Nang makabalik nga sila Marielle at Dane sa Maynila ay nabigla sila sa mga naglabasang write-ups. Hinuhulaan ng iba na may namuong relasyon sa matagal na panahon na pananatili nila sa Casiguran. While some write-ups are about Marielle being so boastful! Naroroon ang nangyaring away sa kanila ni Rhea, at maging ang malaking komprontasyon nila ni Sommie. At sa lahat ng yon, ang dalaga ang lumalabas na may kasalanan.
"Wow! You look good, Marielle! Welcome back. Ang ganda ng tan mo, I'm so jealous!" bungad sa kanya ng manager na si Ate Karen. Nasa loob sila ng opisina nito nang Linggo ng hapon na yun.
"Thank you! But cmon, di mo ba ako tatanungin about sa mga issues? I'm sure nabasa mo na yun!" pasalampak siyang naupo sa sofa.
"Ahh yun? Why would I? Kilala kita, Marie! I know that you are a very good person, but I also know that you're no pushover. Alam kong di ang tipo mo ang nagsisimula ng gulo. Though di ko alam ang nangyari, I trust you so much that I don't need to hear your explanation." inabot sa kanya nito ang ginawang kape. Marielle smiles so sincerely! Ano ba talaga ang nagawa niyang mabuti to deserve people like Ate Karen. Sabay silang napatingin ng hangos na dumating si Lorie. Di man lang ito kumatok at tuloy tuloy na naupo sa tabi nila. Ano nga ang sabi? Ang tunay mong kaibigan ay yung mga hindi nagpapaalam, at bigla na lamang papasok. Tama yata yun para kay Lorie.
"Hello, Ate Ka! Hoy, Marie! Sinaktan ka ba nung mga chararat na yun? Nakuuu! Dapat kasi tinext mo ako eh. Ang kakapal lang ng mukha nung mga yun ha! Nakuu, gusto mo ba balikan natin? Alam ko san nag-shu-shooting yung mga chakadudels na yun!" tuloy tuloy nitong sabi pagkatapos batiin ang manager. Naiiling naman sila pareho ni Ate Karen. Eto pa ang isang tao na hindi siya tatanungin kung anong nangyari, bagkus pagkakatiwalaan siya na lahat ay ginawa siya dahil may dahilan.
Tumayo siya at sabay na niyakap ang dalawa. She's really grateful for the quality of people she have in her life. Si Lorie naman ay kunwaring nangdidiri na bumitaw mula sa kanyang pagkakayakap.
"eeewwww! ikaw tumotomboy ka na naman! Alam kong maganda ako, pero di tayo talo!" kunwari ay kinikilabutan pa nitong sabi. Natatawa si Marielle sa kaibigam. She never fails to make her laugh! At sigurado siyang kung tinawagan niya ito para sumunod sa Casiguran, dila lang ni Sommie ang walang latay. Kung siya ay Batang Davao, si Lorie naman ay Batang Paranaque.
"Kapal mo ha! Di kita type, no? Type ko yung slim saka sexy, hindi yung chubby!" ganting biro niya dito na kinalaki ng mata nito.
"Ahh ganon ha?" tinakbo siya nito ay pinagkikilit. Halos magkikisay na naman si Marielle sa kakatawa. Alam talaga ng mga ito ang kahinaan niya, malakas ang kanyang kiliti.
"Oi, tama na nga kayong dalawa diyan! Para pa din kayong mga bata." saway sa kanila ni Ate Karen at binuksan ang TV. Sakto na nasa isang Sunday talk show iyon. Napatigil si Marielle at Lorie sa paghaharutan. Pinapakita ang mga interviews nila Rhea at Sommie. Isa sa mga interviews ay pinapakita pa ang larawan na hinihila niya ang aktres sa dagat. Sommie also showed her bruises from that confrontation, at pagkatapos ay humagulgol pa habang inaalo nila Rhea.
"I don't know why she's so mad at me. I just came there to visit Rhea. Di niya yata gusto na nasasapawan siya. Ganon na kalaki ang ulo ni Marielle." madamdaming pahayag ni Sommie sa media. Akmang papatayin ni Lorie ang TV nang marinig nila ang sinabi ng host.
"Abangan nyo po ang panig naman ni Dane Marasigan sa issue na ito, LIVE!!" at pagkatapos ay pinakita si Dane na nakaupo sa harap ng dalawang host. Marielle held her breath! Halos isang linggo na din simula ng huli niya itong makita, and she really missed him.
"So, Dane, what can you say sa incident na yan since nandon ka mismo? Talaga bang yumabang na si Marielle Rivera? Talaga bang siya ang nagsimula ng gulo na yan? Ano ang iyong panig!" narinig niyang tanong ng lalaking host sa binata.
"Di po totoong yumabang na si Marielle, Tito Butch. Napakabuti po niyang tao. Infact may mga kasama po ako na magpapatunay kung sino ang talagang nagsimula ng gulo..." saglit na tumayo ang binata, at ilang sandali pa ay kasama na nito ang halos walang tao. Ang mga driver, make up artist, clap men, cameramen at maging ang tiga walis ng lugar na kinukuhanan ng eksena ay naroroon.
"Magandang hapon sa inyo! Maari nyo bang ihayag sa mga manonood ang side ninyo?" bati sa kanila ng host. Kahit tila nahihiya ay agad na nagsalita ang isang cameraman. Naalala ni Marielle na ito ang humiling sa kanya na kumanta siya ng isang 90's rock classic at nagpaalam na kung pwedeng i-record ang kanyang pagkatan dahil ayon dito, fan niya ang misis nito.
"Di po totoong mayabang si Ms. Marielle. Sa katunayan napaka-humble po niya. Magaling siyang makisama. Nakikihalubilo sa lahat." parang may biglang bigik sa lalamunan ni Marielle as she heard what he have said. Sobrang touched ang dalaga, di pa siya nakakabawi ay nagsalita naman ang isang clap men.
"Totoo po yan! Maging sa amin na maliliit na tao lamang sa produksyon, napaka-maaalalahanin niya sa amin. Di siya pumipili ng taong kausap kahit pa nga malaki na siyang artista..." there is a fondess in his voice that made some people inside the studio cries.
"Napaka-cool pa po niya! Nakikisakay sa mga trip namin. Kowboy, di ko nga akalain na ganon pala siya kabait." dagdag ng isang driver ng mga props at camera ng produksyon.
Marielle was so touch, di na niya napigilang mapaluha. Napagpasiyahan na niyang wag sumagot at palipasin na lamang sana ang issue, like have it's normal death. Pero di niya akalain na may mga taong magtatanggol para sa kanya. She felt so loved! Ngayon siya naniniwala na may ginagawa siyang tama to deserved the love and kindness of these people.
"Kung najombag man po ni Ms. Marielle ang grupo nila Ms. Sommie, dahil lang po yun sa ipinagtanggol ni Ms. Marielle ang kanyang PA. Salbahe po kasi si Ms. Sommie, ininsulto at tinulak pa niya si Ate May kaya ayun, krinompal siya ni Ms. Marielle." dagdag ng baklang make-up artist na nagpatawa naman sa ilan. Maging si Marielle ay natawa sa sinabi nito. She remind herself to thank all these people.
"Wow!! Marielle must be so touched hearing everything you're saying, guys! Eh ikaw Dane? Totoo ba ang napapabalitang diumanoy may relasyon kayo ni Marielle? Ang daming pictures na nagkalat. Ano ang masasabi mo dito?" tanong muli ng host sa binata. Ang mga tao naman na nakatayo sa likod nito ay sabay sabay na naghigikgikan at nag- UYYYYYYYYYYYYYYYY! Nakita niyang nangingiti si Dane. Si Ate Karen naman at Lorie ay agad na nilingon siya, pag-aalala ang nasa mata ng mga ito.
"Well, those pictures are real! But me and Marielle are just friends, though if you will ask me if I like her? Yes, I like her! I like her a lot!" pag-amin ng binata na talaga namang kinakilig ng lahat ng naroroon sa studio.
"Nice!! That's what I want from you, Dane. You're so honest and brave! Eh eto, totoo ba na matagal ka nang may magpatingin kay Marielle 9 years ago pa? singit ng babaeng host. Everybody held their breath, tila hinihintay ang pagsagot ng binata.
"That's true, Trish! I started liking her when she was just 16, actually, it's more than like. But I had to keep it to myself since napakabata pa niya."
"Eh ano naman ang masasabi mo na lahat daw ay for promo lang at nakikisakay ka lang daw sa kasikatan ni Marielle." muling tanong ng babae kay Dane.
"Hindi po totoo yan! It isn't in my intention to use Marielle. She's really dear to me, matagal na! I worked hard to get to where I am today, kaya di ko pa kailangan gamitin si Marielle. Ang mali ko lamang po ay ang hindi maging matapang na harapin ang nararamdaman ko dati for her." makahulugang pahayag ng binata. Si Marielle naman ay lalong napaiyak sa mga narinig. She knew na unti-unting nawawala ang galit na naipon niya para sa binata, pero takot siyang muling masaktan? Di na niya kaya ang masaktan pang muli. She knew the next time, di na niya kakayanin.....
BINABASA MO ANG
Lover's Moon (COMPLETED)
Short Story"I know she waits for me, under the lover's moon." Kaya nga bang pawiin ang sakit ng nakaraan? Kaya nga bang magmahal muli sa kabila ng sakit na naramdaman? Kailan ba ang tamang panahon para masabing ang pagmamahal ay tunay at totoo? Let us witness...