Jennie's POV
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng cr at sumilip dun.
Tangina Taehyung lumabas ka muna please!!!
"Jennie?" tawag nya bigla sa akin nang isasara ko na sana ang pinto!
"H-ha?"
"Anong ginagawa mo dyan? Kain na tayo?" halata namang nahalata nya na nahiya ako bigla kaya hindi na sya nagbabanggit ng tungkol dun.
"A-ah, w-wala...sige na u-una ka na. S-susunod ako.." sabi ko habang hindi makatingin ng deretso sa mata nya.
Tumango sya. "Sunod ka agad ha?"
Sinara ko nalang agad ang pinto at sumandal dun.
'Hay jusko, pano ba to? Nakakahiya talaga!'
Ilang minuto pa kong nakatulala sa loob ng cr bago ko napagdesisyunan na lumabas. Huminga ako ng malalim na malalim at dahan dahang binuksan ang pinto ng kwarto ni Taehyung saka sumilip. Kumakain na sina Taehyung at Jungkook. Lalabas na sana ako kaso narinig ko silang naguusap kaya nakinig na muna ako.
"Kook, tungkol sa kanina..pwede bang wag ka nalang magbanggit ng kahit ano na may kinalaman dun pag nandito na si Jennie?" seryoso ang pagkakasabi ni Taehyung nun.
"Eh, bakit naman? Totoo namang ginawa--"
"Wag ka na ngang maraming satsat dyan! Basta manahimik ka nalang pag nandito na sya! Kumain ka na nga lang!" sunod sunod ang pagsigaw ni Taehyung kay Jungkook pero wala manlang syang nakuhang tugon mula kay Jungkook.
Nagtaka rin ako kaya tinignan ko si Jungkook...and the next thing I knew ay na nakatingin pala sya sakin!
"Uh, ahmm..t-tapos na kayo magusap?" wala sa sariling sabi ko at napalingon agad si Taehyung sakin.
"Jennie? Bakit nandyan ka lang? Lumabas ka na.." sabi ni Taehyung. Alam kong nagtataka sya sa kung ano man ang ginagawa ko pero hindi nya pinahalata.
"Eh?" hindi ko alam ang sasabihin ko! Ano ba naman yan Jennie?! Anong panibagong kahihiyan na naman ba?!
"Halika na?" muntik pa ko mapatalon sa gulat nang mapagtanto na nasa harap ko na pala si Taehyung!
"A-ah, oo." kumunot ang noo nya pero hinila nalang nya ang kamay ko.
.
Tahimik lang kaming tatlo habang kumakain. Hindi ko tinitignan ang kahit na sino sa kanilang dalawa. Nanatili akong nakatitig sa pagkain ko habang pinipilit ang sarili na kumain. Hanggang ngayon ay binabagabag parin ako ng lahat ng kahihiyan na nagawa ko!
"Una na ko ah?" napatingin ako kay Jungkook nang magsalita sya.
Ngayon ko lang napansin na kanina pa sila tapos kumain! Aish! Ano ba tong pinaggagagawa ko!
"Sige. Ingat ka dre." sagot ni Taehyung.
"Noona?" ngumiti sya at saka sumenyas na aalis na. Tumango lang ako bilang tugon.
"Kakain ka pa ba?" tanong ni Taehyung pagkalabas ni Jungkook.
"Ha?"
"Sabi ko kung kakain ka pa?"
"Ang alin?"
"Okay ka lang ba?"
"Bakit?"
"Huy, ano bang nangyayari sayo? Masama ba pakiramdam mo? Iuuwi na muna kita? Nilalagnat ka? Ibibili lang kita ng gamot ah? Intayin mo ko dyan. Gusto mong prutas? Oh, ano? May iba kang gustong kainin? Sabihin mo--"
BINABASA MO ANG
Friendship Or Relationship | Taennie
FanfictionPaano kapag iisang tao ang gusto nyo ng kaibigan mo? Magpaparaya ka ba o magpaparaya sila? How will you choose between Friendship and Relationship?