Taehyung's POV
Ngayon ay nandito kami sa loob ng kotse ni Jungkook. Kami ni Jennie ang nandito sa backseat.
"Jungkook bumalik muna tayo dun sa condo ah?" maya maya'y sabi ni Jennie.
"Bakit babalik pa dun?!" galit na sigaw ko!
"Hyung, nandun yung kotse mo.." mahinahong sabi ni Jungkook.
"Jennie, pwede bang ipagdrive mo ako?" tanong ko.
"Sure ka ah?" nangaasar na tanong nya pa.
"Oo, pero please...bagalan mo lang..."
"Eh pano yan Taehyung, yun na yung pinakamabagal ko??" sarkastikong sabi nya!
"Bagalan mo nga kasi!" biglang sigaw ko kaya nagulat ako ng magbiglang brake si Jungkook!
"Taehyung ano ba?" saway nya sakin.
"Hoy Kook, magmaneho ka na nga dyan!"
"Ikaw kasi eh! Kung ano anong sinisigaw mo dyan!" sigaw nya din sakin at nagmaneho ulit.
Maya maya lang ay nandito na ulit kami.
"Ako na ang kukuha ng sasakyan mo." sabi ni Jennie at itinapat ang kamay sakin na parang may hinihingi.
Taka naman akong tinitigan ang kamay nya.
"Ano yan?" takang tanong ko.
"Suseeeee!!!!!" biglang sigaw nya!
"Bakit ka sumisigaw?" tanong ko sabay abot ng susi sa kamay nya. Hindi sya sumagot at lumabas lang ng kotse ng walang sabi sabi!
"May galit ba sakin yun?" wala sa sariling tanong ko.
"Hindi yan galit sayo, kung alam mo lang yung pinaggagawa nun sayo nung tulog ka pa.." sabi ni Jungkook.
"Ano bang ginawa?" kunwaring hindi alam na tanong ko.
"Basta...ang masasabi ko lang talaga, ang sweet nya sobra." nakangiting sabi nya.
"Hoy! Pinagpapantasyahan mo ba yung girlfriend ko?!" pasigaw na tanong ko sa kanya!
"Hoy wag ka ngang oa!" sabi nya at humarap sa labas.
Ako naman ay ipinikit lang ang mata at akmang matutulog nang biglang...
"Hyung! Bumaba ka dyan!!! Bilisan mo!!!" malakas na sigaw nya kaya kinabahan ako at dali daling lumabas!
Mabilis akong tumakbo nang makitang nakasandal si Jennie sa pader habang marahas na hinahalikan ni Kai! Kitang kita kong umiiyak si Jennie!
Sasapakin ko na sana si Kai pero naunahan ako ni Jungkook!
"Sira ulo ka! Alam mo nang may boyfriend yung tao eh!!!" galit na sigaw ni Jungkook kay Kai!
Nang mailayo ni Jungkook si Kai ay agad akong tumakbo papalapit kay Jennie at niyakap sya.
Habang yakap yakap ko ang umiiyak na Jennie ay may biglang kumalabit sakin!
Nilingon ko ito at nakita si Irene!
"Anong kailangan mo?!!" galit na tanong ko sa kanya.
"T-taehyung tulungan mo ko...p-pinagsamantalahan ako n-ni Kai..." umiiyak na sabi nya.
Hindi ako nakasagot dahil biglang kumalas sa pagkakayakap si Jennie at nagpunas ng luha.
"Ano Irene?! Pinagsamantalahan ka ni Kai?!!" tanong ni Jennie.
BINABASA MO ANG
Friendship Or Relationship | Taennie
FanfictionPaano kapag iisang tao ang gusto nyo ng kaibigan mo? Magpaparaya ka ba o magpaparaya sila? How will you choose between Friendship and Relationship?