Irene's POV
Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Nasigawan ko lahat ng kaibigan ko kanina. Wala akong ideya kung bakit ako nagkaganon.
Basta ang alam ko lang, hindi lang talaga pagaalala ang naramdaman ko nang makita si Jennie na kasama yung lalaking yun. Alam kong wala namang ginawang masama sa kanya yung tao. Pero sadyang hindi ko alam kung bakit ganun na lang ang inis ko!
May crush na akong ibang lalaki, at si Sehun yun. Pero ang hindi ko maintindihan, kung bakit parang nagseselos ako dun sa kasama ni Jennie??
...
Jennie's POV
Magaalas-dose na at hindi parin ako makatulog. Hindi ko alam kung bakit.
Hanggang ngayon, nagtataka parin ako sa inasal ni Irene. Hindi sya ganun magalala samin dati. Napaka-oa nya kanina.
Nagvibrate ang phone ko kaya kinuha ko yon. Nakita kong tumatawag si Irene.
"Hello?" bati ko.
"Jennie?"
"Bakit?"
"Favor?" sabi nya.
"Ano ba yun??"
"Ahmm...p-pwede bang...a-ahh.."
"Ano yun, Irene??" nagtatakang tanong ko.
"W-wag mo nang...l-lalapitan y-yung..a-ano.."
"Alin ba kasi??" naiinis na ko.
"S-si..yung lalaki kanina..wag mo nang lalapitan yun ha? Bye!" sabi nya at nagmadaling patayin ang tawag!
Ano daw? Wag na akong lalapit dun sa lalaki? Sinong lalaki ba?
Isa lang naman ang lalaki kanina. Si Taehyung? Bakit naman? Hindi naman siguro rapist yun para layuan ko? Kung tutuusin nga ang bait nya eh! Hahaha tatlong ice cream nga yung nilibre sakin kanina! Bakit ko sya lalayuan? Edi hindi na ko nakapagpalibre! No way! I'm sorry Bae Joohyun, hindi ko magagawa yang favor mo! Bwahahaha!
Tinawagan ko si Nayeon.
"Oh Jennie?"
"May napapansin ka bang kakaiba kay Irene?" tanong ko.
"Madami, bakit?"
"Tumawag kasi sya kanina eh,"
"Oh? Ano daw sabi?" tanong nya.
"Ewan ko dun, sinabihan akong layuan si Taehyung eh.."
"Sino si Taehyung?"
"Yung lalaki kanina.." sagot ko.
"Ahh, sa tingin mo? Parang may something sya dun sa lalaki eh.."
"Anong something?" takang tanong ko.
Tumagal pa ang usapan namin ng tatlong oras at puro si Irene ang pinagusapan namin.
BINABASA MO ANG
Friendship Or Relationship | Taennie
FanfictionPaano kapag iisang tao ang gusto nyo ng kaibigan mo? Magpaparaya ka ba o magpaparaya sila? How will you choose between Friendship and Relationship?