina mommy at daddy.
Inalalayan nya na ako palabas.
...
Taehyung's POV
Habang nagmamaneho ako ay ang saya saya ko dahil makakasama ko nanaman magdamag si Jennie.
Kakadating lang namin sa condo ko.
Bumaba ako at inalalayan ulit si Jennie pababa.
Ngayon ay naglalakad na kami.
Nagulat ako nang makita si Jungkook, Jimin at Jin na nakaabang si pinto ko!
"Hoy! Anong ginagawa nyo dyan?!" tanong ko at lahat sila ay nagulat pa!
"Dre, dinadala mo dito ang girlfriend mo?" tanong ni Jimin!
"Anong masama dun? Girlfriend ko naman sya?" takang tanong ko.
"Hahaha! Ang ibig nyang sabihin, kung anong ginagawa nyo dito?" singit ni Jin.
"Gago, papasok na kami umalis na kayo." pagtataboy ko sa kanila.
"Dre ano ka ba? Saglit lang kami dyan! Iinom lang kami.." sabi ni Jungkook.
"At anong tingin nyo sa unit ko? Bar?!" tanong ko sa kanila.
"Sige na kasi! Iinom lang eh!" pagpupumilit pa ni Jimin.
"Hindi nyo ba nakikitang may kasama ako? Babae to oh?"
"Edi magkulong kayo sa kwarto mo, habang kami umiinom.." nakangising sabi ni Jin.
"Hahaha, dali na kasi!" pilit pa ni Jungkook!
"Oo na nga! Oo na!" sigaw ko at binuksan ang pinto.
BINABASA MO ANG
Friendship Or Relationship | Taennie
FanfictionPaano kapag iisang tao ang gusto nyo ng kaibigan mo? Magpaparaya ka ba o magpaparaya sila? How will you choose between Friendship and Relationship?