Chapter 8

2.5K 69 2
                                    

Napagpasyahan ni Marielle na umalis sa Mother Network niya para tuluyang maiwasan si Dane. Kahit pa hindi gusto ng kanyang manager ang naging pasya ng dalaga, walang nagawa ang babae kundi sundin na lamang ang kagustuhan nito.

Madaming hirap ang pinagdaanan ni Marielle sa career. Kahit mga role na maliliit ay tinanggap ng dalaga. Kahit pa sabihin na katulong siya o alalay ng bida, tinaggap nila. Sinubsob niya ang ulo sa trabaho.

She got her biggest break when she was 18. Isang Indie Film ang inalok sa kanya. Mapangahas ang tema. Gaganapan niya ang isang magaling na acoustic bar singer na kakailanganing gumawa ng mga bagay na labag sa kanyang dignidad. Her role includes showing off some skin.

Matagal na pinag-isipan yun ng dalaga. She came from a conservative family in Davao. Studied in all Catholic school. Kahit pa nga di naman bold na bold ang tema, masyado pa din yung daring sa katulad niya. But the story was too good. The writer and the director is both award-winning.

Pagkatapos ng masinsinang pag-iisip ay napagpasiyahang tanggapin ng dalaga ang project. And that movie change the course of the game! Humakot iyon ng madaming awards, including Best Actress para kay Marielle. Tumabo sa takilya, at tinuring na isa sa pinakamakabuluhang pelikula ng taon. Humakot din ito ng awards sa ibat-ibang award giving bodies sa abroad. The movie changed Marielle's life forever.

Nagsimula siyang mapansin ng mga malalaking network. Lahat ay nag-offer sa kanya ng kontrata. Some record labels also offered her to do an album for them. Naging cover girl din siya ng different magazines, and tagged as the "Indie Heiress".

Nang makatanggap sila ng offer mula sa dating mother studio, agad iyong tinanggap ng dalaga. Ayun ang pinakahihintay niyang pagbabalik. Matagal niyang pinaghandaan ang pagbabalik sa network na yun.

"Ang ganda ganda mo, Marielle!" mga papuring naririnig niya as she enters the building of that network. Ang ilan ay nagulat noong nakita siya. Di nila akalain na magbabalik pa siya pagkatapos niyang umalis sa home network niya.

Naging tuloy tuloy na ang mga projects niya. Nagkaroon siya ng 4 major concerts, at lagi nang sold out ang tickets. Maging ang mga pinagbibidahang soaps ay consistent number 1. Her albums are sold out, and receiving lots of awards and recognition. Effective product endorser din siya. Pero sa loob ng mahabang taon, isa lamang ang kanyang talagang tinatanggihan-- yun ay masakama sa isang project si Dane Marasigan.

Hindi miminsan na tinangka silang pagsamahin ng kanilang mother network, pero lagi na ay nakakahanap ng dahilan si Marielle upang tumanggi-- not until now. Di rin naman kasi basta basta ang lalaki. He is also one of the finest actor in his generation. Marami din itong endorsements. Pero di gaya dati, Marielle is much more popular than Dane. And her achievements do the talking para sa estado niya sa industriya na yun.

Mahihinang tapik sa kanyang balikat ang nagpabalik sa kasalukuyan kay Marielle. Tinanggal niya ang takip na unan sa mukha. Si Ate May.

"Ga, ga! Nakatulog ka yata! Maya-maya ay magsisimula na yung maliit na party nila direk para inyo. Kailangan mo nang mag-ready!" napansin niya na parang medyo umitim ang PA. Marahil ay sa mahabang pagbibilad sa araw. She check the time on her Iphone. Alas-sinco na pala ng hapon. May isang oras kalahati pa siya para maligo at mag-ayos.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

DANE:

Kanina pa siya palinga-linga sa kabahayan kung saan naroroon si Marielle. Pasado ala-sais na ng gabi, at nagsisimula na ang maliit na salo-salo para sa kanila. Dahil nga hindi pa progresibo ang pamayanan ng Esperanza, isang videoke machine lang ang nakuha nilang libangan. Ang iba sa mga kasamahan ay gumawa ng bonfire at doon naupo paikot.

Lover's Moon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon