7

35 2 0
                                    

Jennie's POV

Finally ay nakasama ko na ulit yung tatlong to! Ang saya saya namin ni Nayeon, pero yung dalawa mukhang hindi manlang maging masaya!

Okay...mga ateh...try nyo manlang magkunwaring masayang nakasama nyo kami, para hindi masyadong nahahalata...*smirks*

"Magccr lang ako ha?" paalam ni Nayeon. "Jennie, samahan mo ko.." baling nya sakin. Tumango lang ako.

Habang nasa loob ng cubicle si Nayeon ay humarap nalang ako sa salamin at nagretouch ng konti. Maya maya ay may pumasok na tatlong babae.

Nagtatawanan sila at alam mong totoo sila sa isa't isa.

Kaya ko naiisip ang mga ganung bagay, ay dahil alam kong hindi na kami ganun ng mga kaibigan ko ngayon.

Pumasok sa cubicle ang isa sa kanila at yung dalawa ay kagaya kong nakaharap sa salamin.

"Hi?" bati sakin ng may bangs na babae. Pero ang ganda nya.

Nagbow muna ako sa kanya at ganun din sya. "Hello.." bati ko rin.

"Mag-isa ka lang dito?" tanong nya.

"Hindi, may kasama ako, nasa loob sya." sagot ko.

"Ah okay, ano pala name mo?" tanong nya ulit.

"Ahmm, Jennie.." sabi ko sabay abot ng kamay.

"Lisa." simpleng sagot nya at inabot ang kamay ko.

Nang magbitaw ang kamay namin ay saktong lumabas si Nayeon.

"Jen? Tara na?" sabi nya at nakangiting bumaling sya kina Lisa. Nagbow lang sya ng nakangiti sa kanila at hinila na ako palabas.

Pagbalik namin sa pwesto namin kanina ay wala na yung dalawa.

"Hay, mga mamsh...magisip kayo bago kumilos, lalo kayong napaghahalataan.." wala sa sariling sabi ko. Nakita kong natigilan si Nayeon pero napangisi lang sya.

"Hahaha, oo nga eh..sila na yung pinakabobong plastic.." natatawang sabi nya.

Tumawa nalang din ako.

Nang maghapon na ay umuwi na rin kaming dalawa.

"Where have you been?" tanong ni Mommy.

"Kila Nayeon po tas nagmall kami.." sagot ko.

"Hindi ka parin ba nadadala? Nalaman na namin dati na hindi ka dun pumupunta, tapos ngayon yan ulit ang--"

"Dun nga mommy...alam nyo na ngang may boyfriend ako diba? So what's the point of lying sa inyo diba?" mataray na sagot ko hahaha!

"Okay fine, naniniwala na ko.." sabi nalang ni mommy.

"Eh anong ginawa nyo dun?" biglang singit ni daddy.

"Namsyal po.."

"Nang dadalawa kayo?"

"Yeah, actually, kasama namin sila Sana at Irene, pero..." napangisi ako. "Mukhang gumagawa ng bundok ng plastic eh.." sabi ko.

"Nababaliw ka na ba anak?" tanong ni mommy.

"Yes? Maybe? Pero syempre walang tatalo sa kabaliwan ng dalawang yun.." nakangisi paring sabi ko.

"Hay nako naman Jennie..kumain ka na nga dito.." sabi naman ni daddy.

"No thanks dad, kumain na kami ni Nayeon." sabi ko at umakyat na sa taas.

Friendship Or Relationship | TaennieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon