Taehyung's POV
Dalawang stuffed toy ang nakuha ko para kay Jennie. Ewan ko ba, masyado akong masaya eh..
"Bili na tayong damit mo.." yaya ko sa kanya.
"Sige"
"Saan mo gusto?"
"H&M? Okay lang?"
"Syempre. Tara na" sabi ko at inakbayan sya.
.
"Babe..punta tayo dun.." maya maya'y sabi ni Jennie habang nagtuturo kung saan.
"San babe?"
"Zara..please!"
"May bibilihin ka pa ba?"
"Oo, sige na please!"
"Sige na nga.."
...
Jennie's POV
Hapon na at kararating lang namin sa condo ni Taehyung.
"Maliligo lang ako ah?" paalam ko sa kanya.
Nakangiti lang syang tumango.
Mabilis lang akong naligo. Nagsuot lang ako ng short at malaking tshirt. Madami talaga akong malalaki at maluwag na tshirt. Di ko alam pero ganun talagang mga damit ang trip kong suotin pag nasa bahay lang.
Pagkalabas ko ng cr ay dumeretso ako sa sala at umupo sa sofa.
Wala si Taehyung at batid kong nasa kwarto lang sya. Habang hinihintay sya ay nanood nalang ako ng tv.
Ngunit magiisang oras na ay wala parin sya. Dahil don ay tumayo na ako at pumunta sa kwarto nya. Nang akma kong bubuksan yon ay nakalock. Kumatok ako.
"Taehyung??" tawag ko sa kanya habang kumakatok.
Nakailang tawag at katok pa ako bago nya buksan yun.
Nagtaka ako nang makitang galit ang mukha nya. Kinabahan ako sa hindi malamang dahilan.
"T-taehyung?" tawag ko.
Hindi sya nagsalita, at sa halip ay nilabas ang cellphone ko at iniharap sakin.
Bahagyang kumunot ang noo at tumaas ang isang kilay ko.
"Ano meron dyan?" takang tanong ko.
"Anong meron sa inyo ng lintek na Kai na yun?!" galit na tanong nya!
What the?!!
"What kind of shit are you talking about?" taka paring tanong ko.
"Anong namamagitan sa inyo ni Kai?!" biglang sigaw nya!
Punyeta naman oh!!!
"Pwede ba?! Wala akong maintindihan sa sinasabi mo!!" inis na sigaw ko din!
Pinagbibintangan nya ba kong nanlalalake?!
"Jennie, nabasa ko ang messages nya. Inuulit ko, anong meron sa inyo ni Kai?" mas mahinahon pero galit parin na tanong nya.
"Akin na nga yan!"sabi ko at pilit na inagaw ang phone ko pero ayaw nyang ibigay!
"Bakit mo kinukuha? Takot kang mahuli? But it's too late, huli ka na."
"What the fucking hell are you talking about?!" galit na ring sigaw ko!
"Ha! At talagang tinanong--"
BINABASA MO ANG
Friendship Or Relationship | Taennie
FanfictionPaano kapag iisang tao ang gusto nyo ng kaibigan mo? Magpaparaya ka ba o magpaparaya sila? How will you choose between Friendship and Relationship?