Chapter 10

2.5K 85 10
                                    

Sa mga sumunod na araw, pinilit ni Marielle at Dane na maging propesyunal. Alam nilang naroon sila para sa trabaho. Kahit na naiilang ay pinilit ng dalaga na gawin ng mahusay ang karakter na ibinigay sa kanya. Di niya bibiguin ang mga taong naniniwala sa kanya. Pinagpapasalamat na lamang niya na hindi na siyang tinangkang kausapin ni Dane. Lagi na ay kausap nito ang ilang staffs.

Gaya ng hapon na yun. Kakatapos lang kunan ng direktor ang isang malaking eksena kaya naman hinayaan muna silang magpahinga at maligo sa dagat. Naroroon ang ilang co-stars nila, isa dun ay ang napaka-sexy na si Rhea Abad. The girl is obviously flirting with Dane. She's wearing black skimpy swim wear. Parang wala ng tinago sa katawan. Mula sa kinauupuan ni Marielle, dinig na dinig niya ang usapan at tawanan ng mga co-stars. Bumabangka sa usapan si Rhea.

Di maintindihan ni Marielle pero nakakaramdam siya ng inis sa tuwing malambing na hihimasin ng sexy actress si Dane. At mas lalo siyang naiinis na makitang tila nag-e-enjoy naman ang binata. She hates everything about the girl, even the way she laughs.

"Landi nito!" bulong bulong ni Marielle sa sarili. Narinig niya ang isang baguhang aktor na tinawag ang kanyang pangalan.

"Ms. Marielle, tara let's swim!" nakangiti nitong anyaya sa kanya.

"No, thank you! Okay lang ako dito." nakangiti niyang tanggi dito. She purposely answer him with her sweetest voice just to despise Dane. 

"Cmon, bro! Marielle won't swim here. Not unless it is allowed to swim on pants." narinig niyang sabi ni Dane na sinundan pa ng nakakalokong tawa. She would just let it pass kung di niya nakita ang patuya ding paghalakhak ni Rhea. She stood up from the beach chair! 

"But come to think of it, masarap nga siguro mag-swimming." nakangiti niyang sigaw sa baguhang aktor na kanina ay nag-aya sa kanya. Naglakad siya papalapit sa mga ito. Few steps away from them, unti-unting hinubad ng dalaga ang suot na cover-up, at nakangiting inabot yun sa PA na si May.

She's wearing a white one piece monokini swimsuit. May cutout ito sa dalawang gilid. Di ganon kataasan ang neckline, enough to leave more mystery para sa mga nakakakita. Bareback which flatters her slim body. Napatunganga ang lahat as Marielle walks closer to them.

Nangingiti ang dalaga sa reaksyong ng mga ito, lalo na kay Dane at Rhea. Nakita niya na nagtaas ng kilay ang babae habang nakatingin sa kanya. Aba! Mas malaki lang ang "future" nito kaysa sa kanya, pero mas sexy naman siya dito, noh! Yun ang naiisip ng dalaga.

"Wow! Ang sexy mo pala, Ms. Marielle!" buong paghangang nasabi ng baguhang aktor sa kanya. She smiles at him so sweetly.

"Maliit na bagay lang yan!" biro niya sa lalaki na kinumpas pa ang mga kamay. Ang lahat naman ay natawa sa kanyang tinuran, except for Dane. Nakita niya ang matalim na tingin nito sa lalaking kausap, na kung nakakamatay lamang ang tingin, malamang bulagta na ang lalaki.

Marielle smiles so victoriously. Di niya alam pero natutuwa siya sa nakikitang reaksyon ng binata. She felt like she won!

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Kinagabihan naman ay napagpasiyahan nilang gumawa ng bonfire. Doon paikot silang naupo. Si Ate May ang katabi ni Marielle. Habang si Dane naman ay katabi si Rhea na wala yatang balak lubayan ang lalaki.

"Sali kayo, Ms. Marielle? Sir Dane? Paramihan tayo ng mga pick-up lines na alam."  maya-maya ay naisip ng isang cameraman na laruin nila. Bigla napatingin si Dane kay Marielle.

Lover's Moon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon