Jennie's POV
Nandito kami ngayon ni Taehyung sa sasakyan nya habang mabilis kong pinapaandar yun.
Wala akong ibang nararamdaman ngayon kundi galit.
"Jennie...please naman...wag mo nang ituloy yang--"
"Sinabi nang manahimik ka Taehyung eh!" sigaw ko!
"Okay lang kahit magalit ka sakin Jennie. Pero wag mong gawin yang iniisip mo.." sabi nya.
Naipreno ko ng biglaan ang sasakyan. Tinignan ko si Taehyung sa mata. Sobrang nagaalala sya at kitang kita ko na ang namumuong luha sa mata nya.
"Taehyung.." sabi ko at hinawakan ang magkabilang pisngi nya.
Tumulo nalang bigla ang luha nya kaya pinunasan ko yon.
"Sorry kung pinagaalala pa kita..pero gusto kong malaman mo na kahit anong mangyari, desidido na akong gawin ang binabalak ko." sinserong sabi ko at niyakap nya ako bigla.
"J-jennie..wala na bang ibang paraan?" umiiyak na sabi nya.
"Please Taehyung...hayaan mo ako.." sabi ko at kumalas sa yakap nya at hinawakan ulit sa dalawang pisngi nya. "Kahit anong mangyari Taehyung, mahal na mahal na mahal kita.." sabi ko at hinalikan sya sa labi.
Nang magbitaw ang labi namin ay tinitigan ko muna sya sa mata at nagsimula na ulit magmaneho ng mabilis.
Ilang minuto lang ay narating namin ang condo ni Irene. Agad akong bumaba.
Nakatago syempre ang baril na dala ko.
Nung nasa tapat na kami ng pinto nya ay inayos ko ang sarili.
~Dingdong~
"Hi Jennie.." sarkastikong bati nya at pinapasok ako sa loob. Pinaiwan ko si Taehyung sa labas at sinabing pumasok lang pag may narinig nang putok ng baril.
"Wala akong oras makipagplastikan sayo Joohyun."
"So what brought you here?"
"Simple lang..ang singilin lahat ng utang mo." sabi ko at napakunot ang noo nya.
Hindi ko yun pinansin at nilibot lang ang paningin sa loob. Wala naman sanang tao dito para walang backup...
"Anong utang?" nakangising tanong nya.
"Utang na walang sapat na halaga para mabayaran." galit na galit na sabi ko.
"Can't you just go straight to the point?"
"Ako pa talaga ang magaadjust sa pagiging bobo mo?" sarkastikong sabi ko.
"Sumosobra ka na talaga!" sigaw nya at kinuha ang vase sa table nya at akmang ihahampas sakin pero napigilan ko yun at agad na binunot ang baril at itinutok sa kanya.
"What the fuck Jennie?! Kelan ka pa naging kriminal?!" nagtatapangtapangan na tanong nya.
"Simula nang mabaliw ka."
"Baliw?! Omg! You're crazy! Drop that gun!" utos nya.
"Bakit naman kita susundin?"
"Dahil sinasabi ko sayo, pagsisisihan mong hindi ka nakinig--"
"Wala akong pakealam. Dahil kapag nakinig ako sayo, nasayang lang ang oras ko dito nang walang napala kundi makita yang bwisit na pagmumukha mo.."
"So you're really planning on killing me now?" tanong nya.
"Hmm..let's see.." sabi ko at ikinasa ang baril.
"J-jennie.." tawag nya.
"What?!"
"Stop that you dumbass crazy stupid bitc--"
Hindi ko na sya pinatapos sa pagsasalita dahil ipinutok ko na ang baril sa dibdib nya.
Nagulat ako sa nagawa ko. Hindi ako makapaniwalang nagawa ko yun...
Nanigas ako sa kinatatayuan ko...
Maya maya ay dali daling pumasok si Taehyung dito sa loob.
Saktong pagpasok nya ay may mga armadong lalaki ang naglabasan sa iba't ibang sulok ng unit ni Irene!
Itatakas na sana ako ni Taehyung pero huli na ang lahat dahil nabaril ako sa dibdib...
Pinanood ko pa ang pagagos ng dugo doon at unti unti akong nanghina...
Pagkatapos non ay wala na akong narinig at unti unting dumilim ang paningin ko...
...
Nayeon's POV
Sobrang nagtataka ako and at the same time, KINAKABAHAN ng matinde nang biglang hiramin ni Jennie ang baril ni dad.
Umalis sila ni Taehyung dito sa bahay nang hindi kami nakakausap ng maayos.
Ang hindi nila alam, ay sinundan ko sila sa kung saan mang pinuntahan nila.
Mabilis masyado magpaandar si Jennie kaya binilisan ko rin para maabutan sila.
Pero bigla nalang nagbrake si Jennie kaya agad din akong huminto! Buti nalang medyo malayo ang sasakyan ko sa kanya.
Hindi masyadong nagtagal yun at umandar na muli sila ng mabilis!
Hindi na ako nagulat nang makitang nandito kami sa may condo ni Irene.
Nagmamadali silang bumaba at ako naman sy palihim parin silang sinusundan. Nang marating nila ang tapat ng unit ni Irene ay naiwan si Taehyung sa labas at si Jennie lang ang pumasok!
Ilang saglit lang ay may narinig akong putok ng baril! Alam kong baril ni dad yun! Shit Jennie...
Agad na pumasok si Taehyung sa loob habang ako ay nagdadalawang isip kung papasok din. Napagdesisyunan kong pumasok nalang din!
Pero nung papasok palang ako ay may pumutok ulit na baril at alam kong iba yon!
Hindi na ako nagdalawang isip na pumasok!
Agad na nanghina ang tuhod ko at sunod sunod na bumagsak ang luha ko nang makita si Jennie na may tama sa dibdib habang buhat ni Taehyung na umiiyak na din!
"Taehyung bilisan mo! Dalhin natin sya sa ospital!" malakas na sigaw ko.
Kitang kita ang gulat at pagtataka sa mukha nya pero agad din naman syang tumayo at tinulungan ko syang buhatin si Jennie dahil hinang hina na sya.
Ako na ang nagdrive at ginamit ko ang sasakyan nya.
Mabilis naming narating ang ospital.
Nakipagusap ako sa mga nurse at doctor. Kailangan daw ni Jennie na maoperahan, syempre..
Ilang oras ang lumipas at tapos ng operahan si Jennie.
Successful ang operation nya pero unstable parin ang condition nya.
Maya maya ay sinabi ng doktor na kailangang...
Wtf
Kailangan daw dalahin si Jennie sa America at dun magpagaling....
BINABASA MO ANG
Friendship Or Relationship | Taennie
FanfictionPaano kapag iisang tao ang gusto nyo ng kaibigan mo? Magpaparaya ka ba o magpaparaya sila? How will you choose between Friendship and Relationship?