Chapter 15

2.4K 74 7
                                    

"Marie, may delivery for you!" narinig ng dalaga na tawag sa kanya ng PA. Agad siyang bumaba mula sa silid para tingnan kung ano at galing kanino ang mga package. Nadtnan niya ang isang delivery guy na tanging isang brown folder lamang ang hawak.

"Ms. Marielle Rivera?" nakangiting tanong sa kanya ng lalaki.

"Yes, ako nga po!" kahit nagtataka ay nakangiti niyang sagot sa lalaki. Saglit itong nawala sa kanyang harapan, at nang bumalik ay may kasunod ng tatlong iba pang tao. Person 1 is holding 2 dozens of red roses. Person 2 is holding different shades of tulips. While Person 3 is holding a dozen of pink balloons.

"Delivery po para inyo, Mam. Please sign po dito!" inabot sa kanya ng lalaki ang folder. Kahit nagtataka ay agad itong pinirmahan ng dalaga. Inabot sa kanya ng lalaki ang isang maliit na card. Nilapitan niya ang mga bulaklak at nangingiting pinagmasdan habang marahang binuksan ang maliit na card.

"for the most beautiful girl in the whole world. Ohhh ngingiti yan, assuming! hahaha i miss you, bata! and i hope to see you soon." --- Dane

Napangiti si Marielle matapos basahin ang message ng binata. Naiiling siyang inisa-isang amuying ang mga bulaklak, nang biglang tumunog ang kanyang telepono. Si Dane.

"Do you like the flowers?" agad niyang narinig na tanong nito. Di pa din mawala ang ngiti ng dalaga dahil sa natanggap na sorpresa.

"Hmm, okay lang! Pwede na!" biro niya dito habang dinala sa ilong ang isa sa mga tulips.

"Echosera ka! Kinikilig yan!"

"Heh! Di kaya! Nasaan ka?"

"May commercial shoot ako eh. Hey, malapit na pala birthday mo." narinig ni Marielle na sabi ni Dane. Parang biglang natigilan ang dalaga. She suddenly wished na hindi na lang sana pinaalala ni Dane ang kanyang kaarawan. Hindi niya tuloy maiwasang hindi maalala ang kanyang mga nakita ng gabi ng kanyang kaarawan. Parang bigla ay nawala ang kilig na kanina ay kanyang nararamdaman.

"Oo nga e!" napilitan niyang sagot dito pagkaraan ng ilang sandali. Parang wala naman napansin si Dane sa pagbabago ng mood niya, dahil tila ay masaya pa din ito sa kabilang linya.

"Uy, di mo ba ako i-invite?" biro ng lalaki kay Marielle.

"Sus! Eh pupunta ka naman ba? Remember the last time I invited you---"

"Hey, Bata! That was 9 yrs ago. I promise that if you invite me, I won't missed your birthday for the world. Just trust me, Bata." putol nito sa ano mang sasabihin niya.

Trust him? Kaya ba ni Marielle na muli itong pagkatiwalaan? Hindi ba't ang labis niyang pagtitiwala dito ang nagbigay sa kanyang ng laksa laksang sakit. Ilang ulit siyang pinatay ng sakit na yun. Kaya ba niyang muling magtiwala ulit?

"Hmm, up to you! You can come if you want, no pressure." maya-maya ay sagot niya sa lalaki.

"Thank you! That's more than enough for me. I will make it up to you, Bata! PROMISE." ani nito bago tuluyang ibinaba ang telepono.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Isang araw bago ang kaarawan ni Marielle, she decided to buy herself a new pair of shoes. Nang makapili na ay nagpahinga muna sila ni Ate May sa loob ng isang coffee shop, there she saw Mara Sanchez. May buhat itong napaka-cute na baby! Kahit nahihiya ay agad itong nilapitan ni Marielle.

Lover's Moon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon