Chapter 11

2.4K 71 4
                                    

Kinabukasan ay nagpatuloy ang shooting sa ginagawa nilang pelikula. Gaya nga ng inaasahan, nandon pa din si Rhea. May ilan pa kasing scenes na kasama ang babae. Kaya naman tila wala itong sinasayang na sandali kakalingkis kay Dane.

"Alam mo, Marie, mahihiya si Galema sa pagdikit niyang Rhea na yan." narinig niyang sabi ng kanyang PA na mapansin na nakatingin siya sa gawi nila Dane.

"Naku, Ate May! Wala akong pakelam!" kunwari ay pawalang bahala na sabi niya na kunwa ay abala sa pagbabasa ng script.

"Ako nga wag mo nang pinaglolokong bata ka! Kabisado na kita, miski paghinga mo kabisado ko. Kala mo di ko napapansin na lately your smiles are coming back. Masaya ako na nakikita ka na muling ngumiti, pero di ko maiwasang matakot." napangiti si Marielle. She normally don't take unsolicited advise from anyone, maliban sa mga taong nakasama niya nung walang-wala pa siya, isa na dun si Ate May. Niyakap niya mula sa likod ang kanyang PA.

"Don't worry, Ate May! I know better now. I won't commit the same mistake anymore." sabi niya sa babae.

"Marie, ayos lang magmakali ka. You're not perfect, so don't be scared to commit mistakes. Pero ang gusto ko sana, wag ka nang iiyak. At kung iiyak ka man, tears of joy na." sa sinabing yun ng PA ay talaga naman gustong maiyak ni Marielle. She realized, she's so lucky having people in her life like Ate May.

"Thank you, Ate May! Wag ka mag-alala, di na ulit ako hihimtayin sa sobrang kakaiyak." biro niya sa PA na agad naman kinatawa nito. Di na talaga niya tinuturing na isang PA lamang ang babae kundi isa na ding nakakatandang kapatid.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ngunit sumapit ang gabi na hindi man lamang siya kinausap ni Dane. Kung lalapit man ito sa kanya, yun ay every take lang. Di maintindihan ni Marielle, pero naiinis siya sa hindi pagpansin sa kanya ng binata. "eh ano kung di ka niya pansinin? mas maganda nga yun, di ba?" sabi ng dalaga sa sarili.

At gaya nga ng mga nagdaan na gabi, nagkumpulan na naman ang mga staffs and crew para magpalipas ng oras pagkatapos nilang kumain ng hapunan. Naupo si Marielle kasama ang PA at ilang cast. Mula sa pwesto ay tanaw niya sila Dane at Rhea. Tila masaya ang mga itong nagtatawanan habang nagkwe-kwentuhan. There's a sudden rush of feelings na naramdaman ang dalaga, at sigurado siya, parang masakit. Tinungga ng dalaga ang beer na nasa harap. At pagkatapos ay humingi pa ng isa. Gaya nang nauna, she drink it straight. Hanggang naka-apat siyang bote ng San Mig Light.

"Ms. Marielle, naka-apat ka na ha!" puna sa kanya ng isang teen star na kasama din sa cast. Ngiti lang ang sinagot niya dito dahil medyo nakaramdam siya ng hilo. Nakita niya ang isa na nasa kumupulan nila na may hawak na gitara.

Lover's Moon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon