Chapter 2

4.1K 93 1
                                    

"This is bullshit!" halos maiyak na si Marielle sa inis ng umagang yun. She's not the type to curse, pero she find her management's decision to be so absurd. Pinulot ng kanyang PA ang mga papel na tinapon niya. Parang namang biglang gustong maawa ng dalaga sa nakikitang itsura ng tauhan, she's so scared. Hindi naman talaga siya magagalitin. She's not perfect but she really isn't the type to yell around. Dangan lamang ay talagang galit na galit siya. Her manager sighs bago inokupa ang upuan na nasa tapat niya. Nasa sala sila ngayon nang bahay na nabili ni Marielle 2 years ago. The house cost 20 million and she paid it in cash. 

"Marie, listen! Alam mo naman na if I have my way, di ko tatanggapin ang project na ito. I know that you don't want to work with Dane. Pero management decision 'to. And ito ang biggest movie of this year." mahinahon na paliwanag sa kanya ni Karen, ang kanyang manager. She knows everything na nangyari, kaya naman sa mahabang panahon, nauunawaan ng babae na ayaw makatrabaho ng alaga ang gwapong aktor. Not even on a soap opera, not even on a commercial. 

But the people are now seeing the strong chemistry between the two. Lumalakas ang ugong na gusto silang pagsamahin sa isang proyekto. And just few days after nila dumating from New York, nilatag sa kanya ang proyekto. Sinulat ng isang premyadong manunulat. Ang direktor ay bigatin. Ang produksyon ay talagang pag-gagastusan. The biggest film of this year. And it is believe to be the game changer. 

Any actresses and actors would kill to get the roles, kaya naman isang karangalan na mapili ang kanyang alaga. If only hindi si Dane ang leading man......

"Ate Ka naman! Alam mo naman gagawin ko ang lahat. Sige, patalunin nyo na ako sa helicopter na walang double. Kumain na ako ng apoy, pero please naman, wag lang maka-partner si...." Marielle stops. Miski ang pangalan ng lalaki ay ayaw niyang banggitin. He was a nightmare na ayaw na niyang balikan.

"I know, Marie! Pero nahihiya akong tumanggi, baka sabihin na ay nagmamataas na tayo. I don't want them to have an impression na lumalaki na ang ulo mo. We don't like that, do we?" napatingin si Marielle sa manager. Somehow, naiintindihan niya ang babae. Sa kabila ng kasikatan, maipagmamalaki din niya sa lahat ang kanyang professionalism. Never siya nagbigay ng sakit ng ulo sa kahit na sino, from the crew to the directors to the producer. Ayaw niyang mabahiran ang kanyang pangalan. She made her own name, at di siya makakapayag na masira yun ng ganun ganun lang.

"Wala na ba talagang magagawa para hindi na lang yung lalaking yun ang leading man?" pagkuway tanong niya sa manager. Tumayo ito at tinungo ang mini-bar. She need a drink! Mahaba-habang pangungumbinsi ito. Something that she understands. Di birong sakit ang naramdaman ng alaga nang dahil kay Dane. At kahit pa na sabihin ng dalaga na wala na sa kanya yun, alam ni Karen na hanggang ngayon, nakakasakit pa din yun kay Marielle.

"Sinulat kasi ang script para sa inyo. Kayong dalawa ang first and only choice. And besides, kung di mo 'to tatanggapin ang project na 'to, baka isipin din ni Dane na apektado ka pa din. It's been 9 years, Marielle!" Karen tries her best na wag nang balikan ang nakaraan ng alaga. Pero naniniwala siya na in point, kailangan din ng dalaga na harapin ang lalaki. She can't run and hide forever.

"Hmmm, let me think about it, Ate Ka! Please set up a meeting for me and our management. Gusto ko lang magtanong ng ilang mga bagay before deciding. Oks lang ba yun, Ate Ka" she smiles! Agad din naman yung nagpangiti kay Karen. Yan ang tunay niyang alaga, hindi yung dalagang galit na galit kani-kanina. Her Marielle is sweet, warm, compassionate, bubbly and loving. Sa kabila ng mga narating nito, she remain humble. Pero dahil sa mga nangyari 9 yrs. ago, nagkaron ng lungkot sa mga mata ng alaga at kaibigan. Nabawasan ang malulutong na halakhak. Sinubsob ng dalaga ang ulo sa trabaho.

The past 9 yrs. were all about work, work, work. Di tumigil ang dalaga hanggat di naabot kung ano man ang naabot niya ngayon. She work hard to make it big, to prove to everyone who doubted her that she's ain't NOBODY. At ngayon nga ay matagumpay na si Marielle. But still, those eyes are still sad. Karen look at Marielle. She's very lovely! Pero iilan lamang sila na alam ang mga nakatagong sakit at lungkot sa aktres. 

Lover's Moon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon