Chapter 12

2.6K 80 3
                                    

"Hello, Marie! Matagal pa pala yung take natin, no?" nakita niyang nakaupo ito sa sala ng beach house with her laptop. Nilapitan ito ni Dane na natutuwa dahil natakasan niya din sa wakas si Rhea. Ang scene kasi nito ang siyang kinukuhanan ngayon. Not that he don't find Rhea attractive. In fact, talaga namang napakaganda ng dalaga, pero wala siyang nararamdaman na kahit ano dito. He like the subtle kind of beauty, that kind that isn't too flashy instead classy. Something like Marielle's beauty.

"Oo nga eh! Ikaw, bat di ka na lang magpahinga muna?" she smiles at him. Parang gustong maglulukso  ng puso ng binata. Masaya siya na ngini-ngitian na siya ulit nito, di katulad dati, lagi na ay nakasimangot o walang reaksyong ang dalaga sa tuwing makikita siya.

"Okay lang naman ako! Ikaw, what are you going to do?" naupo siya sa malapit sa dalaga.

"Manonood lang ako ng movie."  nakita niyang inayos nito ang laptop. He saw the film na sa tingin niya ay ilang libong beses na yatang napanuod ng dalaga simula nung 16 pa lang ito. Alam niyang paborito ito ni Marielle.

"Letter's to Juliet na naman? Ilang beses mo nang napanuod yan, di ba?" natatawa niyang sabi sa dalaga. She just rolled her eyes which made him chuckle more. Sobrang cute talaga ng babae pag naiinis.

"Favorite ko 'to eh! Isa pa, ako naman ang manunuod ha! Kaya chupi chupi."  kinumpas kumpas pa nito ang kamay na tila pinapaalis siya. Dane is enjoying her every reactions, parang yung dati lang nung housemates pa sila sa isang reality show.

"Well, manonood na nga din ako! Pwede ba?" he asked, and move closer to her.

"Pwede naman! Basta wag kang nega diyan ha! Wag kang mang-asar. Bawal KJ. Capiche?" mataray na paalala sa kanya ng dalaga.

"Aye, aye, aye, Ma'am!" sumaludo pa siya dito na kunwari ay isang sundalo. She's shaking her head and then push the play button.

It was actually a good movie, naisip ng binata. A typical chic flick. Dane is in the middle of being critical about the film when he heard Marielle's sobbing. Nilingon niya ito at nakita na niya pinupunasan nito ang mga mata using the collar of her shirt. He suddenly wish dala niya ang camera niya, why, she's too cute and too beautiful!

"Hoy, akala ko ba ilang beses mo nang napanuod yan? Eh bat kung makaiyak ka parang first time mong napanood yan?" natatawang sabi ni Dane sa dalaga while poking her cheeks. Naiinis na tinabig-tabig ni Marielle ang kamay niya.

"Oo  nga! Eh sa nakakaiyak pa din e. Saka di ba sabi ko sa'yo, bawal magbigay ng reaksyon? Don ka na nga!" she is pouting while talking. Di napigilan ng binata na kurutin ang mga pisngi ni Marielle. She's tooooo cute to take!

Lover's Moon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon