Chapter 1

9.5K 120 14
                                    

Malakas na hiyawan ng mga tao ang sumalubong kay Marielle sa pagbabalik niyang yun mula New York kung saan tinanggap niya ang kanyang second international acting award-- Best Actress sa pagganap niya sa karakter ng isang dalagang ina na may kapansanan. The same movie that gave her countless of awards from different local award giving bodies.

At the age of 25, isa na siyang sa maituturing na pinaka-mahusay na aktres ng kanyang henerasyon. Not to mention, one of the most succesful recording star. Sold out albums and concert, platinum awards, and many more. Walang hindi nakakakilala kay Marielle Rivera. Her face is everywhere; sa naglalakihang billboard sa EDSA, sa mga commercials. Tunay nga naman na in her 9 years sa showbiz industry, she already marked a name for herself.

Napangiti ang dalaga as she saw her fans waiting for her outside the airport. Kahit na talaga namang sikat na si Marielle ay never niya nakakalimutan ang kanyang mga fans. Para sa dalaga, she owe everything to her fans. Wala siya dito kung hindi sa mga taong naniwala sa kanya.

"Marielle, Marielle, Marielle!!" hiyawan ng mga tao as they saw Marielle walking out the airport. Gusto sanang lumapit ng dalaga sa mga ito, ngunit mahigpit din ang kanyang mga bantay, bagay na naiintindihan din naman ni Marielle; her bodyguards are just doing their job. Sa halip ang kumaway na lamang siya sa mga fans at nag-flying kiss. Bago siya makasakay sa sasakyan ay sumigaw pa siya ng "THANK YOU!!" at pagkatapos ay nag-heart sign.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Hey, gorgeous! Sobrang busy na ha!" napaangat ng tingin si Marielle as she heard a familiar voice. Napangiti ang dalaga ng makita ang kaibigang si Lorie.

"Lorieeeeeeeeeee! Grabe!! Na-miss kita!" masiglang tumayo ang dalaga upang yakapin ang kaibigan.

"Sus! Miss daw! Di mo nga ako tinawagan nung nasa New York ka eh. Nakakatampo ha, porke't best actress ulit!" kunwari'y nagtatampo na wika nito sa kaibigan. Natatawang niyakap yakap ito ni Marielle.

"Wag ka na magtampo. Busy talaga kahit dun. Araw-araw may conference. Sige na, wag ka na magtampo! Libre na lang kita ng kwek-kwek." pang-aalo niya sa matalik na kaibigan.

"Kwek-kwek na naman? Ang cheap mo ha! Di ka ba napupurga sa kwek-kwek? Yun lagi natin kinakain simula pa nung 16 tayo eh, ibahin mo naman. Libre mo naman ako ng steak." kunwari pa ay nauumay ang mukha ng kaibigan. Natatawa naman si Marielle tinuran na yun ni Lorie. Totoong yun ang lagi nilang kinakain nung mga panahon na wala pa silang pangalan sa showbiz. Matagal tagal na din pala silang magkaibigan. Walang anu-ano ay bigla niyang niyakap ang kaibigan na nabigla naman sa kanyang ginawa. 

"Eeeeee! Bakit moko niyayakap? Ano naman ka-emohan yan? Wag ka magpa-sweet, di ako manlilibre nu. Ikaw diyan galing sa New York, ako pag manglilibre saka----"

"Mahal kita, Lorie! Mahal na mahal. No lesbo. Masaya ako na naging magkaibigan tayo. Mahirap makahanap ng totoong kaibigan sa industriya na 'to, masaya ako meron akong ikaw." madamdamin niyang pahayag sa kaibigan. She rested her chin to Lorie's shoulder at pumikit. Pinipigilan ng dalaga na maiyak. Naramdaman niyang saglit na huminga ng malalim ang kaibigan, bago tinapik tapik ang kanyang braso. Kung may mas emosyonal sa kanilang dalawa, siya yun. Si Lorie yung palaban. She tell as it is. Habang siya naman daw, ayon sa iba, ay palaging nag-iisip bago magsalita o may gagawing isang bagay.

"Masaya ako para sa'yo, Marielle. Masayang masayang masaya. You deserved everything that's happening to your life. I feel so blessed din having you in my life. Di ka nagbago kahit pa alam naman natin na mas sikat ka sa akin. Ikaw pa din yan." nakangiting pahayag sa kanya ng kaibigan na nagpangiti kay Marielle. Sa dami ng blessings na natatanggap niya, isa sa mga pinaka-mahalaga is the blessing of friendship.

Lover's Moon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon