Jennie's POV
Nagising ako nang nakayakap sakin si Taehyung. Tinignan ko sya at gising sya pero tulala sa kisame.
"Taehyung.." tawag ko sa kanya.
"Babe?"
"P-pwede bang.." hindi ko maituloy ang sasabihin ko dahil nahihiya ako.
"Ano yun?" kita ko ang pagaalala sa mata nya.
"Pwede b-bang, d-dito muna ako ng m-mga ilang a-araw?" pahina ng pahinang sabi ko.
"Pwedeng pwede naman babe...pero, bakit? Baka hanapin ka sa inyo.." sabi nya.
"B-babe..a-ahmm" ayokong sabihin yung balak ni Irene dahil baka lalo syang magalala.
"Jennie, anong problema?" nagaalalang tanong nya.
Kingina naman eh! Naiiyak nanaman ako...
"W-wala n-naman...g-gusto lang kitang m-makasama.." pagdadahilan ko.
Totoo naman, gusto ko syang makasama lagi. Pero iba kasi yung pinakang dahilan.
"Babe..yun lang ba talaga?" naghihinalang tanong nya.
"O-oo nga.." mahinang sagot ko!
Deputa, hindi ako sanay magsinungaling sa kanya...
"Eh bakit ka umiyak kanina? Babe..san ka natatakot? Alam mo bang habang tulog ka ay puro yon ang iniisip ko? Kung ano ang kinakatakutan mo.." nagaalalang sabi nya.
May namumuo ng luha sa mata ko kaya hindi ako makapagsalita kakapigil na pumatak yon.
Naiiyak ako dahil sa magkahalong takot at galit na nararamdaman ko.
"B-babe? Jennie? Okay ka lang?" sunod sunod na tanong nya.
Nung magsasalita na sana ako ay biglang tumulo ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan.
Agad naman akong niyakap ng mahigpit ni Taehyung.
Hindi ko alam kung ano nang mangyayari sakin pag wala si Taehyung dito sa tabi ko...
Nang bigla kong maalala sina mommy ay kusa akong tumigil sa pagiyak at kumalas sa yakap ni Taehyung.
Agad kong kinuha ang phone ko at dinial ang number ni mommy.
"Jennie anak?" sagot nya.
"M-mommy..n-nasan kayo?" tanong ko.
"Nasa bahay..pero aalis kami--"
"Mom wag kayong umalis!!" agad na pigil ko sa kanya. Pagkasabi ko non ay napapikit ako ng mariin.
"Anak bakit? Importante ang business meeting na yon..hindi pwedeng hindi namin pupuntahan yun.."
"M-mom..please???" pagmamakaawa ko pa.
"Jennie may problema ba?"
"B-basta...please, wag na kayong umalis.." naiiyak na sabi ko.
Kilala ko kasi si Irene, pag sinabi nya, ginagawa nya.
"Jennie naman..importante--"
"Mas mahalaga ba talaga yan kesa sa buhay nyo?"
"W-what do you mean? A-anong sinasabi mo?" takang tanong nya."Mommy, pwede bang kahit ngayon lang makinig muna kayo sakin?"
Matagal bago sya sumagot. Narinig ko pa ang malakas na buntong hininga sya saka nagsalita.
BINABASA MO ANG
Friendship Or Relationship | Taennie
FanfictionPaano kapag iisang tao ang gusto nyo ng kaibigan mo? Magpaparaya ka ba o magpaparaya sila? How will you choose between Friendship and Relationship?