9

33 3 0
                                    

Jennie's POV

Pagkagising ko ay nandito parin ako sa kwarto ni Taehyung. Dito nga pala ako natulog. Nagulat ako nang pagikot ko sa kanya ay sobrang lapit ng mukha nya sakin!

Ang hot kahit tulog...wtf Kim Taehyung...

Bumangon nalang ako kaagad kaysa matukso sa katawan nyang napakaganda.

Ugh shet.

Pumunta ako sa may ref nya at uminom ng tubig. Maya maya ay may naramdaman akong yumakap sa likod ko.

Si Taehyung...

"Goodmorning babe.." malambing na bati ko sa kanya.

"Goodmorning din babe.." shet, his husky voice.

Nakapatong ang ulo nya sa balikat ko. Bahagya kong binaling ang ulo ko para silipin ang mukha nya. Kumunot ang noo ko nang makitang nakapikit sya na parang natutulog ulit!

Hinawakan ko ang kamay nya na nasa tyan ko at piniga piga yun.

"Babe.." tawag ko sa kanya.

"Mm.."

"Matutulog ka pa ba?"

"Hmm??"

Hindi na ako nagsalita at inalis nalang ang kamay nyang nakapulupot sakin at dinala sya sa kama.

"Matulog ka nalang muna ulit..maliligo lang ako.." sabi ko saka binitawan ang kamay nya. Tatalikuran ko na sana sya kaso nagsalita sya.

"Mamaya ka na maligo, sabay na tayo.." omg! Seryoso sya sa pagkakasabi nun!

Hindi ako nakasagot at nanlalaki ang matang napatitig sa kanya!

"Dali na babe.. please.." nakangusong sabi nya.

Napabuntong hininga ako saka lumapit sa kanya. Bumangon sya at nag-Indian seat sa kama. Tatabi sana ako ng pagkakaupo sa kanya kaso binuhat nya ako at iniupo sa harap nya saka sya nagback hug sa akin. Pinagsiklop nya ang dalawang kamay namin. Hinila ko naman yung kamay nya at iniyakap ulit sakin.

Nanatili kami sa ganong posisyon ng walang nagsasalita.

"Taehyung.." tawag ko sa kanya.

"Bakit babe?"

"I love you.." sabi ko nalang dahil wala naman talaga akong sasabihin sa kanya!

"I love you too.." malambing na sagot nya.

Ilang saglit lang ay tumayo na kami at gaya nga ng napagusapan ay sabay kaming naligo! Nakakailang pero naisip ko, may nangyari na nga samin, ngayon pa ako maiilang?

.

Ngayon ay nandito kami sa Starbucks. Naisipan kasi naming dumaan dito bago nya ako ihatid sa bahay.

Pareho kaming Mocha Frappuccino ang inorder.

Naguusap lang kami ng kung ano anong bagay at nagtatawanan kahit wala namang nakakatawa.

"Hey.." biglang bati ng kung sino man galing sa likod ni Taehyung. Nilingon nya ito.

"Would you mind if we join you?" tanong ng kasama nya.

Teka nga...parang nakita ko na tong dalawang to? Dito rin yun eh...aha! Si Sehun, yung crush ni Irene dati! Sino nga ba tong isa? Si Kai? Pero, which is which???? Aish balangakayodyan.

"Why?" tanong ni Taehyung.

"Wala na kasing table na available eh..yung inyo lang ang nakita naming may available na upuan." paliwanag pa nila.

Friendship Or Relationship | TaennieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon